Medyo may kalayuan ang lumang gym dito sa camp. Malapit sa bahay nila Tita Kill ang lumang gym habang malapit lang sa bahay namin ang camp kaya hindi ako dito nagdo-dorm. May malaking gym ang Miracle camp, dalawa ang court nito. May oval sa labas at building dorm. Malawak ang camp dahil may mga training din kami na ginagawa na hindi kailangan ng bola.

"Bakit po?" tanong ni Joella. "I mean bakit nandon sila?"

"Para hindi ninyo makita kung gaano kahirap ang ginagawa nila doon. Malalaman ninyo din 'yon next year. Mapapadpad din kayo doon." sabi ni Tita Kill at naglakad pabalik sa mga seniors.

"Hindi ko alam kung matatakot ako o ano. I mean, alam ko kung gaano kahirap ang training sa Dragon Empire. Kung sinasabi ni Tita Kill na hindi biro ang training ng mga seniors natin, bakit hindi pa din nila matalo ang Dragon Empire?" sabi ni Joella.

"Sure ka ba na yung nakikita mo ay yun na talaga ang ginagawa ng Dragon Empire?" tanong ni Julia sa kanya. "Kasi sabi ni Mama, hindi din nila pinapakita sa mga rookies kung paano sila magpractice."

"Pambihira." sabi na lang ni Joella. Natawa naman ako ng bahagya.

"Alam ninyo, ang kailangan natin gawin ay paghusayin natin ang paglalaro. May malakas tayong makakalaban sa Dragon Empire. Si Ate Kriza at Ate Zap. At hindi natin alam, meron din sa Shakers na kasabay natin o nila Lee sumali sa Cup." sabi ko.

"Well, inaasahan ko na madami akong matutunan sayo future captain." sabi ni Julia. Napangiti na lang ako at napailing sa tawag nya sakin.

"Same here. Mas madami kang experience dahil ang nagtrain sayo ay si Tita Kill." sabi ni Joella.

"Ano ba kayo? itra-train din kayo ni Tita Kill." sabi ko sa kanila.

"Ah basta, buhatin mo kami." sabi ni Julia. Napailing na lang ako.

"Nasaan nga pala yung dalawa?" tanong ko at hinanap si Lee at Dite. "Kanina pa wala ang mga 'yon ah."

"Baka naglakad lakad lang sa labas. Alam mo namang pinalitan ka na ni Lee kay Dite." kanina pa itong si Julia.

"Magkaugali kaya magkasundo." sabi ni Joella. Natawa naman kami ng bahagya ni Julia.

Parang nung una lang hindi magkasundo yung dalawa. Laging sinusungitan ni Lee si Dite dahil sa mga palpak na laro ni Dite tapos nitong nakaraang buwan, bigla na lang sila naging magkasundo. Mukha nga pinalitan na ako ni Lee dahil sila na ang nagkakaintindihan ni Dite kahit hindi sila magsalita.

"Okay lang yan Zandy, nandito kami ni Joella." sabi ni Julia at inakbayan ako. Nailing ako.

"Tara na nga don. Hindi naman na tayo nagpra-practice." aya ko sa kanila papunta sa mga miyembro ng Miracle na nagpapahinga. Nasa tabi ang dalawang coach nag-uusap habang kinakausap naman ng mga miyembro ang dalawang bagong manager.

Bago pa kami makalapit sa mga kasamahan ay nagmamadaling pumasok ang dalawa na kanina ay hinanap ko. Napatingin din sa kanila ang iba dahil sa pag-uunahan nilang makarating. Nauna si Lee makapunta sa tabi nila Tita Kill. Hingal na hingal ang dalawa pagkatapos nilang tumakbo.

"Nag-uunahan na naman yung dalawa." sabi ni Joella. Palaging nangyayari ang ganito, kapag nawala yung dalawa at bumalik dito sa gym, nag-uunahan sila. Si Lee palagi ang nananalo. Hindi ko alam kung bakit nila ginagawa 'yon.

Pinalapit ni Tita Kill ang dalawang manager sa kanila para siguro ipakilala sa bagong dating. Lumapit kaming tatlo sa kanila. Tumango lang yung dalawa nung ipinakilala nila Tita Kill ang dalawa. Magkaugali talaga.

Napansin ko naman na nahihiyang tumingin si Titania kay Dite. Napangiti na lang ako.

"Tita Kill, nandito na pala sila Tita Avey." sabi ni Dite tapos tumingin kay Tita Zoe. "Nandito din si Zap."

Melting Ice Princess 3Where stories live. Discover now