Chapter 9: Be Strong

2.2K 51 7
                                    

Chapter 9:  Be Strong

LARA's POV

I won't let this issue ruin my day kaya naglagay ako ng concealer to hide my eyebags.

I also picked a colorful blouse and white jeans para hindi mapansin ang lifeless face ko. It's been a week since Ian told me everything kaya I should be okay by now. I should pretend I'm okay.

Bumaba na ako because Ian just called me at sinabing he's waiting sa labas ng dorm. Ang sweet no? I actually begged him last night para sunduin ako.

"I missed you for one and a half week!" masaya kong sabi and I kissed him in his cheeks.

"You don't have to do that.." sabi niya at pinaandar ang sasakyan. Kill joy si half brother ko no? Ouch! Did I just said half brother? Dammit!

"Why? I'm trying to be a good little sis here!" inis na sabi ko sa kanya. Little sis? Did I just said Little sis? Saying that hurts me a lot kaya lang I have to be strong!

Be strong Lara, be strong enough to stop the tears from falling.

"Dana will be mad.." sagot niya sa akin.

"Sheeze! Bakit ba si Dana na lang palagi? Ganyan ba siya ka importante sayo kesa sa akin?"

"No! I'm just saying..."

"Okay! Pull over!" biglang sabi ko sa kanya. Sira nanaman kasi ang araw ko eh.

"What? Ang dali mo namang magalit!"

"Just pull over! Sheeze!"

Lumabas ako nang huminto ang sasakyan. He followed me at nagustuhan ko naman. I feel very important dahil sinundan niya ako.

"Eunice! Pumasok ka nga! You're so childish!"

"No! I'll just wait for somebody to give me a ride.. A peaceful ride if I might add.." and I rolled my eyes.

Hinila niya ako sa braso at pinasok ulit sa kotse niya.

"Ouch! Let go of me Ian!"

Hinintay kong makapasok siya ng kotse bago magdadramang lalabas. I'm insane right? Drama queen?

"Hey! Sorry na! I'm sorry, alright? Can you please smile for me?"

Ano daw? Dammit! Those words seem to be like music in my ears.

Yung galit na galit ka and suddenly nawala dahil sa sweet nothings niya? It just gave me butterflies in my stomach and brings me back to the time na tatalon-talon pa ako kapag kinikilig.

Ganyan ang lagi niyang sinasabi noon whenever I had a bad day. That line was accompanied by a hug back then. Harmful memories, right? Damn harmful memories.

"Should I smile because you're my brother or should I be sad because that's all we'll ever be?" mahina kong tanong.

Hindi siya umimik hanggang sa tumulo na ang luha kong kanina ko pa pinipigilan. I may be strong but pagdating sa taong una kong minahal ng sobra, I'm fragile and breakable.

Ayaw ko nang magpanggap sa harap nya. I want to be who I am when I am with him, iyakin, mahina and very dependent.

How can fate do this to us? Destiny won't allow us and even the stars are against us.

How can I be this unlucky? Ang sakit sakit na ng dibdib ko and it shows. I can't stop my tears from falling.

It's okay to be weak diba? Because I've been strong for a long time.

"Eunice, Alam kong nahihirapan ka. I know the feelings dahil naranasan ko rin yun the time I left you clueless.."

"Please tell me you love me.. I don't have to compete with your girlfriend, right?" umiiyak na sabi ko.

I can't hold back the tears anymore. I'll admit the fact that I'm still on the DENIAL stage at nagseselos ako sa pinsan ko. How can she be this fortunate?

"Right.. I love you sis.. Hali ka nga dito!" and he hugged me. Damn! I so much love being in his arms again. I want to stay like this for a little longer.

"I love you too.." tumulo ang luha ko and I hope this will be my last tear.

Masakit isiping bumalik na ang taong gusto mong makasama habang buhay pero hindi na pala pwede.

Masakit isiping kahit anong gawin mo, he will never be yours again for the taking.

