Chapter 37: Yoona's Realization and the Plan

Start from the beginning
                                    

Lalapit na sana syang muli ng magsalita ang kalaro nyang nakatingin sa libro nya..-"Teka! tao lang ahh! ba't mo sinama si Casper eh ghost yan!"

"So tao pa rin yun! namatay nga lang! kwe kwe"

"Kaya nga! namatay nah! kaya pareho lang tayo ng score!"

"Hoy! Wala naman tayong usapan na hindi na pwedeng bilangin ang mga patay ahh!"

"Understood na kasi yun!"

"Anong understood dun? hindi ahh! tao pa rin kasi si Casper nung buhay sya!"

"Ang kulit naman ng lahi mo Sunny! nung buhay pa nga sya!"

"Hindi ako papayag! panalo ako noh!"

"Ahh ganun pala ha!"-sa sobrang galit ni Chen ay bigla nyang hinablot ang libro ni Sunny saka pinunit yung pahinang nandun nga si Casper.

Panigurado kung nakita nila yung Serinang pulang buhok, panigurado mag-aaway din to -.-

"Ganyan pala ang gusto mo ah!"-naiinis na din si Sunny kaya kinuha din nya ang libro ni Chen at pinagsusulutan ng kung ano-ano ang libro nito

Hanggang sa nagka-initan na sila at minurder na nga nila ang mga libro ni Taeyeon. Pinagpupunit ni Chen ang libro at pinagsasaksak at pingsusulutan naman ng kung ano-ano ni Sunny ang libro nya

Patay talaga silang dalawa pagdating nung nerd.

Abnormal din itong si Jongdae eh, di na naawa sa mapapangasawa nya. Sya pa talaga ang maglulugmok sa mapapangasawa nya. Pinatulan ba naman yang batang galing mental na yan.

"How's your morning?"-bigla akong napatingin sa tabi ko ng may tumabi sakin..

"It was good."-saka ako ngumiti sa kanya..-"Till you talk to me."-inirapan ko naman sya ngayon. ang gago lang nya

Ayoko pa naman sanang mabwisit ngayong araw. Hay, alam ko na ang pag-uusapan namin nitong Luhan na'to.

"Okay na ba kayo ni Tiffany?"

See? tanungan na ba ako ngayon ng mga taong hindi parte ng buhay ko? actually kahapon pa tong kumag na to eh.

"Ba't ako ang tinatanong mo?"-kasabay nun ang pagbaling ko sa kanya..-"Sya kaya ang tanungin mo.. saka please lang wag mo namang gawing gloomy ang araw ko. Ayokong madagdagan pa ang pagka-stress ko."

"Sorry, nag-aalala lang naman ako sa inyong dalawa."

"Sure ka? baka sa kanya lang.. at kunwaring dinamay mo lang ako"

"Ops. Selos ka?"

Automatic namang nandilim ang paningin ko sa sinabi nya.. Gusto ata ng lalaking to ang ma-bed rest forever..-"F*ck you."-kalmang sabi ko

Naramdaman nyang masama na ang aura ko kaya mejo umusog sya palayo sakin..-"All right. Chill woman."-saka sya tumingin sa harap namin at dun lang nya napansin sina Chen at Sunny..-"What the!"

Pero imbes na sawayin din nya ang dalawa ay napa-iling nalang ito saka tumayo at umalis na. 

Better.

Kung uupo lang sya dito para sabihing makipag-ayos ako dun sa babaeng kinain na ng pink ay mabuti pang wag nalang. Isa pa, magsama nalang kaya silang dalawa. Total pareho naman nilang paborito yung kulay na nakakaumay na yun. Isama mo na rin pala yung nanay nya. tsk. 

Forced Wedding (COMPLETED)Where stories live. Discover now