☣ıƙą-ʂıყąɱ ŋą ƙą℘ıɬųƖơ☣

3.5K 154 14
                                    

Hi guys!!

I'm back!

Yes! Isa itong update! Haha. Hindi ko pa sana iuupdate to kasi baka di ko agad masundan pero nahabag naman ang loob ko sa baby kong si InspiredbyChriss dahil gusto na daw nyang mabasa ito sa watty at hindi sa drafts ko. XD

Pagpasensyahan nyo na ako guys. Alam ko slowupdates na ang mga stories ko. Just too tired to think of other stuff other than my family, my baby, my circle of friends and my work. Peace tayo! Hope magustuhan nyong lahat ito. :)

-unedited

➸໒ཏཞརຮຮ14

•~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~•

ıƙą-ʂıąɱ ŋą ƙąıɬųƖơ

Megan's P.o.V

"I can see. . .nothing. . ." Narinig kong bulong ni Kylie habang nakasilip sya sa mumunting bintana ng eroplanong ito. Pati si Trina ay nakikisilip din. Madilim daw. Madaling araw pa din ata kasi. Ramdam na ramdam ko pa ang patak ng malakas na ulan sa bubong ng eroplanong ito.

"Patingin nga?" Sabi ni Kyle sa kanyang kakambal at saka itinulak ito ng bahagya para sumilip sa bintana. Maya maya pa ay bumuntong hininga sya at saka nagsalita. "Wala ngang makita."

"Colonel." Narinig kong tinawag ng piloto si Colonel at saka sila nagpunta sa cockpit kung saan lihim silang nag-usap. Lihim, dahil naman kasi, ang hina ng boses nila at hindi ko marinig ang kanilang topic. Isabay mo pa nga ang ingay ng ulan.

Pero hindi ko na inalam pa ang kanilang pinagu-usapan dahil mas iniisip ko kung anong naghihintay samin sa labas ng eroplanong ito.

Dismayadong sumalampak si Kyle sa dati nyang puwesto at saka nangalumbaba. Bigla namang tumayo si Ish sa aking tabi at saka sumilip din sa bintana. Napabuntong hininga din ang mahal ko at saka tumingin sa amin.

"Madilim masyado guys. Malakas pa ang ulan. Mabuti pa siguro ipagpaumaga na natin 'to." Sabi nya at saka naglakad papunta sa akin. Pero hindi pa man sya nakakalapit ay bigla syang napahinto sa paglakad.

"Pero sayang ang oras." Walang pakundangang sabi ni Colonel sungit. Magiting syang nakatayo sa may pintuan papasok sa cockpit.

"Pero we cannot take the risk. Mas delikado pag ganitong madilim." Halatang asar si Jayvee sa tono ng kanyang pananalita. Sino bang hindi, eh mula ng makasama namin itong tandang sungit na 'to eh para kaming mga tutang dapat maging sunod sunuran sa kanya.

"No. Kailangan nating kumilos. We need to bring the subject asap." Pagmamatigas ni Colonel. Gusto ko na syang batuhin ng sapatos pero naunahan ako ni Ish. Sa pagsasalita.

"Let's take a vote then." Suggestion nya at saka tumingin sa aming lahat, ignoring the fact na tinawag na naman ni Colonel si Maddy na subject. Pero hindi nakaligtas sa akin ang pagkunot ng noo ni Ish at pagbabago sa kanyang tono. "Raise your hand if you want to go out there, and risk getting bitten or killed by walkers." Walang nagtaas ng kamay ni isa sa amin. Si Colonel mariin lang na nakatitig kay Mischa.

"I guess it's settled then." Pagtatapos ni Mischa at saka naupo sa aking tabi. Wala ng nagawa si Colonel. It's all of us against him.

----------

My Zombie Girl 2 (girlxgirl) #wattys2019 Where stories live. Discover now