Chapter 3

270 19 4
                                    




Kinabukasan sa school. Nasagym kami nang kaibigan ko habang naka-upo sa bench at panay scan nang mga notes para sa quiz namin. Doon kami nagtatambay at nag-aaral kung vacant naminl. Pero paborito talaga naming tambayan doon kasi kadalasan eh doon namin nakikita palagi ang mga crush naming dumadaan. Pabasa-basa ako nang bigla akong napalingon kay Janine.


"Jan? Yung crush natin oh dumaan." Kalog ko sa kaibigan ko na siya namang napalingon din sa crush namin.

"San? Tara sundan natin?" nakangising sabi nang kaibigan ko habang nakangising lumingon sakin.


"Ganon? Obsess lang? Tumigil ka nga, may exam pa tayo no." Saway ko dito habang kinuha ang notes kong nalaglag sa kakaharutan naming dalawa.


"Eh ikaw naman kasi, kita mo nag-aaral tayo eh binigla mo ako. 'Yan tuloy nasira concentration ko at 'yung isip ko eh nasa crush na natin." Mapalanding sabi sakin nang kaibigan ko kaya natawa ako sa kanya.


Ganyan lang talaga kaming magkaibigan, pag-may crush ako ay nagkaka-crush din si Janine. Vice versa lang kami, sharing para fair.

"Hoy, wag na muna natin e-pressure ang mga minds natin sa mga crush natin. Focus muna tayo, baka sila lang maging dahilan ng ikakabagsak natin eh." Hampas ko sa balikt niya.


"Oo nga Tama ka Jan. Teka..." pigil nang pagsasalita kosakaibigan ko. Napalingon siya sa'kin na nagtatanong ang mga mata. Ngumiti ako sa kanya at taas baba ang mga kilay kong tumingin sa ibang direksyon.

"Oh ano tinitili mo dyan?" pagtatanong ni Janine sa'kin.


"Eh ayun pa yung isang crush natin oh. Ohmegash, ang cute niya talaga titigan mo nga, bilis!" kinalog-kalog ko ang kaibigan ko habang tinititigan ang pinaka-crush nito. Infairness, magaling din pumili nang crush si Janine, yung crush nang bayan talaga. Yung super gwapo pa. Minsan napipilitan nalang rin akong magka-crush sa crush niya kasi ayaw ko sa sobrang gwapo kasi nga ang daming kakompetinsya.


"Ay oo nga no teka nga ano bah wag ka nga jumigat muna ngayon ha. Close your eyes para maka-aral na tayo. Buti ka eh, kunting aral mo lang kuha mo na kaagad. Eh ako nito kelangan balik-balikan ko pa ang pagbabasa nitong mga putik na notes na 'to." Hinampas nito sa balikat ko ang notes na hawak-hawak niya.Kulang nalang ay pagpupunitin nito ang kanyang notebook para matapos na ang problema niya.

"Ay, wow! So pa-pipikitin mo ako para makapag-aral ako? Meron bang ganon, ha? Tanga nito." sabi ko sa kanya. Ano ba tong kaibigan ko nagiging baliw akong lalo pagkasama ko ito eh. Kahit may boyfriend naman ito eh nagkaka-crush at lumalandi pa rin.


"Eh ikaw kasi eh tumalikod nga tayo. Dito tayo humarap sa pader para di natin makita yang mga crush nating yan di tayo makapg-aral nito eh." Saway ni Janine sa'kin na nakanguso ang mga labi niya sabay tingin sa crush naming dumaan, si Stephen. Crush nang bayan ito at nanalo nang Mr. sa school namin.

"Oh sige na nga pero maganda kasi yang makita natin crush natin para ma-inspired tayo." Landi kong sabi sa kanya. Ako na naman ang nanunukso dito.


"Ah gusto mong ma-inspired? Magboyfriend ka na kaya?"
sabi ni Janine sa'kin na nangangantyaw ang mga ngiti nito. Nawala ang mga ngiti ko sa sinabi niya. Agad-agad eh magboboyfriend ako, sino naman? Wala namang nanliligaw sakin ah. Paano ako magkakaboyfriend nyan?


"Ayoko pa no kuntento na ako sa crush-crush lang."
reklamo ko sa kanya.


"Bigyan kaya kita ng boyfriend, ano gusto mo?"
nakatango at nakataas pa ang kilay nito sa'kin na parang nangangantyaw at hinahamon ako.


"Ayoko nga. Ganyan ba yan? Pinamimigay ang boyfriend? Oh! I can't believe it."
Pailing-ilingkong sabi habang nakunot ang nooko.

"Tumigil ka na nga, tumahimik ka na lang kaya. Pag di kapa tumahimik, papa-textmate kita sa cousin kong chickboy. Sige ka."
Banta nang kaibigan ko sa'kin kaya sinapo ko kaagad ang bibig ko. Ngumisi nang pagak sabay lingon sa kanya.


"Titigil na po!"


( Jai's POV)
Ano ba tong kaibigan ko mamimigay na nga ng boyfriend, yung chickboy pa. Gurabels kang klaseng kaibigan ha. Papahamak mo pa ako. Mabuti pang walang boyfriend kesa naman bibigyan ko, chickboy pa. Ilaglag ko sa dalampasigan iyang pinsan mo eh.

Crush Ako ng Crush Ko!Where stories live. Discover now