Chapter 15: Ian

1.9K 47 4
                                    

Chapter 15:  Ian

CASPIAN TROY's POV

I called Eunice dahil hindi ako mapakali matapos kong malamang wala nanaman siya sa dorm nila.

Hey

"Saan ka ngayon?"

It's none of your business

"Eunice! Stop ruining yourself dahil lang sa nangyari sating dalawa! Hindi pa ba sapat yang pagiging playgirl mo?"

This is not about you Ian! Stop being so paranoid! Sheeze!

Natahimik ako. Shit naman.

Hindi ko na nga talaga siya kilala ngayon. Hindi ko na alam kung paano siya pasisiyahin. Hindi ko na alam kung paano siya paamuhin.

Hindi ka pa matutulog?

"Sino yun?" Sigurado akong boses yun ng lalaking half asleep sa kabilang linya.

Just a minute babe..

Narinig kong sagot ni Eunice. Babe? Nasa kwarto siya ng lalake? Siguradong magkatabi silang matulog nito!

"EUNICE! SABIHIN MO SAKIN KUNG SAAN KA NGAYON!"

Chill Ian.. Good night

*toot* *toot*

Shit! Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito! Halos ma sipa ko na ang upuan. Halos itapon ko na ang cellphone. Gusto kong makasuntok ng tao. Alam kong hindi selos 'to. Magkadugo kami at ayokong may masamang mangyari sa kapatid ko!

DANA's POV

"Okay ka lang?" I asked. Kakarating ko lang from the ticket booth dahil bumili ako ng tickets for the University Night.

"It's just my hard-headed half sister pissing me off.." sagot niya pero bakas sa mukha niya ang labis na galit.

"Ayyy! Sayang! Sana tatlo ang binili ko para makakasama siya bukas.."

"Wag na.."

"Bakit naman? Syempre gusto kong makasama yung half sister mo kahit matigas ang ulo.."

"Alam mo ba kung saan pwedeng matulog ang pinsan mo ngayon? Wala siya sa dorm niyo.." tanong niya na parang hindi mapakali.

Nagtatanong siya tungkol kay pinsan? Ba't nauwi kay Lara ang usapan? Unti-unting sumikip ang dibdib ko.

"Ha? Si Lara? Hindi ko alam.. Minsan ko nalang siya nakikita.."

"Bakit? Bakit minsan nalang? Saan ba siya palagi? May alam ka ba?"

"Ba't ba siya ang laman ng bunganga mo? Ex mo na yun diba? Ok na tayo oh! Ba't ba siya pa ang hinahanap mo? Kulang pa ba ako?"

"Hindi! Hindi mo naiintindihan!"

"Eh bakit nga! Mahal mo pa ba pinsan ko?" galit kong tanong.

Ayokong marinig ang sagot niya. Natatakot ako. Alam ko namang talo ako kapag si Lara ang karibal ko.

Hindi nagsalita si Troy pero tumalikod siya na parang naiinis. Ginulo niya ang buhok niya na parang lampas langit ang problema.

"Sorry.. Siguro mahal mo nga.." mahinang sabi ko at yumuko. I feel so down.

"Ikaw ang mahal ko. Do you think manliligaw ako sayo kung hindi? Wala kang kailangang pagselosan kay Lara."

"Wala? Eh bakit siya ang laging laman ng bibig mo? Siya ang lagi mong hinahanap?"

Miss PlaygirlWhere stories live. Discover now