"Sino kausap mo kanina?" Tanong ko sa kanya.

"None of your business." He answered.

Bumalik na naman ang pagiging masungit niya.

"Si Foina ba?"

"Don't ask me anymore if you already know the answer."

So, siya nga??

"May work pa rin kahit vacation na?" Sobra naman na yata kapag ganon.

"Hwag ka na ngang matanong. Ang sakit na naman sa tenga ng boses mo."

"Sorry."

8:00PM na nang matapos ang pag-iihaw namin ng barbecue. Napansin kong kanina pa may tinatanaw-tanaw si Christopher. May hinihintay kaya siyang darating??

"Come on, let's eat na, kanina pa akong natatakam sa pagkain." Pag-aaya ni Mommy.

Kakain na sana kami nang makita naming may dala-dalang babae si Chris.

Anong ginagawa ni Foina dito? It should be a family bonding pero bakit dinala siya rito ni Christopher?

"Pwede naman siyang sumalo sa 'tin sa pagkain ng barbecue, diba? Manager ko siya." Sabi pa ni Christopher at gaya ng dati, nakahawak sa braso niya si Foina.

Tumingin sa 'kin si Mama Sophia, mukhang humihingi ng permission. Tumango naman ako sa kanya para sabihing okay lang kahit na hindi naman talaga. Paano niya nagagawang magpahawak sa ibang babae sa harap ko pa mismo at ng mommy niya?

Hindi ko alam kung paano ko pakikitunguhan ang manager niyang ito ngayon. Kanina pa siyang nakikipagharutan sa asawa ko. Tinitingnan na rin sila nila Mommy at Mama. Magpasalamat siya at nasa loob sila Daddy at Papa.

"Mika, kumain ka na." Sabi pa sa akin ni Mommy.

Nawala ang gana ko sa pagkain. Sino ba naman ang gaganahan ngayon?

"Nasaan yung kausap mo kanina, 'nak? Papuntahin mo rito." Sabi naman sa akin ni Mama.

"Si Gabriel po?" Tanong ko pa.

"Oo, yung batang gwapo. Sige, ayain mo dito para naman maging masaya ang gabing ito."

"Okay po." Idinial ko ang number ni Gabriel at mabilis pa sa alas kwatro ang naging pagsagot niya.

"Hi, Gab?"

"Yes"

"Pwede ka ba tonight? Dito sa cottage namin, simple dinner lang." I asked. Sana naman ay pumayag siya.

"Is it okay with your husband?"

"Oo naman."

"Okay, if you say so. Punta na ako."

"I'll wait you here, bye."

**End call

Hindi naman nagtagal ay dumating na rin si Gabriel. Gwapo talaga 'tong lalaking 'to. Maalaga at mapagmahal. Biruin mong kahit alam niyang niloloko siya nung girlfriend niya, minamahal niya pa rin 'to. Kung nauna ko nga lang sigurong nakilala si Gabriel ay siguradong mahuhulog ako sa kanya, pero mas matimbang pa rin kasi para sa'kin ang walanghiyang lalaking katapat ko ngayon na walang ibang ginawa kundi makipaglandian sa malaahas niyang Manager. Ganyan ba magtratuhan ang magmanager ngayon? Nakakabwisit talaga sila!

"Are you okay? Gusto mong maglakad-lakad muna?" Bulong sa akin ni Gabriel. "Feeling ko, anytime, iiyak ka na." Dugtong pa nito.

"I'm okay. Hindi lang talaga ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Tingnan mo sila, akala mo walang kaharap na asawa." Gigil na gigil na sabi ko. Kung pwede nga lang makasugat ang tingin, baka lumpiang gulay na 'yang Andrada na 'yan sa 'kin ngayon.

Marrying Mr. Popular (PUBLISHED under LIFEBOOKS) Where stories live. Discover now