A/N: 'Yan po si Stanley Javier.

Na naging akin siya.

Hindi pala imposible.

"Hold my hand Mahal..." diniinan niya ang pagtawag sa akin ng Mahal.

Napatingin ako sa kamay niyang nakalahad sa akin. Hinihintay na mahawakan ko ito. Naalala ko ang warning ni Daddy. Siguro, pagkatapos nito, magagawa ko ng tuluyang lumayo sa kanya. Mapipilit ko na ang sariling tiisin ang mga araw na hindi siya makakasama. Dumaan ang kirot sa aking dibdib. Iniimagine ko palang na hindi siya makasama ay parang hindi ko na makakaya.

Tinanggap ko ang kamay niya. Sa mga oras na ito, susulitin ko ang gabing ito. Na kasama ko pa siya. Dahil ito narin ang araw na tatapusin ko na ang lahat sa amin. Alam kong sobrang bilis ng desisyon kong ito. Pero, alam kong ito lang ang paraan para mabago ko pa ang desisyon ni Daddy. Dahil alam kong, hangga't alam niyang mahalaga ang isang taong ito sa akin, ay kukuhanin niya sa akin. Kabayaran sa kasalanang nagawa ko sa kanya. Kasalanang hindi ko nagawa't hindi ako ang may kasalanan pero patuloy kong pagbabayaran.

"Let's dance Mahal.." dinala niya ako sa gitna para sumayaw.

Napatingin ako sa paligid. Ang ganda ng dekorasyon. Ang layu sa normal na gym ng eskwelahan namin. Mas lalo itong pinaganda. Napakaelegante kung tignan. Marami kaming nagsasayaw sa gitna. Ang iba'y nakaupo lang pero mas marami kaming sumasayaw. Nasa gitna kami ni Stanley. At alam kong walang sinumang may maglalakas ng loob na pumagitna sa aming dalawa.

Hanggang sa may nakita akong isang pares ng nagsasayaw. Si Bianca at Steven. Mukhang hindi sila masaya sa isa't isa. I know Bianca. Si Stanley ang gusto niyang makapartner. Pero si Steven? Bakit mukhang hindi rin siya masaya?

"Chris.." tawag sa akin ni Stanley na nagpalingon sa akin. Nang magtama ang mga mata naming dalawa ay bumilis ang tibok ng puso ko. Leche! Kinakabahan ako!

"Hmm?" sinubukan kong ngumiti. 'Yung hindi niya mahahalatang kinakabahan ako ngayon. Nakakahiya naman kasi talaga sa kanya kung makita niyang kinakabahan ako sa hindi malamang dahilan.

Hindi siya sumagot. Imbes ay pinatalikod niya ako at akmang hahawiin ang buhok ko nang hawakan ko ang kamay niya't humarap ulit sa kanya.

Sh1t! Muntik na!

Nanlalaki ang mga mata ko at ang kaninang kabadong puso ko ay mas lalong nadagdagan. Fvck! Akala ko makikita niya!

"What's wrong?" puno ng pagtataka ang mga matang nakatingin sa akin. Hindi niya makuha kung bakit ko siya pinigilan.

"A-Anong gagawin mo?" nautal ako. Siyempre, kinabahan ako. Konting konti nalang at makikita niya na. Mabuti't mabilis ako. Nakalimutan ko panaman kaninang lagyan ng concealer ang batok ko.

"I just want to give you this." itinaas niya ang kamay at nang oras na makita ko ang hawak niya habang nakaangat ito sa ere ay nanigas ako sa aking kinatatayuan.

N-No! Hindi ang isang 'to!

"B-Binili mo?" nanlalamig ako. Nauutal rin ako't pakiramdam ko ang putla putla ko ngayon sa harap niya.

Napatitig ako sa kuwintas na hawak niya. Ang kuwintas kahapon sa mall! Kumikinang ito habang nasisinagan ng ilaw. Gawa ito sa silver kaya't alam kong mahal ito. A skull necklace. Ang uri ng logo na nagbibigay ng takot sa akin.

"Yes. I brought this. I know you like this one. But seeing you---" pinutol ko siya. Nag-uumpisa ng magsuspetsa ang mga mata niya kaya ayaw kong madagdagan pa.

"A-Ako na. Ako na ang susuot." kinuha ko ang kuwintas sa kamay niya. Alam kong nakatitig siya ngayon sa akin. Pinagmamasdan ako.

Sh1t! Sana wala siyang mahalata sa akin! At sana hindi na siya magpumilit pa.

IntricateWhere stories live. Discover now