Wait. Diba dapat masaya ako? Dahil walang mangungulit saakin? At ako lang ang magisa papuntang school! Tama. Tama.  I'm super happy. Pero asan na ba iyon? Kaloka. Sakit talaga iyon ng ulo.

Bahala na nga iyon. Kaya na niya ang sarili niya. Ibinalewala ko nalang ang pag-iisip sakanya at kinukuha ang mga kalat na nasa sala. Tingnan mo nga naman, umalis pero nagiwan naman ng kalat. Tsk.

Teyka. May napansin ako na isang box kaya kinuha ko. Mukhang binuksan ito kanina pero nabitawan kaya natapon. Kinuha ko siya at binuksan. Napasigaw naman ako sa nakita ko!

OMG! Its a picture of Athena tapos maraming dugo. May papel din na nagsasabing mamatay nalang daw si Athena. OMG! Kaya ba wala si Athena? Ano na ang nangyayari sakanya? Magpapakamatay na ba talaga siya? Halaaaa!

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Kaya hindi na na ako kumain at kinuha ko na ang bag ko at tumakbo papuntang school. Eh kasi naman itong si Athena gaya ng sinabi ko sa inyo maganda siya. Yun bang napapalingon ang mga tao especially mga lalaki pag dumadaan. Kaya alam niyo naman may mga babae talagang inggit kaya may mga babae ring nag t-threat sakanya pero ito palang ang pinakanakakatakot.

"HAHAHHA. She deserve it sis! She's a biatch anyway!" iyon agad ang narinig ko pagkarating ko ng lobby sa school namin. Nakita ko ang tatlong mga babae na nag-uusap.

"I know right! Athena is mang-aagaw ng boyfie! Alam niyo bang matapos niyang kausapin ang bf ko, si Athena na ang puro iniisip niya! Kaloka! Mang-aagaw talaga!" Sabi ni Monkey 2.

"Kaya nga eh! She derseve the threat that I sent this mo--" hindi ko na pinatapos si Monkey 3 at kinwelyuhan ko na siya. Sabi nila bakla lang daw ang papatol sa mga babae, sorry ka nalang teh! Bakla ako eh! Kaya papatolan ko talaga tong tatlong to!

"OUCHHHH! OMG! Eros! Are going to rape me? Im willing!!" sigaw ni Monkey 3. Like ewwww. Sino bang gustong rape-in ang isang unggoy? Yuck. Bweee.

"Asan si Athena? Ano ang ginagawa niyo sakanya?" sabi ko pero tinawanan lang niya ako. Pangit niyang tumawa. Pangit niya kahit anong gawin. Ewww.

"Really? You're looking for that biatch? Bilib din ako kay Athena ha, hindi pa talaga nakontento sa boyfie ko kaya pati ikaw nilandi." Sabi niya. Kaya hindi ko mapigilang higpitan ang hawak ko sa kwelyo niya. Hindi ko alam pero nagagalit ako sa sinabi niya. Wala siyang karapatang pagsalitaan si Athena ng ganoon.

"EROS! Tama na! Nahihirapan na siyang makahinga!" sigaw ni Monkey 1 kaya tinulak ko na si Monkey 3. Kung hindi lang ako natauhan, mapapatay ko na siguro siya.

"Wag na wag niyong pagsalitaan ng ganyan si Athena! Hindi niyo siya kilala! Kapag nakakarinig pa ako ng ganito galing sa inyo, mapapatay ko talaga kayo!" Sabi ko sakanilang tatlo kaya nataranta sila at tumakbo.

Mabuti nalang talaga at walang masyadong tao dito sa school dahil maaga pa naman. Geez, what a scene. Sigurado akong kakalat iyon knowing those three monkey girls. Tsk.tsk. Nananakbo ako at tumitingin kahit saang sulok ng school para lang makita so Athena. Feeling ko nandito lang iyon. At sana naman hindi niya maisipang magpakamatay!

Hoy! Hoy! Hindi ako concerned sakanya! Mahirap na kapag mamatay siya! Wala na  akong kahati sa pagbabayad ng renta, kuryente at tubig! Iyon lang yon ha! No dirty minds! No bad thoughts!

"ATHENAAAAA!!!!" Sigaw ko.

Sa wakas ang nakita ko siya! Nasa rooftop lang pala at nakaupo habang tumitignin sa langit. Napalingon siya saakin nang tinawag ko siya. Nilapitan ko siya at hinawakan sa balikat. Nakita ko naman ang pagkagulat niya pero hindi parin maalis ang kung ano mang takot na nararamdaman ko. Parang may gusto akong gawin pero hindi ko alam.

"ANO BA ANG NANGYARI SAYO?! BAKIT HINDI MO AKO HINITAY?!" Sigaw ko sakanya. Nanlaki lamang ang mga mata niya.

"Ahh..ana kasi--"

"Okay ka lang ba? Walang nangyari sayo? May masama bang nangyari? Inaway ka ba nila?!"

"Eros--"

"ANO?! SAGUTIN MO NAMAN AKO!!!!! ALAM MO BANG MUNTIK NA AKONG MAMATAY DAHIL SA PAG-AALALA SAIYO!" Napasigaw na talaga ako. Tinabig ni Athena ang kamay ko sa balikat niya at inirapan ako. Tumingin ulit siya sa langit. Come on Athena, I'm still waiting for your answers.

"Over ka na Eros ha? muntik talagang mamatay dahil nag-aalala ka saakin? Hehehhe" Waiit. Sinabi ko ba talagang nag-aalala ako sakanya? Sht! Okay payn pero konti lang!

"Wow! Matapos kong mag-alala tatawanan mo lang ako? Ang saya mo naman." sarkastikong sabi ko pero tinawanan lang niya ako at kinurot ang pisngi ko.

"Ang cute mo talaga! Kaya love na love kita eh!" sabi niya kaya napatigil ako. Bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko? Bakit parang ang masaya ako sa narinig ko? Anong bang nangyayari? Kung sa ibang babae, naririndi naman ako pero bakit kay Athena iba ang nararamdaman ko?

"Tsaka, wag ka nang mag-alala... Okay lang ako no! Ako pa! Napaaga lang kaya ako dahil nakalimutan ko na may assignment pala ako sa Math kaya nakiki-copy muna ako kay--"

Hindi ko na siya pinatapos dahil bigla ko nalang siyang hinila at niyapos. Ito pala. Ito pala ang gustong gusto kong gawin kanina pa. Ang yakapin siya.

"Eros..." uneasy na sabi ni Athena. Nararamdaman ko ang dibdib niya, sobrang lakas din ng kabog. Hindi lang pala ako, siya rin pala.

"Simula ngayon, magiging kaibigan na tayo ha?" sabi ko at hindi pa siya binitawan.

"Magkaibigan naman tayo ha!" Yeah. You thought I was your friend, I didnt. But that was before.

"Whatever. Basta let's be friends. Let me protect you, make you laugh and be with you." Bulong ko.

For the nth time, I did something I never thought I'll do. Ayaw ko naman talagang maging kaibigan si Athena but I had the urge. Maybe this is the right thing to do.

________________xx

NOTE: Im sorry for the loooooong wait. Alam ko ang pakiramdam ng naghihintay kaya I'm so sorry. :(

Ifa-fast forward ko na itong prequel para book 2 na kaagad. oks ba?

Ang Crush Ko'ng Beki (Book1&2)Where stories live. Discover now