Kung tititigan mabuti ay para silang pinagbiyak na bunga ng kanyang ina.

"Pero totoo nga siguro na nawala ang iyong alaala. Possible rin ba na hindi mo rin ako naalala, Eliana?" malungkot ang kanyang tinig at maging ang kanyang mga mata ay nakikiayon sa kanyang nararamdaman.

Marahan naman akong tumango sa kanya bilang sagot.

Hindi ba siya nakikinig? Wala nga akong maalala tapos iisipin niya pang hindi ko rin ata siya naalala?

"Kung gayon ay ipakikilala ko ang aking sarili. Ako ang iyong kapatid na si Ellionoir Cadence. Siya naman ang ating ina, si Reyna Elidi Helen Agrigent, magiliw na pahayag nito at itinuro ang babae na katapat namin.

Binalingan ko naman ito ng tingin at tipid naman na ngumiti sa akin ang reyna. Sa tingin ko ay mabait naman ito kay Eliana dahil hindi ko pa siya nakikitaan ng titig na parang ang sarap tusukin ng mga mata dahil sa sama. Malamyos din ang mga mata ng reyna at pino ang galaw nito.

"Ama, maaari ko bang ipakilala kay Eliana ang ating pamilya? Maaaring hindi niya ito maalala lahat pero kahit papaano para pamilyar na siya sa atin," pagpapaalam niya sa haring nakikinig na rin sa amin.

Mukhang naabala na ni Ellionoir ang hapag dahil siya lamang ang nagsasalita dito. Napaisip tuloy ako kung natural ba ang pagiging inosente niya o sadyang manhid lang talaga siya para hindi maramdaman ang tensyon na namamagitan sa pagitan ko at ng pamilyang ito.

Mukhang hinahayaan lang din siya ng ibang miyembro ng pamilya kahit pa kababakasan ng inis ang mga mata ng dalawa pang kapatid ni Eliana na nananahimik lamang.

Tumango naman sa kanya ang hari saka hinayaan si Ellionoir sa pagpapakilala ng mga miyembro ng pamilya na ito na hindi naman ako interesado pero alam kong kailangan ko rin malaman.

"Nasa aking tabi ngayon si Ate Neola Madeline," pinakita niya sa akin ang babaeng may mataray na pagmumukha na hindi man lamang ako tinatapunan ng tingin.

Kulay itim naman ang kanyang buhok at asul ang mga mata. Halos hawig siya sa hari kaya mas lalong nakakainis ang kanyang pagmumukha.

"Kapatid niya si Kuya Caedmon Earl na nasa akademya ngayon upang magsanay at mag-aral. Anak sila parehas ni Mama Orianna Morisol," inirapan lamang ako ni Orianna na sinuklian ko rin nang napakamapagpanggap na ngiti.

Manang-mana sa kanya ang anak niyang si Neola na kasing itim ng buhok ang pag-uugali. Parehas din silang mukhang sisira ng buhay ko dito sa mundong ito.

"At sila naman sina Ate Caitrionna Lakeisha at Kuya Daewon Flavian,"  turo niya sa magkatabing dalaga at binata na nakaupo malapit sa hari.

Ang tinutukoy niyang Caitrionna ay mayroong mabagsik na pagmumukha. Mataas ang kilay nito na natural na atang ganoon, nasobrahan sa tangos ang ilong kaya mas lalong nagmukhang maldita, may kasingkitan ang kulay moss green na mga mata, maputla ang kulay, at kulay tsokolate rin ang maalon na buhok nito.

Ang katabi naman nito ay ang kapatid niyang lalaki na hindi ko naman mapagkakaila na guwapo. Yun nga lamang ay mukha itong matigas ang ulo at puro kalokohan lamang ang alam dahil nakangisi ito ng nakakaloko sa akin. Siya lamang ang ginto ang buhok sa mga kapatid na nakilala ko ngayon.

"Wala rin si Kuya Adelrick Claus pagka't kasama ito ni Kuya Caedmon na nagsasanay sa akademya. Ang kanilang ina naman ay si Mama Sunniva Carolina," bagama't tahimik ang unang asawa ay masama naman itong nakatingin sa akin na animo'y pinapatay na ako sa kanyang isipan.

Mukha talagang masama ang ugali nito lalo na ang kilay na nananampal sa taas.

Nginitian ko lamang ito para lalong maasar at tama nga ako dahil pairap na itong nag-alis ng tingin sa akin at tumuloy muli sa pagkain. Kita ko rin na ikinuyom niyo ang mga kamay at tila ba inis na inis.

Reincarnated as the Seventh Princess (BOOK 1/3) |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon