Prologue

2.2K 108 5
                                    

•London, England

Katataas ko lang ng kwarto ko at mabilisang binuksan ang pinto ng malaking aparador at isa-isang kinuha ang mga damit. Pagkatapos kong mailagay ang lahat ng ito sa aking maleta ay tumungo naman ako sa study table para kunin ang cellphone ko. Tumingin muna ako sa salamin at tinitigan ang sarili. Maayos pa ba ako tignan?

Tatlong katok sa aking pinto ang bumalot sa buong silid.

"Mam Celaine, Madam Nefera is waiting for you at the living area." Ani ng isa naming kasambahay sa labas ng kwarto ko.

"I'm on my way." Tipid na sagot ko. Kinuha ko ang maleta at sinimulang hilahin ito palabas.

Tumambad sa harap ng pinto si Anne, isa sa mga kasambahay namin dito sa mansion. Ngumiti siya at ginantihan ko rin siya ng isang matamis na ngiti.

"Can you please bring my luggage downstairs? That would be a great help." Magalang na wika ko sa kanya.

"Sure, Mam Celaine." Walang pagaalin-langan na sagot niya. Ngumiti ulit ako at bumaba sa hagdanan.

"Thank you."

Naabutan ko si Mom at si Dad na nakaupo sa sala at agad rin naman silang tumayo nang makita ako. Sumenyas si Dad na sumunod na ako at agad ko rin naman itong ginawa. Pinagbuksan ako ng kotse ng driver kaya dali-dali akong pumasok. Ilang minuto lang rin at nagmaneho na siya palabas ng bahay namin.

Naguguluhan man, sinunod ko kaagad ang utos ni Mom na mag-impake ng gamit kanina habang kumakain ng pananghalian. Wala akong alam kung ano ang nangyayari.

"Uhm, Dad? What's happening? Where are we going? Are we going on a vacation or something?" Sunod-sunod kong tanong para mabasag ang katahimikan sa loob ng sasakyan.

"Celaine, dear, we are going home." Si Mom ang sumagot. Mas lalo akong naguluhan kaya naramdaman kong nagsasalubong na ang dalawang kilay ko.

"What? But we just left our home. What do you mean?" Tanong ko ulit. Huminga si Mom nang malalim bago sunagot.

"We're going home. Sa Pilipinas tayo pupunta. Your Dad and I just received a call earlier this morning. It was from the Garcias. Rainne passed away due to cancer." Pagpapaliwanag niya.

Pilipinas? We're going home? It's been years since we went back to the Philippines. Grade 1 pa lang ako noong umalis kami ng Pinas at ngayon, grade 6 na ako. We decided to migrate here at London because of Dad. He's an engineer and besides, his family lives here.

"Rainne?" Sagot ko. Who's Rainne? Never heard of that name before.

"Rainne is my best friend, dear. We were besties since high school. Asawa siya ni Tito Lightning mo and she's been diagnosed with breast cancer but sadly," malungkot na saad ni Mom.

"She didn't make it." Patuloy niya. I felt sad all of a sudden. I didn't even had the chance to meet her. I feel so sorry for her family's loss.

Tito Lightning is Dad's colleague. He's been to our house last year and I got to say, he's a very kind man. Hindi niya rin daw naisama ang asawa dahil may inaasikaso rin ito. If I'm not mistaken, silang apat ang magkakaibigan noong high school pa lamang sila and they ended up with each other.

My Dad and my Mom.
Tito Lightning and Rainne.

Bumalik ang katahimikan sa loob ng sasakyan at napaisip na lamang ako. Ano kaya itsura ni Tita Rainne? And does she have kids? Hindi ko naitanong kay Tito Lightning noong pagpunta niya sa mansion. Hindi ko rin naman siya matatanong dahil lagi naman akong nakakulong sa kwarto ko.

Ilang minuto ang lumipas at bumaba na ako ng kotse. Nandito na kami ngayon sa London City Airport. Halo-halo ang nararamdaman ko.

Excited dahil uuwi na kami ulit at malungkot dahil sa rason ng pag-uwi namin.

"Celaine" pagtawag sa akin ni Dad kaya sumunod naman ako kaagad sa kanya.

***

Labing-apat din na oras ang aming tinagal bago kami bumaba sa NAIA at isang oras din kaming lumipad papunta dito sa Bicol.

It's a rainy day here filled with black umbrellas and tears. What a sorrowful moment it is when somebody dies.
Kararating lang namin at kasalukuyan na kaming naglalakad papasok sa sementeryo. Maraming tao ang naririto at lahat sila nakatayo sa harap ng kabaong.

I wish cancer had a cure.

"R-Rainne" at tuluyan ng nabasag ang boses ni Mommy habang papalapit siya sa kabaong. Ngayon din kaagad ang libing dahil sa desisyon ni Tito Lightning.

Napuno ng iyakan ang misa at patuloy pa rin ang pag-iyak ni Mommy. Patuloy rin siyang pinapatahan ni Dad. Mahal na mahal din ni Mom ang kaibigan niya. Lumapit ako sa kanila at sumilip sa kabaong.

Maganda. Magandang babae ang nakahilata sa kabaong habang napapalibutan ng puting mga rosas. Maputi ang kanyang kutis, maliit at matangos na ilong, mahahabang pilik mata at pulang mga labi.

"Tito, condolence po. Im so sorry for your loss. I didn't even had the chance to meet Tita Rainne." Bati ko kay Tito Lightning na kasalukuyang katabi ng mga magulang ko ngayon. Mapait siyang ngumiti. "Salamat, anak." malungkot na sagot nito sa akin.

Tumabi ako kay Tito at napansin kong may tinititigan siya. Sinunod ko ang mga mata niya at nakita ang dalawang lalaki na tahimik na umiiyak. Matangkad ang isa at kasing taas ko lang ata yung isa. Kung hindi ako nagkakamali, kaedad ko lang ata 'yung mas mababa. Napansin ko na tinitignan ako ng mas matangkad na lalaki at agad niya naman iyon na iniwas nang tumingin ako sa mga mata niya.

Nagkatinginan kami ni Tito at napansin niya rin ata na tinititigan ko ang dalawang lalaking iyon.

"You'll marry one of my sons someday, Celaine."

Diamond EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon