Chapter 1

651 31 9
                                    




Hindi ko pa talaga nasubukang magka-boyfriend, ang sakin lang magka-crush sa isang lalaki. Kiligin kung magka-eye to eye contact kami. 'Yung bestfriend ko, si Janine pareho kaming gaga 'nun eh. Biruin mo, kung may crush ako nagkaka-crush din siya. Kaya kung may crush siya, crush ko na rin. Hati-hati lang kasi kami. Hindi ba ang unique namin, parang kambal sa uma lang. Mula nung first year high school ay magkaibigan na talaga kami. At dahil napabilang kami sa special section ng TLE ay naging magkaklase kami mula first year.


"Jai, ang gwapo ng crush ko. Promise, nakaka lose-thread ng bra." Pangingiti-ngiti ko habang tinetext si Janine. Papunta ako nang church naming habang naglalakad lang. Mga three hundered meters lang naman ang layo nito mula sa bahay namin. Naka-pedal lang ako't nakadamit pambahay. Magpapractice kasi kami nang kanta for Sunday's service eh. Kaya ayun, ako lang nag-iisang naglalakad kasi yung kapatid kong mabait pumunta nang school nila. Tinext ko si Janine kasi nagka-eye to eye contact kami kahapon nang crush ko, si Carl. Isang Senior student siya nang school namin samantalang ako, nasa Junior pa lang. Medyo malapit na ako sa church kaya naghihin-hinan nalang ako sa paglalakad. Mga dalawampong lakad nalang at simbahan na namin.


"Hi Jai " biglang napataas ang tingin ko nang may narinig akong tumawag nang pangalan ko. Isang matangkad na lalaki, naka-smile siya sa'kin. Oh, how feeling close he is. Tiningnan ko pa rin siya habang nakangiti siya sa'kin. Gustong tumaas nang mga kilay ko pero hindi ako marunong eh kaya hindi ko na tinuloy.


"Hello." kimi kong sagot at napayuko. Binilisan ko ang paglalakad papunta sa simbahan para sa practice namin. Hiyang-hiya 'ata ako. Nagtataka ako kung papaano nalaman nang lalaking nasa kanto ang pangalan ko.

"Sino kaya 'yun? Bakit kaya niya nalaman pangalan ko? Abah mala-stalker ata 'yun. Nako, feeling kah Jai ha, maganda ka? Maganda ka?" kausap ko sa sairli ko habang pinapasok sa bulsa ang cellphone ko.


"Oy Jai, mabuti at andito ka na. Praktis na tayo maya-maya kaso wala pa 'yung iba nating kasama eh." Nakita ko si ate Cris sa bench nang simbahann, naghihintay saming dumating. President siya nang youth namin sa church.

"Ah ganun bah? Sige upo muna tayo dito. Oy ate cris, kilala mo ba 'yung lalaki dyan?" tanong ko sa kaibigan ko habang naka-upo kami sa bench sabay turo sa bahay 'nung lalaki kanina na malapit lang sa simbahan namin.

"Ha? San?" lumingon naman siya sa tinuro ko. Nasa gilid lang nang simbahan namin ang bahay nina Mr. matangkad.


"Dyan oh, yung nakatira sa dyan. Yung bahay nila sa gilid ng church." Turo ko ulit sa kanya. Nakanunot naman ang noon yang napatingala sa tinuturo ko.

"Ah kapatid ni Aime. Bakit? Oy!" panunukso sa'kinng kaibigan ko habang kinikiliti ako sa gilid. Napakunot naman ako sa reaksyon niya? Porke nagtatanong lang eh tutuksuhin kaagad ako.

"Oy, scuse me mas matanda pa sakin yun no. Oy-oy kah dyan. Nagtatanong lang po." Taray na sagot kokay ate Cris. Namumula yata ako sa kahihiyan.Nakangusong umayos ako ng pagkaka-upo.

"Eh ano? Crush mo no?"bigla akong napalingon sa kaibigan ko.


"Oy di ha, kilala niya kasi ako nag-hi kasi siya eh nagtaka lang ako ba't niya ako kilala. Crush ba kaagad iyon?" Nakataas ang nguso kong habang nagsasalita. Tiningnan ko ang lalaking nasa kanto. Naka-upo ito sa upuan na gawa sa kawayan sa labas nang bahay nila.

"Oh, talaga? Baka may crush sayo." Pagak na tawa ni ate Cris. Kiniliti na naman ako nito. Mas lalong nangunot ang noo ko sa sinabi nito? Ako? Magkaka-crush sakin ang matangkad na lalaki sa kanto kanina? Huwag sana kami matamaan ng kidlat. Diyos ko po.


"Ang ganda ko naman. Tsura kong to, ke-bata-bata ko pa eh. Tumigil ka na nga dyan sapakin na talaga kita." Hinampas ko siya sa balikat. Hindi ko naman akalaing tutuksuhin ako nito, purkit ba'y wala pa akong boyfriend. Syempe bata ko pa eh. Haller, third year high school pa lang nga ako.

"Wag kang ganyan nasa simbahan tayo, sama nito oh. Para tinitukso lang eh todo defend sa sarili, siguro kinikilig ka no? "tawa nang tawa ang kaibigan ko. Gusto ko na talagang sapakin ang presidenting ito. Kung hindi ko lang kaibigan ito eh.

"Isa nalang talaga kaka-asar ka nah ha."turo ko sa kanya habang halos ay humahagikhik na sa kakatawa.


"Oh, andyan na pala mga kasama natin oh." sabay kaming napalingon sa mga kasama naming dumating. Hay, salamat at dumating na rin sila. Kahit papaano'y titigil na rin itong president namin. Sarap sapakin eh.


"Hi Jai, hi ate Cris." sabay-sabay na bati ng mga kasama naming kakarating lang na sina Jay,Joy at Jill, magkakapatid ang mga ito. Ang ganda nang mga pangalan nila puro J eh. Kulang nalang ako kasi J din ako.


"Hi ! Buti andito na kayo. Praktis na tayo para di masayang oras natin." Sabay na rin kaming pumasok sa loob nang simbahan at naghanda para sa praktis at sa mga kanta kinabukasan. Napatingin ulit ako kay Mr. Tangkad, umuupo ito sa labas nang bahay nila habang naka-headset. Nakikinig yata nang music. Cute naman ito ah, maganda rin 'yung mga mata niya nung naka-smile siya sa'kin kanina. Cute niya kaya.

"Jai." napalingon ako sa mga kasama ko. Hay, nako nasa simbahan ako lumalandi na mga mata ko sa lalaking iyon. Pero cute siya ha, infairness.Ang paulit-ulit kong bulong sa sarili ko.

Crush Ako ng Crush Ko!Onde as histórias ganham vida. Descobre agora