Chapter 12

116 10 2
                                    




"Ay tara na Vince, sakay na tayo ng trycicle. Mahina na kasi 'yung ulan eh. Uwi nalang tayo medyo giniginaw na kasi ako eh." Tumayo na ako. Umiwas ako nang tingin dito dahil naramdaman kong namumula na ang mga mata ko na parang tutulo na talaga ang mga luhang pinipilit kong pigilan.

"Teka lang Jai." Pigil ni Vince sakin.

"Halika na. Baka lumakas na naman ang ulan oh." Nilingon ko siya kaya sumunod agad siya sakin.

Pumara na agad ako trycicle. Hindi ako umiimik kay Vince. Mabuti nalang at sa backseat naka-upo si Vince kaya hindi niya ako masyadong makaka-usapdahil may mga kasamang iba ding pasahero. Tahimik lang ako at alam kong gusto nang tumulo nang mga luha ko pero pinipigilan ko lang.

Pagdating malapit sa eskina ng bahay namin ay bumaba na agad ako. Hindi ko siya kinausap, nilingon ko lang siya at nagpaalam.

"Bye Vince, salamat." At walang lingon-lingon na lumakad ako. Narinig kong tinawag niya ako pero nagbibingi-bingi-an lang ako at dire-direstso nang naglakad.

Pagdating sa bahay ay naghahapunan na ang mga magulang at kapatid ko. Nagmano lang ako sa kanila.

"Oh basa ka nang ulan ha. Maligo ka na at maghapunan na dito. 'San ka ba galing?" tanong ni mama nang makarating ako sa bahay.

"Namasyal po kasama kaibigan ko. " kimi na sagot ko kay mama habang nagpapahid ako nang katawan ko sa tuwalya.

"Oh siya, magbihis ka na 'dun at maghapunan rito." Sagot naman ni papa habang nasa sala sila nanunuod nang tv.

"Pa, busog pa po ako eh. Kumain kasi kami 'dun kanina. Bihis nalang po ako at magpapahinga na. Pagod na rin po kasi ako eh." Pagatapos ay namaalam na ako sa kanila at pumunta sa kwarto ko.

Naligo agad ako, nagbihis at humiga sa kama. Ang bigat nang dibdib ko pati mga mata ko. Wala akong ganang maghapunan. Pagkatapos magbihis ay humiga na ako habang nakatunganga sa bubong ng bahay namin. Biglang tumulo ang luha ko. Kinuha ko ang kumot ko at tinabon sa buo kong kawatan.

"Totoo nga may girlfriend na siya, pero bakit niya pinapakita sa'kin na espesyal ako sa kanya. Siguro , espesyal ako bilang kaibigan niya lang." kausap ko sa sarili ko habang tumutulo ang mga luha ko. Hindi ko na napigilan ang sarili kong umiyak. Mabuti nalang at nasa sala pa ang kapatid ko kaya akin na akin ang kwarto para mag-emote.

Maya-maya ay naisipan kong tawagan ang bestfriend ko. Kinuha ko ang cellphone ko sa bag. Mabuti nalang at hindi ito nabasa sa ulan.

"Oh, hello Jai? Kumusta lakad nyo ni Vince? Okay ba? Kayo na ba?" pag-uusisa kaagad ni Janine sakin. Halata sa boses nito na excited ito sa ikekwento ko sa kanya.

"Jan, totoo nga may girlfriend siya. Pero bakit di niya sinabi sa'kin? Bakit pinaparmdam niya sa'kin na special ako sa kanya pero may girlfriend na pala siya." Ang mangiyak-ngiyak kong sumbong sa kaibigan ko. Hindi ko na napigilan, kailangang may mapagsabihan ako para naman gumaan ang loob ko.

"Ano? Paano mo nalaman?" halata rin ang pagkabigla ng kaibigan ko sa kabilang linya. Tila naawa ito sakin.

"Tatanungin ko na nga sana. Pero 'yun yung pagkakataon na nakita kong may henna sa kamay niya. Madel yung pangalan at alam kong girlfriend niya yun." naiiyak kong sabi. Alam kong pagnandito kaibigan ko ay binatukan na ako nun eh. O kaya yayakapin at sasabyan akong umiyak.

"Walang hiya naman oh. Oh, ngayon iiyak-iyak ka dyan. Sana naman kasi tinanong mo na siya noon pa. Pero ano magagawa natin, alangan naman awayin mo 'yung tao eh wala naman tayo karapatan kasi hindi naman kayo di ba?" lalongnaiyak ako sa sinabi ni Janine dahil alam kong may point siya sa sinabi siya. Hindi kami ni Vince. Walang kami.

Crush Ako ng Crush Ko!Where stories live. Discover now