Chapter 63 ♥ Hidden Secrets

Magsimula sa umpisa
                                    

"Narinig mo naman ang sabi ni Niel diba? Hindi sila basta basta. Ayokong pati sila madamay sa planong ito. I'll do it. I'll fight them. It's the only choice we have. Sino pa bang baliw ang gustong humarap sa mga taong yun?" 

"Ako."  sabay na bulalas ni Pietr at Jace. Hindi ko inasahan ang sagot na iyon mula sa kanila. 

Nagtama ang mga mata nila. Sa tingin pa lang ay tila ba nagbubunuan kung sino nga ba dapat. 

"Aiden and I will take care of them. Hindi mo na kailangang makisali pa rito Pietr. Stick with your plan." 

"I can do both. Heck, I can even do and plan a lot of things all at the same and still, do it perfectly. Aries is there, so everything will be okay. Wala kang pakialam kung yun ang plano ko. I'll face that Uno guy so Serene could do her work." 

"Wala akong balak pakinggan ang kayabangan mo. Gusto mong magpakamatay? Your choice. But if I were you, I will focus on my plan one at a time." 

"Sinasabi mo bang hindi ko kaya?" asik ni Pietr, puno ng paghahamon dito. 

Bago pa makasagot si Jace na sigurado naman akong matutuloy sa walang katapusang sumbatan, sumabat na ako. 

"Tama si Jace, Pietr. Isa isa lang. Huwag nating pagsasabay sabayin lahat." 

Alam kong gusto nyang magsalita pa ulit pero mas pinili na lang nyang itikom ang mga labi. Gayunman, halata sa ikinikilos nya ang inis at galit na hindi masabi-- isang bagay na hindi normal para gawin nya. Si Pietr kasi yung kahit galit na madali pa rin nyang naitatago iyon gamit ang mga ngiti nya. Pero napapansin ko nitong mga nagdaang araw palagi na lang mainit ang ulo nya. He always seems to be agitated. Malayo sa palagi nyang energetic na aura. 

"How about this, gang ko na lang ang pwepwesto sa sinasabi ni Pietr kanina, at si Jace at Pietr na ang haharap kay Uno? Nakausap ko na rin sina Deck, Andrei at Sophia. Tutulong daw sila kaya ayos ako sa arrangement na yun kung nagkataon na pumayag kayo." suhestyon ni Souta para pagaanin ang tensyon na nasa loob ng kwarto. 

"I will not work with him." walang paliguy-ligoy na sabi ni Jace.

Suminghal si Pietr na may kasamang ngisi. "Like I will work with you too. I'd rather die." 

"Tumigil na kayo, paano natin ito matatapos kung nagpapatigasan kayo ng ulo?" umiling si Niel sa kanila. 

"Kung gusto talaga nating mapabagsak si The Highest, kailangan nating magtulungan. Yun lang ang paraan." sabi naman ni Souta. Natutuwa ako sa kanya dahil kahit hindi sya kumportable na kasama si Jace dahil sa mga nagawa nya noon, narito pa rin sya at tumutulong. Kasama si Niel, silang dalawa ang tumatayong referee kapag umiinit na ang palitan sa pagitan nila Jace at Pietr. 

**

Noong araw na iyon ay dinalaw rin namin ni Niel ang ilan sa mga gangmates namin na hanggang ngayon ay nasa ospital pa. Sinabi ko sa kanila na magiging ayos din ang lahat.

Gagawin ko ang lahat para makabawi sa kanila. 

Tulad ng mga naunang meeting sa pagitan naming lima kanina, laging nagtatapos iyon sa hindi pagkakasunduan nila Jace at Pietr. Bago ko pa makausap si Pietr ay sinundo na sya ni Aries. Bukod pa roon, hinila rin ako ni Jace palayo sa kanya kaya mas lalo akong nawalan ng pagkakataon para makausap si Pietr. 

Nasa labas na kami ng ospital galing sa pagbisita sa mga gangmates ko noong tumunog ang cellphone ko. Nasa kalagitnaan kami ng usapan nina attorney at Niel tungkol sa mga susunod na hakbang na dapat naming gagawin. Sandali kong inexcuse ang sarili para sagutin ito.

Listen To My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon