☣ıƙąą℘ąɬ ŋą ƙą℘ıɬųƖơ☣

5.2K 198 22
                                    


ıƙąąąɬ ŋą ƙąıɬųƖơ

Mischa's P.o.V

"You guys ready?" Tanong ni Jayvee sa amin habang nagaayos kami ng mga gamit na dapat dalhin. Isang backpack lang naman ang dala ko ganun din si Megan.

"Mhmm." Sagot ko pagkalagay ko ng huling sando sa loob ng bag.

"Okay. Naghihintay na sila sa baba." Sabi ni Jayvee at saka lumabas ng kwarto.

Ngayon kasi ang araw ng pagalis namin dito sa facility. Isang linggo na ang nakalipas mula ng magising si Megan. Hindi kami agad umalis dahil kailangan muna namin magpagaling dahil sa mga tama ng bala sa amin.

"Babe? Are you okay?" Tanong ni Megan sakin matapos kong bumuntong hininga.

Tiningnan ko sya at saka ngumiti at tumango. Pero parang hindi sya kumbinsido.

"You sure? Ano bang iniisip mo?" Pagusisa pa nya.

Lumapit ako sa kanyang kunauupuan at naupo sa kanyang tabi. Hinapit ko sya papalapit sakin at saka sya hinalikan sa kanyang noo.

"Hmmm. Wala naman. Iniisip ko lang kung anong naghihintay satin doon." Sagot ko sa tanong nya kanina.

Yumakap si Megan sa akin at isiniksik ang kanyang mukha sa aking leeg. Natawa naman ako dito dahil nakilito ako.

"Everything's gonna be okay babe. As long as magkasama tayo." Mahinang sabi ni Megan sa akin.

Mhmm. Tama sya. Magiging ayos ang lahat. May mga kasama naman kaming mga sudalo kaya safe kaming makakarating doon.

"Mommy? Mum?" Pagtawag sa amin ni Maddy mula sa pagkakasilip nya sa may pinto.

Aha. Oh yes. Mum na ang tawag ni Maddy kay Megan mula ng inexplain ko sa kanya na asawa ko na si Megan.

"Pasok ka Maddy." Sabi ni Megan sa kanya.

Tumango si Maddy at saka pumasok. Naglakad sya papunta sa amin at naupo sa pagitan namin ni Megan.

Pero may napansin lang ako. Para kasing tumangkad si Maddy. At parang nagmamature na ang kanyang itsura. Maging ang boses nya ay parang nagbago din. Ilang araw pa lang naman ang nakalipas pero may malaking pagbabago kay Maddy.

Hmm. Pero baka guni guni ko lang yun.

"Mommy, pinapatawag na po kayo ni kuya Jayvee. Pupunta pa daw po kasi tayo sa airport dahil nandoon daw po yung eroplano." Sabi ni Maddy sa amin habang palipat lipat sya ng tingin sa aming dalawa.

"Sige sige. Halikana. Excited much lang tong si Jayvee eh." Natatawa kong sabi at saka tumayo.

Inilahad ko naman ang aking dalawang kamay para itayo ang dalawang babaeng importante sa buhay ko ngayon.

Ngumiti naman sila at kinuha ang aking kamay at sabay ko silang itinayo pareho. Biniro ko pa nga sila na kunwari ang bigat nila. Tinawanan lang nila ako at sumampa pa sila sa aking likod.

Ang saya lang. Parang happy family kami dito. Ito yung gusto naming future ni Megan noon bago kami maghiwalay. At ngayon, natupad na. Wag lang sanang panandalian ito dahil baka hindi ko makayanan pag nawala sila sa akin.

-----

"Finally!" Irap ni Trina sa amin pagkababa namin sa garden. Nandoon na silang lahat at may ilang sundalo din na nandoon. Siguro ay sila ang sasama sa amin sa Tokyo.

My Zombie Girl 2 (girlxgirl) #wattys2019 Where stories live. Discover now