Chapter 13

182 14 0
                                    




Kinagabihan ay nagbihis na ako para pumunta ng Sea Wall. Celebration as 20th Aniversary kasi ng Sea Wall at sinabay sa Buglas Festival kaya maraming booths ang nandun. Nagpaalam na rin naman ako sa mga magulang ko at pumayag naman ako tsaka si Janine naman ang kasama kong mamasyal.

Pagkakita namin nang kaibigan ko malapit sa gate, napagpasyahan naming maglakad-lakad muna at mamili ng mga souvenirs na nasa gilid. Pareho kaming nakasuot ng three-forth na damit pero puti lang sakin at black naman iyong sa kanya na bumagay naman sa maputing balat at chinitang mata nito. Kung minsan nga eh tinatawag siya ng mga kaklase kong chiwawa o kaya ay Chinese. Mukha talaga kasing chinese si Janine at sobrang puti pa ng balat samantalang ako ay kayumanggi. Hindi ko nga alam kung bakit naging kaibigan koi to eh. Siguro eh nang dahil na rin sa magkaparehing ugali namin kaya kami nagkasundo. Pareho din kami nito ng sapatos na kulay white converse. Mukha na talaga kaming kambal na magkaiba ang ama.s

Umupona muna kamisa gilid na may bench. Habang kumakain ng popcorn. Tapos na rin kaming makabili ng kung ano-ano pang mga bracelet as a sign of friendship daw namin.

"Jai, Jai." Maya-maya ay mahinang tawag sakin ng kaibigan ko habang sinisiko ako nito. Nakatuon lang ang mga mata ko sa harap ng dagat.

"Bakit ba? Ano? Ano binubulong mo dyan?" sagot ko sa kanya habang kumakain ng popcorn.

"Jai, lumingon ka dito." Napalingon na rin ako sa direksyon kung saan tumitingin ang kaibigan ko.

"Bakit nga.......? " muntik ko nang mabitawan ang dala-dala ko ng makita koang isang mataas na lalaking naka-black pants, black t-shirt at may dala-dalang bag pack at isang paper bag na papalapit samin. Namukhaan ko naman kaagad iyon, si Vince.Napatigil ako sa pagngunguya ng popcorn.

"Hi, Jan.Hi Jai." ang sabe ng papalapit na si Vince sa mahinang boses. May Nanlaki ang mga mata ko sa kakatingin sa kanya. Hindi ko naman kasi akalain na magkikta kami dito. Tsaka bakit may dala itong bag? Mag-aabroad ba ito at magpapalalam sakin? Teka, bakit sakin? Siguro, hihingi lang siya ng sorry bago umalis.

"Ay Vince, ikaw pala. Teka, nauuhaw ako. Jai pwede bili muna ako ng maiinom? Sandali lang talaga ha." Alam kong pagdadahilan lang ni Janine yun. Biglang itong tumayo. Hinawakan ko ang kamay niya pero kinuha niya yun. Bago umalis si Janine ay binulungan niya si Vince na rinig na rinig ko naman. "Magpaliwanag ka sa kaibigan ko." Tumango lang si Vince bilang sagot dito. Lumapit na siya sakin. Parang gusto kong tumakbo at magtatago pero hindi ko maigalaw ang katawan ko.

"I.....ikaw pala. What a coincidence." Pilit na tawa ko habang yumuyuko at binuksan ang bag ko na tila may hinahanap nang kung ano na hindi ko mahanap.

"Pwede ba kitang maka-usap?" tanong ni Vince sakin habang tumabi ito ng upo.

"Tungkol saan? Bilisan lang natin ha. May pupuntahan pa kasi kami ng kaibigan ko eh. Asan na ba yun." Palingon-lingonko sa paligid habang hinahanap ang biglang lumaho kong kaibigan. Sabagay, mabuti na rin ito para maliwanagan na ako. Para hindi na maghihirap ang kalooban ko. Bahala na kung paiiyakin niya ako ngayon, at least malaman ko ang totoo.

"Jai?" tawag ulit ni Vince sakin sa mahinang boses.

"Hmmmmm?" sagot kong kimi dito. Wala kasi akong mahanap na pangungusap para isabi dito kaya hinihintay ko nalang siyang magsalita at magpaliwanag.

"Bakit nagpalit ka ng number? Bakit di mo'ko sinabihan?" simulang tanong nito sakin.

"Eh kasi ano, nasira kasi cellphone ko nun eh. Di na nag-function kasi di ba, nabasa tayo nun sa ulan. Kaya yun." Pagsisinungaling ko. Hindi ko siya tinitingnan pero alam ko kahit nasa tabi ko siya ay ramdam kong tumitingin siya sakin.

Crush Ako ng Crush Ko!Where stories live. Discover now