Masakit isiping he is my half brother at wala akong magagawa dun other than to accept the reality na hanggang kapatid lang talaga kami.

Hindi na ako pumasok dahil namamaga ang pretty eyes ko kaya nagpahatid ako kay Ian dito kina Twin.

First floor lang naman ang bar, second floor ang guest rooms at sa third floor naman ang mini condo nila. Before knocking, nagretouch ako to hide my devastated aura.

Kilala ako bilang playgirl and playgirls don't cry diba? Let me rephrase it, PLAYGIRLS DON'T WANT TO BE SEEN CRYING.

They don't cry in public because if they do, karma ang labas.

"Kagabi pa yun di umuwi.." sagot ni Tristan when I asked him kung saan yung kakambal ko. I bet nasa condo nanaman yun ng one of her bed buddies.

Feel at home ako, kaya umupo ako sa sofa nila and I turned on their TV.

"I have to remind you na may utang ka pang date sakin!" sabi ni Tristan at biglang humiga sa lap ko.

I acted like it's okay pero deep inside, I feel uncomfortable. Ngayon ko lang kasi na pansin na he's wearing boxer shorts. Sheeze! Kung alam ko lang sanang wala si Trisha dito, I shoudn't have came.

"I know right.." tipid kong sagot sa kanya while fixing my blouse.

"Maniningil na ako.." he said and gave me a wierd look. Hindi ako nagsalita.

"Hahalikan kita pag tumanggi ka.." he said at bumangon. Hindi ko siya pinansin dahil wala ako sa mood.

I was back in my senses. Oo nga pala, isang Tristan ang kaharap ko at hindi si Ian kaya I should be Lara and not Eunice. I should be a playgirl and not a brokenhearted girl.

"Fine!" sabi ko while pushing him. Salamat at pagod din siya kaya we both decided to stay here in their place and call this a date. Bongga diba?

Tumungo si Tristan sa kusina nila dahil food nalang daw ang kulang sa date na 'to. When he came back, dala-dala niya ang isang tray na naglalaman ng string beans, patatas at isang gulay na hindi ko alam ang pangalan.

"Alam mong magluto nito?" tanong niya. Dammit! Bakit ako ang tinatanong niya? Baka malaman niyang hindi ako marunong.

"Ahmm.. yep.. I guess.." I replied quite unsure.

He laughed out loud na para bang nakakita nina Tom and Jerry na naka squarepants at hinahampas ni Mr. Bean. Tiningnan niya ako and he laughed again. Sheeze!

"Wag na! Kambal talaga kayo ng kapatid ko.. I'll just order something. Baka makakain nanaman ako ng piniritong kamatis.." at tumalikod siyang tumatawa.

"Are you humiliating me?" tanong ko. Naguguilty kasi ako dahil it was I who suggested it to Trisha when she called me. Sheeze! I never expected she would actually fry a tomato.

"No I'm not! I just want to see you blush! Nakakainlove kasi!" sabi niya habang nasa kusina.

Sana hindi nalang ako pumunta dito kung humiliation lang naman ang maaabutan ko. Nakakainis siya but on the other hand, thankful ako dahil being here with him makes me forget the pain and the heartbreak.

"Lars, Pizza? Burger? Fries? Anong gusto mo?" tanong ni Tristan at this time hawak-hawak na niya ang phone niya at hindi ang tray with veggies.

"Ikaw ang gusto ko.." I said jokingly. Wala naman yun sa isip ko eh kaya lang nang tiningnan ko siya, He is staring at me na para bang transparent 'tong mga damit ko.

I just want to have fun dahil isang linggo na akong nagmumukmok. I bet Tristan wasn't expecting for that kaya binawi ko kaagad. I just want to see him blush so I can get even.

"Kidding.. I'll vote for pizza.."

- - - - - - - - - - - - - - - - - - -

|8-15-14|

Miss PlaygirlOnde as histórias ganham vida. Descobre agora