Chapter 11: Revelations

Start from the beginning
                                    

5 months has not been enough to know Sabrina's life. Akala ko, kilalang-kilala ko siya. Pero sa mga nalaman ko, parang 1/4 pa lang ng buhay niya ang nalalaman ko.


But wait... Kilala niya kaya si Mark Angelo Cuevas?


* * *


Sabrina's POV


"What's the problem?", diretsong tanong ko. Nandito kami sa roof top ng bahay nila Mae.


"Read this... Mula umpisa." at binigay ni Andrea sa'kin ang phone niya. At binasa ko iyon.


Conversation nila David at Mark Angelo Cuevas. Magka-kilala sila? But David didn't tell me?


Bigla akong kinabahan. Sana naman, hindi sinabi ni Angelo ang lahat.


  January 1 at 9:45 PM
Mark: Pre tigilan mo na si Sabrina sa totoo lang ayaw ka niya kausap
Mark: Wag mo nang kukulitin si Sabrina pre
Mark: Wag mong kausapin GF ko 😒
Mark: Porket kapit-bahay mo lang GF ko, lalandiin mo na.


  January 2 at 10:03 PM
Mark: Hoy pre ano ba yong sabi ko sayo. Sabi ko tigilan mo na si Sabrina
Mark: Papansin ka lang sa totoo lang
Mark: Porket kapitbahay mo lang siya


I still remember those days na nililigawan ako ni David pero ayaw niya akong tigilan. Wala daw sa vocabulary niya ang sumuko sa taong mahal niya. Kaya ang nangyari ay napag-isipan kong ichat si Mark aka Pogs, kaibigan ko siya. And I told him na ichat niya si David para tumigil.


I thought hindi niya chi-nat si David kasi hindi niya talaga ako tinigilan. Nong una, hindi ko siya mahal, pero sa kaka-kulit niya napa-mahal na ako sa kaniya. Then the next day... Nalaman nila Mommy at kuya at okay lang naman daw na si David ang maging boyfriend ko. Then yon, dumating sa point na minahal mo na din siya pabalik.


Hindi alam ni Pogs na boyfriend ko na ngayon si David. Sino ba ang may kasalanan sa kanila? Si Mark na chinat siya o si David na late na nag-reply. Imagine January siya chi-nat ni Pogs tapos May magre-reply si David.


Alam kong kakalabasan nito ay gulo. At ngayon pa lang kinakabahan na ako.


  May 8 at 3:12 PM
David: Ahaha... Bakit ka naghahabol boy kung GF mo yan di yan makikipag-landian sa akin ungas ka din eh no...


Nagulat ako... Sabihin niyo nga kailan ko siya nilandi... Nanahimik ako tapos bigla akong liligawan ni David. Kung malandi ako, mas malandi si David.


Mark: Wow ha, ikaw na nga peelingiro eh kapitbahay ka lang naman niya wag feeling


David: Ahaha paki tanong nalang po sa kaniya... Para maniwala.


Mark: Hahaha, hay naku pre ang tagal ko nag chat sau ha, bakit ngayon ka lang nagyayabang?


David: Ahaha wala kasi akong time sa mga pilit pinagsisiksikan sarili sa taong mahal ko ahahah


Mark: Wow ha, alam mo ba na siya nag-sabi na ichat kita kasi nga ang landi mo daw kasi, siguro napipilitan lang siya sayo.


David: Ahaha... Lakas mo din gumawa ng kuwento ehh no... Ahaha sigurado kang sinabi niya yan sayo yan dahil kausap ko lang siya kahapon


Mark: Wow... Wow hah ako pa talaga gumagawa ng kuwento??? Hmm siguro hindi mo alam lahat ng sikreto niya eh Boyfriend ka lang kaibigan kami
Mark: Eh baka nga full name niya hindi mo alam


David: Ahaha siyempre alam ko wala akong paki kung kaibigan ka niya... Paki ko sayo wala akong paki sayo... Wag ka na mag-chat.



Mark: Sowws, hahah natatawa na lang ako sa pre, alam mo bang di ko ramdam na mahal ka niya, hahaha... PILIT NA PAG-IBIG lang kasi kaya siya nagkakaganun dahil sayo.
Mark: Hmm siguro nga mas magandang hindi naging kayo eh, kasi mas mahal niya pa si Edwin kaysa sayo. Kung ako sayo pre iwanan mo lang siya Di siya para sayo.



Dito na lalong kumunot ang noo ko. Bakit kailangan niya pang I-open up kay David yong about kay Edwin. Of all ng secrets ko bakit ayan pa ang sinabi niya. Masusuntok ko talaga to.


David: Ahaha maka pre parang close tayo ahh.. Wala akong paki sa Edwin na yan. At wala akong paki sa mga pinagsasabi mo kasi wala namang katotohanan yan.


Mark: Hahaha tanong alam mo ba full name ng gf mo?? Hahahaha siyempre hindi puro ML, alam lang layla, miya


David: Fuck siyempre alam ko alangan naman na di ko alam..


Mark: Talaga lang ah... Ano kung alam mo... Hahaha



David: Bat ko sasabihin sayo... Ayoko mag sayang ng oras sayo...


Then David blocked Mark.


Aaminin ko mahal ko si Edwin while kami ni David. Pero dumating sa point na mahal ko na si David kaya ang pagka-gusto ko kay Edwin ay parang nawala nawala.


Nakita ko pa sa Profile Picture ni David ngayon-ngayon lang, na magkasama silang dalawa ni Aira. Sobrang saya nila.


Kaya ba, nakipag-halikan si David kay Aira dahil chi-nat siya ni Mark?


Kinuha ko ang cellphone ko at di-nial ang number ni Mark.

New Romantics | CompletedWhere stories live. Discover now