Chapter 4

284 20 14
                                    




Sa wakas at dumating na rin ang araw ng youth camp namin sa simbahan.May mga sangay-sangay ang simbahan namin kasi kaya may mga youth na hindi namin masyadong kilala. Mga baguhan yata. Tumagal nang tatlong araw ang youth camp. Nakakapagod pero masayang-masaya.

Pagkatapos nang youth camp ay nagtambay muna kami ng kaibigan kong si Jaymalapit sa pinto nang simbahan. May bench kasi sa gilid kaya doon na muna kami nagpahinga matapos linisin lahat ng kalat sa loob at ayusin ang mga gamit.

Ako na yata ang pinaka-busy sa lahat sa nangyaring event sa simbahan sapagkat harap nang harap sa computer ang lagi kong ginagawa. Ang maghanda ng mga kakantahin, ang mag-encode ng sermon.

Last day na nang youth camp namin kaya nakakahinga na rin kami kahit papaano. Sobrang pagod kami lalo na't gabi na nakakatulog at madaling araw gumigising dahil sa Dawn Worship.

"Grabe, ang saya ng camp natin no? New faces of friends." sabi nang kaibigan ko na si Jay habang nagpapahangin kami. Panay ikot namin kasi sinusunod namin ang direksyon nang ceilling fan.


"Ay Jai, by the way did you see that man sa labas oh. Yung youth ng S**t*n? Kanina pa nakatingin yan." Turo nang kaibigan ko sa lalaking nasa gate nang simbahan nakatayo. Isa siya sa kasama namin sa camp and as far as I remember, active youth siya nang isa sa branch ng church namin.


"San?" tinga-tingala ko naman. "Pansin ko nga, hayaan mo siya. We're not close."Bikit balikat ko. Napansin ko rin yun at nahuli ko rin siyang tumitingin sa'kin. Pero malay ko ba't baka nagkataon lang na napatingin siya.


"Edi lapitan mo para close kayo." Ngising pang-iinsulto ni Jay. Sarap talaga sapakin nang batang ito eh. Tumawa lang ako ng pagak sa kanya.


"Ikaw kaya lumapit tapos sapakin kita. Tanga nito malay mo eh napatingin lang yan dito. Teka, san ba yung driver? Ba't di pa sila hinatid sa lugar nila?" Palinga-linga ko habang hinahanap ang driver nang simbahan na si Manong Dan. Siya kasi ang maghahatid sa kanila pa-uwi sa kanilang destinasyon.

"Abah ewan. Nag-bibihis pa ata eh." Pa-irap na sagot ni Jay.



"Jai, Jai" tawag pansin sa'kin ni Jill.Napalingon naman ako sa kanya.

"Yes? Oh bakit? What's the problem?"Parang nanghahapo ito habang lumalapit sakin. San kayang marathon nanggaling ito.


"Pwede ba daw hingiin number mo?" tanong ni Jillsa'kin habang pinapakita sa'kin ang Cherry Mobile nyang cellphone.Napakunot ang noo ko. Sino naman kayang humingi ng numero ko?

"Ha? Nino?" nagtataka sako kung sino ang may gustong humingi nang cellphone number ko kaya nag-aalangan akong bumigay.


"Yung nasa labas na Youth oh, bibigay ko ba?" tinuro niya yung lalaking nahuli kong tumitingin sa'kin. Matangos ang ilong nito. Nasa mga limang talampakan ang taas at makakapal ang mga buhok niya . Hindi rin masyadong maputi pero may istura naman. Sa tanto kokay mahiyain ito kaya si Jill ang napag-utusang hingian nang number ko.

"Ah, eh." maang kong tanong. Sa loob ko ay parang kinikilig yata ako. Pero nagpapakipot pa rin ako, syempre pa hard to get ang dating hindi ba?


