Chapter 5

281 21 6
                                    




"Oooooyyyyy, ayyyehhh!" sabay-sabay na harutan ng mga kaibigan ko. May mga ibang youth pa ang naiwan kaya pinaghahampas ko sila. Sobrang nahihiya talaga ako. Bakit nasa'kin ang ka-swertehan o kamalasan ba ang tawag dito. Bakit ako ang pinagtitripan ngayong mga araw na ito yata. Napakamot nalang rin ako ng ulo habang hinahayaan ang mga kaibigan kong panay ang tili sa nangyari. Ewa ko ba't parang ang saya-saya nila sa tuwing may lalaking lumalapit sakin. Kung iisipin nakaka-insulto na rin.

Maya-maya pa ay iniwan ko na sila at bumalik sa loob ng simbahan. Isasauli ko pa nga pala ang projector, laptop, at microphone sa stock room ng church.

"Pero, infairness ha ang cute niya. " rinig kong panunukso ng mga kaibigan ko habang sinisigawan ako pero hindi ko sila pinansin. Lumakad lang ako nang walang lingon-lingon. Pwedend-pwede nang lutuin mukha ko eh sa pamumula. Pwede nang maging kamatis ito.

Pagkatapos maglinis nang simbahan kasama ang mga kaibigan ko ay umuwi na kami para makakapag-pahinga dala-dala ang mga bag pack namin at iba pang gamit na ginamit sa camp. Habang naglalakad ay nakita ko na naman si Mr. Matangkad. Parang gusto kong bumalik nang simbahan at ayaw na muna umuwi pero malapit nang gumabi at baka mahalata nang mga kaibigan ko na gusto kong umiwas dito kaya naglakad nalang ako nang papayuko.

­­­­­­­­­­­

Oh meh gash! Unleaded gas! Andyan na naman yung lalaki sa daan. Wohoh, please umalis ka dyan at dadaan kami. Wag ka tumingin sa'kin, maawa ka."

"Hi, " napatigil sila lahat sa paglalakad at biglang napalingon sa'kin.

"Ah-eh, hello!" kimi kong sagot. Hinila ko ang damit ni Jill para lumapit siya sakin.

"Halika na. Bilisan natin." bulong ko sa kanya pero hindi ito nakikinig.

"Pwede pahingi ng cellphone number mo?" yung lalaki. Wow! Agad-agad naman ang lalaking to. Di ba pwedeng magpakilala ka muna.Hindi ako umimik habang ang mga mata ni Jill ay nakatingin sakin na hindi ko alam kung ano ang ibig nyang iparating.

"Ha..ah...ano kasi eh...." Ang paputol-putol kong sagot sa lalaking nasa harap namin. Talagang inabangan niya kami.

"Cellphone number ni Jai? Ito oh.. 0926*******." muntik ko nang masabunutan ang kaibigan ko sa ginawa niya. Biruin mo hindi pa ako nakapag-oo, binigay na niya agad. Pugang pating ito oh. Sarap talagang sapakin tong babaeng to.

"Salamat. Okay lang ba sa'yo, Jai?" tumingin 'ung lalaki sa'kin. Nakita kong may maliit pala siyang nunal malapit sa pang-itaas nyang kanang labi at naalala ko, may maliit din akong nunal sa kaliwang pang-itaas kong labi. Ngalang, hindi masyadong halata iyong sakin.

Doon ko mas naklaro ang mukha niya. Hindi ko kasi siya masyadong tinitingnan noon kasi nahihiya naman ako. Kaya ngayon, nakita ko na siyang mabuti. In all fairness cute naman pala ang lalaking ito eh.

"Okey nalang. Ano pa magagawa ko eh, binigay na ng mabait kong kaibigan di ba?"nilingon ko si Jill at ngumisi ako sa kanila. Ngising plastic.

Mabait ko na kaibigan na sasapakin ko mamaya. Bruhang to!

"Salamat ha. Jai name mo no?" tanong niya ulit sa'kin. Pakamot-kamot lang ako at tumatango habang pumipindot siya sa kanyang cellphone. Sinisave siguro ang numero ko.

"Sige mukhang kailangan na rin naming umalis papagabi na kasi tsaka pagod na rin kami. "hila ko sa mga kaibigan ko. Hindi ko na hinintay ang isasagot niya sakin. Hinila ko na si Jill kaya sumunod na rin ang mga ito sakin.

Crush Ako ng Crush Ko!Where stories live. Discover now