Langya! Nagulat ako. Hindi ako natumba. Kasi nasalo ako ni Jessica. Napalabas ako ng pintuan dahil sa malakas na suntok sa akin ni Daddy.

"Walang hiya ka! Halika dito!" hinila niya ako papasok. Walang nagawa si Jessica upang pigilan ang ginawa ni Daddy. Sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa braso ko't alam kong magmamarka ito pagkatapos. "Hindi ka marunong sumunod sa utos!" sinampal niya ako. Napabaling talaga ako sa gilid dahil sa lakas ng sampal niya sa akin.

Nagpantig ang tenga ko sa sinabi niya. AKO?! HINDI MARUNONG TUMUPAD SA UTOS?! TANG*INA! EH SINAKTAN KO NA NGA 'YUNG TAONG MAHAL KO PARA SA LINTEK NA UTOS NIYA!

Nanlilisik ang mga mata kong lumingon sa demonyo kong ama. Mas lalo siyang nagalit nang makita ang mukha kong galit na galit ngayong nakatingin sa kanya.

"Nagdrugs ka ba?" sampal ulit ang inabot ko. Napangisi ako. Ang bilis magalit.

"Bastos ka! Hindi ka na tumutupad! Nasa organisasyon ka! Hayup!"

Napatawa ako. "Saan nanggaling 'to? Anong pinagsasabi mo?" tumawa ako. Wala na. Hindi na ako natatakot sa kanya. Lalo na't nagawa ko naman na ang solusyong naisip ko. Nakipagbreak na ako kay Stanley. At paniguradong hindi na niya itutuloy pa ang pinapagawa niya sakin.

"At nagmamaang-maangan kapa! NAKIKIPAGKITA KA PARIN SA HAYUP NA 'YUN! AT HINDI KAPA NAKUNTENTO! NAKIPAGHALIKAN KAPA!"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang maalala ko ang halik na nangyari kahapon sa mall. Ang tanga tanga ko!

"Kanino mo nakuha 'yan? Sa kabit mong pokpok?" sasampalin niya ulit sana ako nang saluhin ko ito ng isa kong kamay para pigilan.

"Walang hiya ka! Walang utang na loob!" galit na galit si Daddy.

"Pwede time out muna? 'Wag na 'yang sampal sampal. Nagsasawa na ako sa ganyan eh." dumura ako sa sahig.

Sinasabi nang ayokong bumalik sa dati eh. Kasi mas lalo ko siyang nagagalit. Pero masisisi niya ba ako? Masyado na siyang demonyo para hayaan ko.

"Aba't baka nakakalimutan mo ang pinapagawa ko sayo!"

Ngumisi ako. "Hiniwalayan ko na. Parang napatay ko na nga siya sa sakit."

Sumiklab ang galit sa mga mata nito. Magsasalita sana siya nang dumating su Centhia.

"You break up with him my dear daughter?" gusto ko siyang sampalin sa mukha.

"Hindi mo ako anak." mariin kong sabi.

"Stepdaughter I guess? Ly?" napantig ang tenga ko sa pagbanggit niya sa pangalan kong matagal ko ng kinalimutan.

"Shut up!" sigaw ko pero tinawanan niya lang ako.

"Magdahan-dahan ka sa pananalita mo Chriscely!" sabat naman ni Daddy pero tinignan ko lang siya saglit.

"Oh.." tinignan niya ako ng nakakaawa. Pero hindi mismo sa mga mata ko. Kundi sa kwentas na meron ako ngayon. Sh1t! Hindi ko nakuha kanina. "What a lovely necklace. Bigay ng mahal mo?" inaasar niya ako alam ko. Dahil alam kong gusto niyang malaman ni Daddy ang pagsuway ko.

"Shut up B1tch!" sinampal ako ni Daddy. Expect ko na 'yun pero tinignan ko lang siya ng masama lalo na si Centhia na ngayon ay nakangisi parin.

"Masarap ba sa pakiramdam ang nangyaring halikan sa mall?"

Kailan ba siya titigil?!

"Anong sabi mo Centhia?!" gulat na tanong ni Daddy sa kabit niya.

"Hmm.. hindi ko sasabihin ulit. Pero kasi type ko 'yang kuwintas mo Ly. Akin nalang." inabot niya ito gamit ang mga kamay. Ilang dangkal nalang ang layo nang sampalin ko ng malakas ang kamay niya dahilan para mapalayo siya sa sobrang bigla.

"Hawakan mo ulit ang bagay na mahalaga sa akin. Baka hindi moko kayanin Centhia." malamig kong sabi. May nakita akong dumaang takot sa mga mata niya pero agad din namang nawala.

"UMALIS KA NA DITO CHRISCELY!" sigaw ni Daddy. Pulang pula siya sa galit.