"Sabi sa'yo eh, may lihim na pagnanasa sa'yo yun. Kanina pa yan nakatingin tsaka kahit nung camp, pansin ko lagi nakatingin sa'yo yan." sabi ni Jay sa'kin habang sinisiko ako. Hindi ko maiwasang kiligin sa loob ko. Parang humaba yata ang buhok ko ng isang daang talampakan.

"Really? Di ko napansin eh. Hayaan mo na." pagpapanggap kong sagot.

(Jai's POV)

"Ba't ba lagi kasi nakatingin ang mokong na yun? Di ko alam name nun ah. Tsura kong to, baka pagtitripan lang ako nyan huh! Lagot ka talaga, pupugutan kita ng ulo.Teka, ba't ba ako nag-rereact na eh di ko pa nga kilala yan eh. Haha! Pero in fairness, wala sa mukha niya ang manloloko, chickboy, stalker, womanizer, nangangabit. Oh ano pa!"


"Oy!" sabay palo sa'kin ni Jill sa balikat ko.


"Aray! Kanina ka pa ha. Isa nalang talagang bata ka." Banta ko sa kay Jill habang iniirapan ko. Ang sakit niya talagang makahampas.

"Ano na naman minimuni mo dyan? Kanina pa kita kinakausap ha. Tinatawag ka nang driver oh." Napalingon akong bigla nang makita ko si manong Dan na kumakaway sa'kin. Pinapalapit niya yata ako, nasa sasakyan siya at ihahatid na sa kani-kanilang destinasyon ang ibang mga youth nang simbahan.


"Hoy, halika nga at may gusto makipagkilala sa'yo " Tawag sa'kin ni manong Dan. Mas lalo akong nahiyang lumapit.

"Sino naman?" sinigawan ko siya pabalik.


"Basta bilis lang kasi aalis na kami. Ihahatid ko na sila sa kanilang lugar." Sabi nang driver habang kinakaway ang kamay nito na nagsasabing lumapit ako sa kanila. Wala akong nagwa kundi lumapit kahit nahihiya ako.


"Sige, san siya? Palapitin mo alangan ako lalapit? Ano ako? Tanga?" taray kong sabi pero lumakad ako nang dahan-dahan. Hinila ko si Jill para may kasama ako kahit papaano.


Hindi ko alam pero alam kong nanginginig na ako sa kahihiyan. Ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng pagmumukha ko lalo na nung lumapit sakin ang lalaking gusto raw makipagkilala sakin.


"Hi, ako pala si Renz." Inabot nyas akin ang mga kamay niya. Nag-aalangan akong makipagkamay pero ayaw ko namang mapahiya siya kaya't nakipag-shake hands na rin ako.


"Hello, Jai pala." Abot ko sa kamay niya. Ramdam ko ang panlalamig ng kamay niya. Hindi ko maintindihan kung bakit pero alam kong iyon ang nararamdaman ko o baka naman siguro at ako lang ang nanlalamig.

"Alam ko, Jai." Kiming sagot niya habang pilit na ngumingiti sakin. Ngiting nahihiya.

"Ah, ba't mo alam? Stalker ka no? Hindi joke lang." tumawa ako ng pilit para man lang maibsan ng kahit kunti ang nararamdaman kong hiya sa mga taong nakatingin samin. Nilingon ko si Manong Dan, ngiting panunukso ang inuukol nito sakin.


"Ay, hindi ako stalker alam ko lang. Sa tagal nyo pumupunta sa lugar namin eh. Kaya alam ko na. Siya nga pala alis na rin kami, babye." Pamamaalam niya sakin matapos bitawan ang mga kamay ko. Ngumiti at tumango nalang rin ako sa kanya pagkatapos ay kumaway habang papasok na siya ng sasakyan para umuwi. Mga halos isang oras lang naman ang byahe papunta sa kanilang uuwian.


"Ingat kayo." Ani ko habang kumakaway. Naramdaman ko ang pag-igham ng mga kasamahan ko ng makalapit na ito sakin habang sumusunod ng tingin sa sasakyang papaalis na.

9�b��X

Crush Ako ng Crush Ko!Where stories live. Discover now