☣ıƙą-Ɩąცıŋɠ ℘ıɬơŋɠ ƙą℘ıɬųƖơ☣

1.1K 95 7
                                    

☣ıƙą-Ɩąცıŋɠ ℘ıɬơŋɠ ƙą℘ıɬųƖơ☣

Sam's P.o.V

What the fuck Ish?!

Sigaw ko sa aking isip ng itulak ako ni Ish at nadulas papalabas ng kwartong ito.

Napatayo ako agad at pilit na kinakalampag ang panel ng pader dito.

"Ish?! Ish sumagot ka!! Are you okay?!" Kinakabahang sigaw ko habang hinahampas ang pinto.

Damn! Bakit niya ginawa yon?! Baka dalawa sana kaming nakaligtas. Oh my gosh!!

Sinubukan kong tungkabin ang gilid gilid nitong panel dahil medyo naka-awang ito pero walang epekto dahil naka seal ito ng mahigpit. Shit!

"Anong gagawin ko??" Hindi mapakaling tanong ko sa aking sarili.

"Ish! Oh my god!" Nagaalalang tawag ko sa kanya.

Hindi ko alam kung bakit ganito na lamang ang pagaalala ko sa kaniya. Nakakainis.

Naghanap na lang ako ng iba pang way para mabuksan ang pintuang ito.

Wait for me Ish.

~©~

Mischa's P.o.V

"Shit." Ang tanging nasabi ko pagkaharap ko sa mga tumatakbong walker papalapit sa akin.

Binaril ko ng tatlong beses sa ulo ang unang pinakamalapit na walker sa akin. Buti na lang at bumagsak ito.

"Fuck!" Sigaw ko sa gulat ng lumundag ang pangalawang walker sa harap ko.

Buti na lamang at mabilis kong nabaril ito sa ulo at isang bala lang ay bagsak na ito.

~graaaaar~

Groan ng isang walker at halos mapunit ako sa pagkakaslice nito sa akin. Mabuti na lamang at nakailag ako.

Iniangat nito ang kanang kamay at saka ako hihiwain mula sa ulo pero nasalag ko ang wrists nito gamit ang aking mga kamay.

Ang bigat ng kamay ng walker na ito. Bwisit!

Sa hindi malamang dahilan, kahit hindi naman ako nag aral ng karate o martial arts ay tinuhod ko ang walker na ito sa kanyang gut at nang mapaurong ito ng kaunti ay sinipa ko siya sa dibdib at tumalsik ito sa ibang mga equipment na nandito.

Sakto pagkatapos nito ay isang brasong may kamay na kutsilyo ang muntik ng humiwa sa aking pisngi mabuti na lang at matalas ang aking senses kaya nailagan ko ito agad agad.

Sasaksakin sana ako ng walker sa aking tyan ngunit nasalag ko ang braso nito gamit ang aking mga kamay.

Pagkasalag ko nito ay agad ko syang siniko gamit ang kaliwa kong braso at saka binaril ang walker mula sa baba nito. Bumulagta naman agad ito.

Pawis na pawis na ako kahit ang lamig lamig dito and at the same time pagod na pagod dahil sa pakikipaglaban sa mga walker na ito. Mabibilis sila at may ibang skills hindi katulad ng normal na mga walkers. Ang masaklap ay hindi pa tapos ang laban dahil marami pa ang mga walkers na ito.

Sumugod ng sabay ang dalawang walker na nakarating agad sa aking pwesto. Ang isa ay akmang sasaksakin ako at ang nasa kanan ay akmang hahatiin ako sa dalawa mula sa aking ulo.

Tumakbo ako palayo sa kanila at alam kong hinahabol nila ako. Pagdating ko sa dulo, may mga equipments na kasing taas ng aking beywang at agad akong humakbang paakyat dito sabay summersault. Sakto ang dalawang walker ay bumunggo sa equipment at pagkababa ko mula sa pagikot ko sa ere ay agad kong binaril ang dalawa sa ulo.

My Zombie Girl 2 (girlxgirl) #wattys2019 Where stories live. Discover now