"Hindi pa ako tapos Dad." gusto kong malaman niya ang nais kong mangyari. "Iurong mo ang utos na patayin ko si Stanley." walang kurap. Diretso ang titig ko sa mga mata niya.

Narinig ko ang konting tawa ni Centhia. FVCK THIS B1TCH!

"Anong sinabi mo?" unti-unting lumapit sa akin si Daddy. Alerto ako sa posibleng mangyari.

"Iurong mo ang utos na patayin ko si Stanley!" determinado ako. Walang urongan 'to. Kung ano man ang mangyari sa akin ngayong gabi, ang mahalaga ay naiparating ko na ayaw kong patayin ang taong mahal ko.

"Eh kung ikaw ang patayin ko?!"

Binunot niya ang baril sa likuran niya pero agad ko siyang hinila't inilagay ang isang braso ko sa leeg niya't tinutukan siya ng kutsilyo sa tagiliran. Si Centhia na kanina ay nakatayo lang, may hawak naring baril ngayon na nakatutok sa akin.

"Ibaba mo ang baril Centhia." boses ni Jessica ang nagpalingon sa akin. Nanlalaki ang mga mata kong nakatingin sa kanya nang makita siyang nakatayo sa pintuan at may hawak na baril na nakatutok kay Centhia.

"Wow! Pinagtutulongan ako." Centhia smirk at us pero unti-unti na niyang ibinababa ang baril niya.

"Umalis ka na Chris." mariing sabi ni Jessica sa akin. Nagtitigan kaming dalawa. At sa uri ng titig niya ay alam kong pinapaalis na niya ako. At baka kung ano pa ang mangyari.

Ibinaling ko ang mga mata ko sa aking ama. Galit siya. Pero mas galit ako. Marunong lang akong kumontrol ng aking sariling emosyon.

"Iurong mo Dad. Nang hindi kita masuway." huling sabi ko bago umalis sa silid na iyon. Inaasahan kong may sasabihin pa siya pero wala na. Hanggang sa makalayo na ako sa mansion.

KINABUKASAN ay maaga pa akong nagising para mag jogging. Gusto kong igugol ang oras para sa sarili ko. Makalimutan ang masasakit na nangyari kahapon sa pagitan naming dalawa ni Stanley.

As usual ay nakalugay parin ang buhok ko. Siguro ang ibang tao ay magtataka sa akin kung bakit ako na nagjojogging ay nakalugay ang buhok at hindi nakapony. Eh kasi naman, 'yung tattoo sa batok ko kailangang maprotektahan.

Kalahating oras at tumigil ako sa pagtakbo nang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito at sinagot.

"Oh megesh girl! Mabuti't sinagot mo!" natatarantang bungad sa akin ni Pepay nang masagot ko ang kanyang tawag.

Kumunot ang noo ko. "Bakit?"

"'Wag kang mabibigla! Eh ready mo ang puso mo!"

"Ano ba 'yan?" naiinis kong tanong dahil sa hindi maganda ang mood ko ngayon.

"Nawawala si Papa Stanley!"

Biglang tumigil ang tibok ng puso ko.

"A-Anong sabi mo?" nauutal ako. Hindi ko alam ang sasabihin. Ayaw kong maniwala.

"Nawawala si Papa Stanley girl! Ohmegesh! May alam ka ba? Eh kasi naman kayong dalawa eh! Bigla nalang nawala sa prom kagabi! Kayo pa naman sana ang king and queen of the night!"

"S-Sinong nagsabi sayong n-nawawala siya?" binalewala ko ang mga sinabi niya. Gusto kong malaman kung totoong nawawala siya.

"Trending ngayon girl! 'Yung pamilya niya! Nag report na sa pulis na nawawala si Papay Stanley! Kahit si Bianca the impakta ay panay post sa social media tungkol kay Papa Stanley! Akala mo girlfriend! Kapal talaga ng impakta!"

"Hahanapin ko siya." parang wala sa sariling sabi ko.

"A-Ano? Saan mo siya hahanapin? Sasama ako girl---!" pinatay ko ang tawag.

Pasensya na Pepay. Pero hindi kita maaaring maisama sa pupuntahan ko. Dahil babalik ako sa pinanggalingan kong lugar kagabi.

Siya lang ang pwedeng gumawa nito.

Naluluha akong pumara ng taxi. Malakas at mabilis din ang tibok ng puso ko. Wala akong dalang armas ngayon. Naiwan ko ang kutsilyong palaging dala ko. Bahala na. Kailangan kong mahanap si Stanley.

Hindi ka pwedeng mawala Mahal. Hindi pwede.

---

-NnahJanexz

IntricateWhere stories live. Discover now