Chapter 7

159 12 3
                                    




Kinabukasan dahil sa pagtetext namin ni Vince ay excited akong pumasok nang klase. Ready na ang uniform ko, ang sapatos ko, ang laso sa buhok ko at syempre ang mga aklat at notebook ko. Excited akong e-kwento sa kaibigan ko ang nangyari. Pati iyong pagtatanong niya sakin kung sino raw ang crush ko.

"Ha? Talaga Jai? Tinanong ka niya kung sino crush mo? Bakit parang interesado ata siyang malaman?Teka, I smell something fishy!" sigaw sakin ni Janine habang nasa class room kami kaya agad kong tinakpan ng mga kamay ko ang bunganga niya.

"Aray sakit nun ah." Natatawa nyang sabi matapos kong kunin ang kamay ko mula sa pagkakatakip sa baba niya. Napalingon tuloy ang iba naming kaklase samin. Sobrang nakakahiya talaga. "Biruin mo, pinipilit niya akong umamin sa kanya kung sino crush ko." Nakapamiwang sa sabi sa'kinni Janine."Pero infairness ha, binigyan ka niya ng load? Worth 50 pesos? Wow ha. Siguro may gusto sa'yo 'yun Jai."

"Hay naku naman. Wag ka nga magbiro ng ganyan. Tsura ko'ng to oh. Ang haba naman ata ng hair ko. Mala- Rapunzel lang? Parang for the first time in my life na magka-crush sa'kin ang crush ko? Ganun? Sa teleserye lang naman yata nangyayari iyon eh." Nakanguso kong sabi sa kanya. Pinilit kong ayusin ang palda ko at umayos nan g upo nang makita namin ang teacher naming paparating na.

" Ayoo nga pala Jan, nakalimutan ko. Magpapasama pala siya sa'kin sa Sabado ng hapon sa town."Bulong ko kay Janine. Magkatbi lang naman kasi kami pareho ng upo sa ahat ng subjects.

"San ba kayo pupunta? Oy, Jai, umayos ka dyan ha, ano yan?" nakaturong sabi sa'kin nang kaibigan ko kaya hinampas ko siya gamit ang dala kong ballpen. Natawa na rin ako sa kanya.

"Shh, ang ingya mob aka marinig tayo ni maam. Taaka ang sama ng utak nito. May bibilhin daw kasi siya. Di ko alam kung ano, pero magpapasama daw siya sa'kin sa town."

"Baka makikipagdate sa'yo yun."balik-buong niya sakin. Tinatakpan niya lang ng folder nyang hawak ang kanyang mukha para hindi mahalata ng teacher namin na kahit busy siya sa kaka-discuss sa harap eh busy rin kami sa pag-uusap sa ibang bagay sa likod.

"Hindi no, kasi you know. Sabi nang driver ng church namin na kaibigan niya, may girlfriend na daw 'yun no."

"So, affected ka naman?" tanong sa'kin ni Janine kaya napatingin ako sa kanya ng bigla.

"Di no. We're just friends tsaka bakit naman 'yun magkakagusto sa'kin?" patong ko ng mukha ko sa kamay ko. Hay ang hirap naman nitong pinasok ko. Crush ko na nga talaga ang gagong iyon eh.

Halos hindi na yata ako makatulog sa kaiisip sa first date, este first lakad naming ni Vince na kaming dalawa lang. Panay ang gulong ko sa kama. Mabuti nalang at tulog na ang kapatid ko dahil kung hindi kanina pa ako nito nilaglag. Mababliaw na yata ako nito sa kaiisip. Parang excited ako na parang kinakabahan naman. Alas dose na nang madaling araw pero mulat na mulat pa rin yung mga mata ko sa kaka-isip. Is he thinking of me too? Kasi sabi daw nila, kung hindi ka makatulog eh may nag-iisp sa'yo. Sana nga si Vince ang nag-iisip sa'kin eh. Siguro hindi rin siya makatulog sa kaiisip sa'kin. Hay, ang landi ko naman.

Pati sa eskwelahan namin ay halos hindi na ako nakikinig sa guro namin. Destructed nang sobra yung utak ko sa kaiisip kay Vince. Mula noong inimbitahan niya ako. Hanggang ngayong magkikita na kami mamaya. Oo, Sabado na nga pala ngayon.

"Jai, masasapak na talaga kitang babae ka." Siko ni Janine sa'kin. Magkatabi pa rin kami nang upo nito kasi kami lang rin naman ang bahala kung saan kami uupo. M-Top kasi namin tuwing Sabado ng umaga. Kunti lang naman kaming estudyanteng sumali. Nasa section 3 lang kami.

Crush Ako ng Crush Ko!Where stories live. Discover now