"Good night dude." at tinapik nila ako sa likod kaya tumango na lang ako. Sila naman ay dumiretso na sa mga kuwarto nila.

Of course I won't take advantage with Sabrina. She's my precious little girl and I love her so much.

After kong uminom ay pumunta ako sa kuwarto at humiga sa tabi ni Sabrina. First time ko to... Kikiligin na sana ako kaso alam kong galit sa akin si Sabrina.

At saka ano daw... Kikiligin?! Bakla amputa...

Niyakap ko si Sabrina... Nang sobrang higpit... Tipong ayaw ko na siyang pakawalan pa.

At pumikit ako.

Sabrina's POV

Nagising ako ng madaling araw. Tiningnan ko ang alarm clock  at 5:30 na pala... Kailangan ko ng umuwi samin kaya bumangon na ako pero na susuko ako. Kaya dumiretso ako sa CR. At doon ako nag-suka.

Tsh... Bakit ba kasi ako uminom kagabi.

Bumalik ako sa kuwarto at tiningnan ko ang katabi kong matulog. Akala ko si Mike pero laking gulat ko nang makita ko si David.

What is he doing here?

Pumunta akong CR at dali-dali akong naligo. Ayokong maabutan nila akong lahat.

Pagkatapos naman ay pumunta ako sa baba para gisingin si kuya Roger, driver namin. Pero, pagdating ko doon ay nagka-kape na siya.

"Kuya... Hatid mo na ako sa Manila." bungad ko sa kanila.

"Hah? Bakit ho Ma'am? Alam ba ito ng Mommy niyo?", sunod sunod niyang tanong.

"Kuya... I'll explain it to you later." sabi ko. At tinapos naman agad iyon ni kuya Roger at sinamahan ako sa taas para kunin ang gamit ko.

Hindi naman iyon masyadong malaki at mabigat kaya kaya nang buhatin ni Kuya Roger iyon nang mag-isa. Kaya bumaba na siya.

Tiningnan ko si David ang himbing ng tulog niya... Puyatin talaga siya...

I kissed him on the lips and I smiled.

I love you David... But for now, good bye...

Nang isasarado ko na ang pinto ay napatingin ako kay David. Huminga ako ng malalim. At pumunta na ako kay Kuya Roger.

Maya-maya lang ay nag-drive na si kuya Roger palabas ng Pangasinan, palabas ng San Carlos, palabas sa mga taong mahal ko.

Kahit sandali lang akong nag-stay dito ay ang dami ko na agad naging kaibigan. Pero ganon nga talaga ang buhay. Kailangan mong umalis.

Tumingin ako sa sign board na 'Thank You And Come Again'.

Good bye San Carlos.

Bago pa tumulo ang luha ko ay tumawag na ako kay Mommy.

(Hello Sabrina? Ang aga mo naman yatang nagising? Uuwi na kami diyan mamaya.)

"Mommy, pauwi na akong Manila."

"What? Dapat hinintay mo kami."

"May problema kasi sa school Mommy." pagsisinungaling ko.

"Oh sige... Mag-iingat ka. After makuha ni David ng card niya, uuwi kaagad kami diyan sa Manila."

"Sige Mommy."

At ibinaba ko ang tawag.

Mabilis naman akong nakarating sa Manila. 8:00 AM pa lang kasi kaya walang traffic. Bumaba ako ng kotse at hinatid ang mga gamit ko sa loob ng bahay namin ni kuya Roger.

"Kuya Thank you."

"Wala po yon Ma'am... Kasama po iyon sa trabaho ko... Sige po... Balik na ako sa Pangasinan."

"Mag-iingat po kayo."

Yumuko na lang siya at umalis na.

"Ma'am ikaw po ba yan?", tanong ng isang maids namin.

"Aba oo naman... Paakyat ng mga gamit ko  sa taas yaya... Matutulog na ako. Inaantok pa ako eh." sabi ko at umakyat sa kuwarto ko.

"Hindi pa po ba kayo kakain?", napatigil ako sa pag-akyat. Wala akong kinain bago ako pumunta dito.

"Hindi na. Wala akong gana."

"Ikaw po bahala."

"Sila kuya nga pala?"

"Maaga pong pumunta sa opisina eh." tumango na lang ako. Mga workaholic talaga sila kuya. Samantalang ako, pa-chill chill lang.

Nang makapasok ako sa kuwarto ay humiga agad ako sa kama ko. I miss this place so much.

Ano kayang problema ang tinutukoy ni Andrea?

Natulog na lang ulit ako. Dahil inaantok pa ako.

New Romantics | CompletedМесто, где живут истории. Откройте их для себя