WA [DR] 40 - Give Up and Fall

50.7K 1.8K 233
                                    

If you have time, please read my other stories. I'll be regularly updating them soon.

In this chapter, someone will beg :(( comments will be highly appreciated.


WA 40 – Give Up and Fall

Ilang araw na ang lumipas pero ganoon pa rin ang sitwasyon ko. Nahihirapan. Nahihirapan sa isang bagay na nagpapahirap rin sa isang taong malapit sa akin. Si Briz. After that day, we tried to act civil. 'Yon bang kakalimutan muna namin 'yong napag-usapan namin at susubukan ang ibang paraan. Madali naman palang mapaki-usapan ang isa't isa.

I groanned when Stan hit my arm, "Looking good, T." Sabay tawa niya.

Ngumiwi ako. "Implying something, Stan?" Tanong ko at pinagtaasan siya ng kilay. He's teasing me. I get it. "Kanina ka pa ah. Alam mo bang masakit na ang mga braso ko sa kakasapak mo sa akin?" I rolled my eyes.

Mas tumawa pa siya at inakbayan ako. "Ikaw naman, hindi na mabiro." Piningot niya ang tungki ng ilong ko sabay gulo ng buhok. This time, ako naman ang nanapak sa kanya.

"Isa na lang, Stanley! Ikaw talaga ang tatamaan sa akin!" Pagbabanta ko. "Kababalik mo palang ang sungit mo na." He commented.

Napangisi na lang si Briz na kanina pa nanunuod sa amin. He crossed his arms while watching us.

Hinawi ko ang pagkakaakbay niya. "Whatever."

Napalingon kami sa pinto nang bigla itong nagbukas. Nakangiting pumasok si Wina, Xynthea at Liz. "Hi, how are you?" Mabilis akong niyakap ng mahigpit ni Wina. Sinamaan niya ang tingin si Stan na nasa tabi ko lang. Napalingon ako sa kanilang dalawa at mabilis ding umalis si Stan sa gilid ko. Naupo si Wina doon. "Hi ulit," bati ni Wina.

Napailing si Xynthea at Liz sa inasal ni Wina, "Uhh..." Panimula ko. Bakit ang weird ng mga 'to?

"Ate, okay na ang mga sugat mo?" Pag-iiba ni Liz sa topic.

Tumango ako, "Oo. Konting hapdi na lang, pero okay na ako." Sabi ko. Pinaglalaruan naman ni Wina ang mga daliri ko. "Nagpunta dito ang mga magulang mo. Hindi sila nagtagal dahil ipinatawag sila ni Ynior." Sambit ni Wina na nakapagpatigil saakin.

"Nandito sila?"

"Hindi mo alam?" Pagtataka niyang tanong.

Tumikhim si Stan kaya napabaling kami ng tingin sa gawi niya, "Kaya nga nagtatanong di ba? Kasi wala siyang alam."

Inirapan siya ni Wina pabalik. "Shut up, Hutchinson." She retorted.

Hindi rin papaawat itong si Stan kaya bumwelo din siya ng banat. "Ang kulit mo kasi. Ikaw 'tong tinatama, ikaw pa gali—"

"Hindi ako galit. Nakakainis ka lang talaga."

Tinuro ni Stan ang sarili, "Ako? Nakakainis ako? Wow naman."

"Oo, kaya tumahimik ka kung wala kang matinong sasabihin."

Napapikit ako sa lakas ng sigawan nilang dalawa. Napailing kami pareho ni Liz habang napangiwi si Xynthea na nasa tabi ni Briz. 'What's up with them?' Tanong ko kay Briz. Panay parin ang sigawan ng dalawa kaya useless din kung mag-usap kami ng may boses. 'LQ ang mga 'yan. Hayaan mo na.' Sagot niya. Ano? LQ?

'Ano iyon?'

'Lover's Quarrel'

Napakagat labi ako dahil pinipigilan kong tumawa ng malakas. Baka ano pang masabi nila kapag ginawa ko 'yon. Napatingin ako kay Briz na nagngiting aso lang. Alam ko ring pinipigilan niya ang pagtawa kagaya ko. 'Paano nangyari 'yon? Are you saying, Stan likes Wina?'

Worthwood AcademyWhere stories live. Discover now