"Ah di kasi kaya ng mga artists yung offer ko. Syempre di basta basta yang product ko noh. Tsaka bakit pa ako kukuha pwede namang tayong dalawa" saad ko

"Ahay, kapal talaga oh" saad ni Gyl

"Bakit ayaw mo? Arte mo" sabi ko

"Mas maarte ka kaya" sabi niya with matching irap

Natatawa na lang din ako sa reactions niya. Napaka-cute niya pag naiinis na siya.

"Alam mo ang cute mo" walang anu-anong sabi ko sa kanya

Natigilan naman siya sa pagkain niya saka ako tinignan. Ngumiti siya sa akin bago magsalita

"Paano mo naman nasabi?" tanong niya

"Wala. Hindi ka lang pala cute maganda din" sabi ko

"Asus, ayan ka na naman. Napakabolero mong bakla ka" natatawang sabi niya

"Bakit naman? Eh totoo naman ang sinasabi ko. Bakla ka dyan, halikan kita dyan eh" may halong birong sabi ko

"La siya. Oo na, naniniwala na ako. Tumigil ka nga sa biro mo, bakit? May mga bakla namang humahalik talaga sa babae? Napaka-ano mo talaga" saad niya

"Ayan ka na naman eh. Nagbibiro lang naman. Oo nga may mga bakla talagang humahalik, gaya ko. Oh" sabi ko with matching taas ng kilay pa ito gurl

"Yucks! Dyan ka na nga, magbibihis na ako. Oh, huwag kang aalis dito, subukan mo lang" pagbabantang sabi niya

Kahit natatawa pa eh tumango na lang ako sa kanya. Grabe siya sa akin. Kahit bakla ito mahal naman niya. Panalo pa rin mga mumsh

Pinagmasdan ko na lang siya habang umaakyat. Buti naman at niligpit niya muna ang pinagkainan niya bago siya umalis. Agad din naman akong nagtungo sa sala habang hinihintay siya

Maigi kong pinagmamasdan ang mga litrato niya at litrato nilang buong pamilya. Nakita ko din ang mga medals ng kuya niya at mga medals din na natanggap niya. Napakatalino pala niya. About criminal cases pala ang course niya nung college. Sobrang natutuwa ako sa mga na-achieve niya sa buhay

May isang picture ang pumukaw ng atensyon ko, ito ay yung picture namin sa Japan. Oo kasama ako sa picture na yun, ang wala lang dun ay si Kuya Jazz. Sobrang saya ko kasi belong na ako sa family nila. Tanggap nila ako para kay Gyl

Marami pa silang pictures na family. Ang saya saya lang nila sa mga pictures na yun.

"Kanina ka pa titig na titig sa mga pictures" sulpot na sabi ni Gyl

Binaling ko ang tingin sa kanya saka nginitian. Ang ganda niya talaga kahit napaka-simple lang ng damit niya

"Ah wala lang. Ang saya saya niyo kasi sa mga pictures niyo kaya tinignan ko lang" sagot ko

"Hmm. So ano, tara na ba?" dagdag ko pa

"Ah sige. Tara na sa HQ" saad ni Gyl

Tumango ako sa kanya saka binuhat ang bag niya. Di naman ganun kabigat pero ako na ang nagbuhat nun para sa kanya.

Mga ilang sandali pa ay umalis na kami saka nagtungo sa HQ nila. Kung di lang ako kailangan sa US sasama ako sa outing nila. Syempre gusto ko din namang pumunta sa lugar na yun. Hay. Soon pupunta ako dun kasama siya


Gyl's PoV
Ligtas naman kaming nakarating ni Cevi dito sa HQ. Nakahanda na rin pala ang van na gagamitin namin papuntang Ilocos. Agad namang hinanap ng mata ko si Tory, agad ko din naman siyang nakita at ayun nagpunta siya sa dako namin

Natagpuan ko rin si Cevi na nasa compartment para ibaba ang bag ko and after nun lumapit siya sa akin

"Ayan na pala yung mga kasama mo eh" saad niya

I Love The Way You Are Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon