Sinabi niya kaninang hindi niya kilala ang serial killer na ‘yon pero bakit alam niya ang itsura nito?
He’s hiding something.
*****
Pasikat palang ang araw nang saktong makabalik ako sa Shigiyama. Gaya ng usapan ay ibinalik nga sa akin ni Gunter ang cellphone ko. Sa gitna ng oval niya lang ako hinatid kasama ng mga gamit ko dahil isa sa mga school staffs ang tutulong sa akin magbitbit ng mga ‘yon sa dorm. Before bidding his farewell, he gave me a warm hug.
“Don’t stress yourself too much here. We will definitely catch that killer.” He said in a comforting voice. I felt relaxed so I closed my eyes, feeling him caressing the back of my head. “And I’m sorry for yelling at you last time.”
Bumitaw naman ako at saka siya tinignan nang masama. Alam naman niyang hindi na niya kailangan pang sabihin ‘yon dahil ayos naman na kami simula nang umuwi kami galing sa bahay-ampunan. He’ll just make things awkward, he knows it but he loves teasing me.
“I hate you.”
“That’s so mean, very typical of you.” Those were his last words. Ginulo pa niya ang buhok ko saka mabilis na tumakbo pabalik sa kotse niya dahil alam niyang babawi ako.
Matapos panoorin ang papalayong sasakyan niya ay saka na kami nag-umpisang maglakad papunta sa dorm. Sa labas palang ng building ay agad kong natanaw si Hitomi at Hanna na kumakaway sa akin. Nagtakha naman ako dahil masyado pang maaga para sa pagpunta mamaya sa breakfast hall. Nang tuluyang makalapit ay mahigpit na yakap ang natanggap ko sa dalawa. Kinailangan ko pa silang itulak para lang makahinga ako. Pareho silang nakangiti sa akin pero sinamaan ko agad sila ng tingin. It’s not like we haven’t seen each other for a year.
Nang makaakyat naman sa kwarto namin ay nakita ko si Chin na mahimbing ang tulog sa kama niya. Sinabi nila na ayaw raw magpagising ni Chin para salubungin ang pagdating ko. That’s how they should act! Hindi parang isa akong balik-bayan na kulang na lang ay magpa-banner pa sila, jeez.
Hindi na ako nag-abalang bumaba pa sa breakfast hall kasama nila dahil nakapag-almusal na rin naman na ako kasama si Gunter. Nang sumapit ang lunch ay saka lang ako bumaba sa cafeteria. Nagulat pa ako nang mapansing napakaraming nagbago simula nang nawala ako.
Daryl, our class president was throwing glares at me from the other side of the table. Napansin ko ‘yon simula nang makapasok ako sa cafeteria.
Kasabay naman naming kumain sila Chase, Bro, Dave at Sage. Ang nakakapagtakha pa rito ay hindi ko na rin nakikitang nakadikit lagi si Charm sa tabi ni Sage hindi tulad nang huli ko silang makita. At kailan pa naging close ang grupo namin sa kanila?
Ang hindi lang nabago ay ang walang emosyon na pagmumukha ni Sage, ang madalas na pagpapakitang gilas ng magic tricks ni Bro, ang korning pagpapatawa ni Dave at ang pang-aasar ni Chase na walang ginawa kung hindi tawagin ako ng ‘Yoon-bae’ sa kabila ng ilang beses na pagtatama ko sa kanya.
Pagdating ng hapon ay nagkwentuhan lang kaming apat sa dorm namin. They had so many questions which I had no other choice but to answer. Hindi kasi nila ako na-contact at salamat kay Gunter dahil doon. Tinanong nila ako kung bakit daw ako ang pinaka-matagal na nagbakasyon sa kanila. It’s because I was the mastermind of the ‘stealing of principal’s car’ incident. Mas ayos na rin ‘yon kaysa naman ilipat akong kwarto at ihiwalay sa kanilang dalawa. Plano kasi ni Ms. Cris na pagpalitin sana kaming dalawa ni Crista, which means magiging ka-roommate ko si Charm. At ‘yon ang hindi pwedeng mangyari.
ВЫ ЧИТАЕТЕ
CTRL + C
Детектив / Триллер"Someone's pretending to be me---killing people and putting the blame on me!" Everything seemed normal at first but things began to mess up when Yoondae Glendale transferred into her new school. It all started when someone from their class got murde...
12 | False Alarm
Начните с самого начала
