WA 1 - Elemental Curse

Magsimula sa umpisa
                                    

Noong sumapit ang ika-labing isang kaarawan ko, ay siya ring itinakdang panahon para sa paunang paglabas ng Imaclum na taglay ko. Dahil sa sobrang lakas ng pwersang iyon, nakaya kong masunog ang buong bayan namin.

I was left dumbfounded after what happened. I heard that there are many casualties. Mga namatay at napahamak. Nevertheless, what pained me the most was, I saw my father died in front of me. Mas masakit makita ang sarili kong kadugo na namatay ng dahil sa akin.

I blamed myself. Ako ang dahilan kung bakit wala na ngayon si Papa. I killed him. I killed him with my very own Imaclum.

Until now, I still can't control the force that's coming out from my hands. Kusa itong naglalabas ng maliliit na apoy. Whenever I try to stop it, mas lalo lang lumalala. Siguro nga, Fire Imaclum is a curse. And I, Nathalia Delacroix am the chosen cursed person in the whole Greacugon.

If only I could choose what Imaclum, then my life would not be this messy.

I do not want this! This Imaclum brings out worst in me. I lived in fear because of this.

All my life, I never wished to have this kind of element. I only dreamed of something less, not this. More is for evil. Sadly, I have this more and I now call myself evil because of what happened. Nevertheless, life is really giving me a hard time. Seems like, even the Gods and whoever it is, despised me for living in this world.

I was left with no choice, but to live my life miserably.

My Mother, Esme, barged in. She smiled at me sadly. "Are you all set? Kailangan mo pa ba ng tulong anak?" tanong niya.

Umiling ako, "Hindi na po, Ma. Tapos ko na lahat." Sagot ko.

Naupo si Mama sa dulo ng kama ko. Pinasadahan niya ng tingin ang mga dadalhin ko sa pag alis ko mamaya, "Halika nga rito anak," inilahad niya ang nakabukang mga braso at hinihintay ang paglapit ko sa kanya. Ngumuso ako at tumabi sa kanya. Niyakap niya ako at hinagod ang buhok ko. "Mami-miss kita Nathalia... Alam mo namang ngayon lang tayo magkakahiwalay, di ba? Kaya ikaw, magpakabait ka doon anak. Wala ang Mama para samahan ka sa school." Paalala niya.

Napakagat-labi ako dahil sa mga sinabi niya. Pagkatapos ng pitong taon, ngayon lang ulit kami magkakahiwalay ni Mama.

Mahina akong tumango, "Naiintindihan ko po..." Sumandal ako sa balikat niya. "Ma, ayoko na pong maulit iyong dati. Ayaw ko nang makulong dito sa bahay at mamuhay na natatakot." Mahina kong sambit sa kanya. Ramdam ko ang mga mabibigat na hininga ni Mama. "Kahit ako, natatakot sa sarili ko. Ayoko nito Ma... Ayoko."

May mga tao pala talagang natatakot kahit sa sarili nila. Isa ako sa mga tao na 'yon. Kung pwede lang sanang makipagpalit ng katawan, ginawa ko na. Sayang lang at wala talaga.

Ayoko na sa ganitong buhay, iyong konting galaw lang, lahat ng tao nakatutok na sayo na may talim at takot sa mga mata. Pakiramdam ko, para akong demonyo na naglalakad sa dagat ng mga mabubuti at inosenteng tao. Ganoon ang tingin ko sa sarili ko.

Mama Esme frustratedly sighed. "Anak alam kong hindi mo pa rin napapatawad ang sarili mo sa nangya—"

Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita, "Totoo naman po. Ako naman talaga ang may kasalanan kaya nangyari ang sunog. Walang ibang pwedeng sisihin kung hindi ako lang." Pinilit kong ngumiti sa kanya.

She looked at me warily with pain and pity.

Ma, I don't need the pity party right now. I just need a peace of mind. I thought.

Mama was there for me when I needed her the most. Hindi niya ako iniwan kahit na ako rin ang dahilan ng pagkamatay ni Papa. Hindi niya ako sinisi. Pilit niyang sinasabi sa akin na aksidente lang ang nangyari at hindi ko sinadya ang nangyaring sunog.

Worthwood AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon