Chapter 6

191 12 0
                                    




Lunes ng umaga habang nasa school kami pagkatapos nang last period sa hapon ay pumunta kami nang canteen nang kaibigan ko para magtambay at mag-merienda. Maya-maya habang naka-upo sa isang vacant na upuan kasama si Janine ay narinig kong tumutunog ang cellphone ko kaya agad-agad ko itong kinuha sa bag ko. Nakalimutan ko pala itong e-silent, mabuti nalang at this time tumawag.

Will you done-done me and you bet I felt it.

I tried to be chill but you're so hot that I melted

I feel right through the cracks

But now I'm tryin' to get back...

..........

Tiningnan ko agad kung sino ang tumawag.

***calling: Vince***

Oy, bakit tumatawag siya? Sasagutin ko ba?"tanong ko sa sarili ko habang nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko ba o hindi.

"Hello?" Well sinagot ko nga talaga.

"Hi, di ba ako nakaka-isturbo sa'yo?" tanong agad nito nang sagutin ko ang telepono.

"Hindi naman." Pero sa puso ko, Oo ! Ahihih! " Bakit ka nga pala tumawag?" tanong ko sa kanya habang kinakagat ang mga labi ko. Maya-maya nyan eh baka anong salita ang mabitawan ko nang wala sa isip.

"Ano kasi....gusto lang kita makausap kung okay lang sa'yo." Tanong ni Vince sa'kin. Bigla akong kinabahan pero nagtatanong ang isip ko. Ano nga ba'ng pag-uusapan namin?

Well, okay na okay.Ito sana ang gusto kong isagot. "Okay naman tsaka ano ba'ng pag-uusapan natin? Tungkol saan?" ang walang malay kong tanong sa kanya. Tiningnan ko ang kaibigan kong nasa harap na matamang nakatingin sakin. Nababasa ko na sa mga mata nito that she needs my explanation.

"Siya nga pala Jai, may lakad ka ba sa sabado?" nabigla ako nang tanungin niya ako.?

"Wala naman kaso may klase ako, half day pero sa hapon wala na, bakit? " balik na tanong ko sa kanya. Napakunot ang noon i Janine habang nakatingin sakin at kumakain ng tsetserya.

"Pwede ba kita ma-invite? Gala-gala lang sa town." Imbita ni Vince sa'kin kaya nabigla ako pati dibdib ko ay tudo kabog.

"Pero bakit?" Oy, what's is this I'm feeling I just can't explain.

When you're near, I'm not just the same. Ayyeehhh! But you're not here so you're not near.Alam kong kumakanta na pati puso ko sa kilig. Ngumiti ako sa kaibigan kong nagtatanong ang matang nakatingin sakin.

"Ano kasi. May bibilhin ako. Papasama sana ako sa'yo." Ani Vince.

"Sige-sige, pagkagaling ko klase. Diretso nalang ako. Kita nalang tayo sa town, Vince. Text mo lang ako kung saan ka tatambay, pupuntahan nalang kita."Mahinang sagot ko sa kanya habang tinatakpan ng isang kamay ko ang aking baba. Kitang-kita ko na ang paniningkit ng mga mata ng kaibigan kong si Janine. Kulang nalang ay mag-aaso ang ilong nito.

"Salamat Jai!" rinig ko sa kanya.

"Sure walang problema. " Basta ikaw. "Bye!" pinatay ko na agad ang cellphone ko. Ayaw ko na siyang maka-usap nang matagal kasi baka mamaya nyan eh ayaw ko nang tumigil sa kakadaldal.

Nako Lord, nagkaka-crush na 'ata ako sa mokong na 'yun ah. Ayoko Lord. Please lang. Kasi ano kasi, basta Lord. Ayoko ko, takot po ako.Kagat-labi kong kausap sa sarili ko habang pinapatong sa mesa ang aking cellphone.

Crush Ako ng Crush Ko!Where stories live. Discover now