"Tapos, tapos? dali kwento ka pa." nae-excite na sabi ni Marceline.

"Wala naman espesyal sa panliligaw ni Charles." sabi ni Kriza. Mukhang pinag-uusapan nila kung paano naging sila ni Charles. Ang chismosa talaga nito ni Marceline.

"Paanong wala? napasagot ka nya eh." sabi ni Marceline. Naupo sila sa higaan ni Kriza.

"Hatid sundo, dinner, flowers etc." sabi ni Kriza. Kumunot naman ang noo ko dahil ganon lang?

"Boring!" sabi ni Marceline. "Wala man lang cheesy line?"

"Mukha bang ganon si Charles?"

"Hindi. Ang corny naman! ang baduy." sabi ni Marceline. Nakarinig ako ng tunog na may humiga sa higaan. "Bakit mo sya sinagot?"

"Gusto ko din naman sya." sabi ni Kriza.

"Gusto lang? hindi mo mahal?" tanong ni Marceline. Hindi sumagot si Kriza.

"Wala akong balak na magboyfriend kung wala lang taong nangungulit sakin." sabi ni Kriza. "Gusto ko lang maglaro ng basketball at talunin si Zaparta."

Weird. Kumabog ang puso ko nang banggitin ni Kriza ang pangalan ko. Ngayon ko lang ulit narinig ang pangalan ko sa kanya. Sa buong pangalan ang tawag sakin ni Kriza.

"May nangungulit sayo? sino naman?" tanong ni Marceline.

"I don't know if you know her. Her name is Eloiza Martinez, anak nila Tita Eli." sabi ni Kriza.

"Hindi ko pa sya nakikita ng personal pero alam kong may anak sila Tita Eli. Sa pagkakaalam ko nasa Japan 'yon since five years old sya." sabi ni Marceline. Hindi ko alam ang tungkol don. "Oh bakit ka nya kinukulit?"

"Gusto nya ako." parang wala lang kay Kriza na sabihin 'yon.

"Ang ganda mo." sabi ni Marceline at alam kong napairap sya base sa boses nya. "Maganda din ako bakit walang nagkakagusto sakin?" ako naman ang napairap sa sinabi nya. "So kaya mo sinagot si Charles para lumayo si Eloiza sayo?"

"Pero hindi nangyari. Mas lalo pa syang lumapit sakin." sabi ni Kriza.

"Anong ginagawa ni Charles?"

"Tahimik lang si Charles na nilalayo ako kay Eloiza. Magkaugali ang dalawa. Tila sila nag-aaway sa titigan lang nila." sabi ni Kriza. Bilib na ako kay Marceline na napapakwento nya si Kriza ng matagal. Ganyan naman sila dati pa lang. Sila palagi ang magkadaldalan kaya siguro mabilis lang din ulit sila naging close pagkatapos umalis ni Kriza.

"So cold din pala itong si Eloiza?" sabi ni Marceline. "Pambihira, mahilig ka ba sa yelo? sa pagkakaalam ko mahilig ka lang kay Zap." gusto ko sanang sumabat dahil nadamay na naman ako pero baka mahalata na nila ako dito. "Sabagay cold ka din pala." hindi na nagsalita pa si Kriza o si Marceline.

"Nandito sya ngayon sa pilipinas." biglang nagsalita si Kriza pagkatapos ng ilang minuto nilang pananahimik. Makakatulog na sana ako kung hindi nagsalita si Kriza.

"Si Eloiza? hinahabol ka talaga non 'no?" sabi ni Marceline.

"Nandon sya nung nagbar tayo." sabi ni Kriza. Ibigsabihin, yung babaeng nakita ko na kasama nya ay si Eloiza?

"Anong nangyari?" pati ako nacurious kung ano ba talaga nangyari non.

"Nakipagdeal sya sakin. Kapag natalo nya ako, magiging sa kanya ako." kumunot ang noo. Masyado naman 'yon desperado.

"Paano kapag nanalo ka? pumayag ka ba?" tanong ni Marceline.

"Kapag nanalo ako, titigilan na nya ako at pumayag ako sa deal nya." sagot ni Kriza.

Melting Ice Princess 3Where stories live. Discover now