BYE6: Filling the Empty Void

Start from the beginning
                                    

"Sorry, Bev. Hindi ko masabi sayo, magiipon muna ako ng lakas. I'm too embarrased to share it pa, sorry...."

I gave her an encouraging smile, Alam ko naman na alam niyang naiintindihan ko siya....

















Kinaladkad ko ang paa ko sa hallway papunta sa greenhouse para sana makapagpahinga. Nakailang quizzes yata kami ngayong araw, nakakatuyo ng utak! Wala pa akong ibang mapupuntahan dahil si Vi ay nagprapractice ng sayaw, si Art nagkulong sa student council room at si Tobin, nagtuturo 'daw' ng baseball sa senior high, hindi ko nga alam kung totoo ba ito o gumagawa na naman ng dahilan.

Si Newt naman ay no where to be found, kahapon ko pa siya hinahanap sa katunayan. Hindi ko pa nakikita maski ang anino nito simula ng makabalik sila galing sa camp training. Hindi ko na nga siya nakita ng ilang linggo bago magstart ang camp tapos ngayon ay MIA pa din siya,

Nakakainis tuloy, ang labas kasi sakin ay parang pinagtataguan niya ako.

Umupo ako sa swing rack at nagrelax. Nagbilang ako mentally, Kung last month tapos na kami magmidterms, malamang next next week ay finals na? And after ng finals, sports fest at saka pa lang Semestral Break. Matagal tagal pa kami magpapahinga.

Siguradong sa finals week mangangatal sa iyak si Vicki dahil sa pinagsabay sabay na acads, ECA, at events niya sa labas ng school. Nakakatawa kung iisipin,pero ginusto niya yan eh! Ihahanda ko na lang din ang sarili ko next week, para tulungan siya kung meron man siyang kailangan.

Patuloy pa sana akong magiisip ng biglang may humila sa ponytail ng buhok ko. Bumagsak tuloy ang buhok ko sa aking mukha, Ugh!

"Aray!" Inis kong hinawi ang buhok ko.

Dinungaw ako ng natatawang si Newt habang nakalahad ang kamay niyang hawak ang scrunchie ko. Napairap agad ako.

Ngayon na nga lang siya magpapakita sakin, gaganyan pa siya. kaasar.

"Sungit naman ni Miss. 'Bat ka nakaipit?" I scoffed.

Normal bang tanungin yon? Malamang kasi mainit? para maaliwalas sa pakiramdam? Bakit tinatanong pa? Ano, inggit ba siya?

"Bakit? Masama ba?"

Nagkunwari siyang nagulat, umawang ang labi niya. "Hala, ang sungit nga!"

I brushed my hands in my hair at inayos yon, ano ba kasi ang problema nito at pinaglulugay ako? Sinuot niya ang scrunchie ko sa pusluhan niya.

Siningkitan ko ito ng mata. Ano 'yan? Type niya scrunchie ko?

He smirked before copying me. "Bakit ang sungit sungit mo ngayon, Bev? Gutom ka ba?"

Sinipa ko ito kasabay naman ng pagurong niya kaya hindi siya natamaan pero medyo na alikabukan ang kaniyang pants. "Fuck!"

"Hah! Good for you" I mumbled.

He looked at me in disbelief, Lumapit sakin ng sobra kaya napasandal ako at napakapit sa gilid ng swing habang siya naman ay humawak din sa gilid ng swing. Magkalapit ang mga kamay namin. Uurong pa sana ako kasa hinigpitan niya ang hawak, hindi rin ako makasandal dahil baka bumaliktad naman ako!

"Subukan mo akong sipain, iuuwi kita samin at ipagsasabing crush mo ko" I pursed my lips saka kinunutan siya ng noo. Amoy na amoy ko 'yung pabango niya! I like it when people smell good, such a turn on. Mas lalo ko itong sinamaan ng tingin.

"You mad at me or something?"

"No!" I looked at his neck dahil hindi ako makatingin ng maayos sa'kaniya.

Hindi naman talaga! Bat ako magagalit? Ano naman kung di niya ako pansinin ng ilang linggo diba? Naiirita lang ako pero hindi ako galit.

"You sure? Please tell me if you're mad at me..." Mahinahon niyang sabi. Binalik ko ang tingin ko kay Newt, he looks like he's in pain. Masakit ba pagkakasipa ko?

BE YOUR EVERYTHINGWhere stories live. Discover now