Finale.

158 11 2
                                    

#6. One Last Cry

Dandelions may not prosper, happiness may not be forever and springs may parch,  but Love will.

-Eit

- - - x

I cried for his name.

“James! ‘Di ka pwedeng mawala! James!!” I cried even more.

“Somebody! Please help me! Call an ambulance!” I looked at him and pain is evident on his face. “James, please fight, fight for me. Don’t worry, I won’t leave you, I will never neglect you anymore.” I hugged him and I can smell the blood in his body.

Dumating  ang ambulansya at kinuha ng mga medics ang katawan ni James.

“Nurse, sabihin niyo po sa akin na maliligtas niyo siya,” Pagmamakaawa ko.

 “Let’s just wait.”

“Let’s just wait?! ‘Yun lang ang masasabi niyo?! Ano? Hihintayin ko lang na mamatay siya?!!! Nurse rin ako! Please tell me kung magiging stable ba siya!” Alam kong ginagawa lang ng nurse ang trabaho niya at alam kong mali ang sigawan siya pero ‘di ko mapigilan dahil natatakot ako na baka tuluyan na akong iwanan ni James.

*huk!*huk!*huk!*

“El! El!” Tiningnan ko si Mae.

“Nabangga siya ng truck. Ang malas ko ‘no? Kung kailan nalaman ko ang buong katotohanan d’on pa siya mawawala. Mahal ko siya! Mahal na mahal! At kung kailan sasabihin ko na sa kanya saka pa siya nawala. Tell me Mae, masama ba talaga ako?” Tuloy tuloy na sabi ko habang umiiyak.

James, please don’t leave me.

*****

“Ella!” Napalingon ako sa gilid ko. Dumating na pala si Mama. Tinawagan kasi siya ni Tita Jena nung dumiretso ako sa hospital.

“Jena, I’m so sorry sa nangyari. Always remember that I’m your friend and you can always tell me your problem,” sabi ni Mama kay Tita Jena. Humarap ako ulit sa pintuan ng operating room dalawang oras na ang nakalipas simula nung ipasok si James sa operating room. Sa loob ng dalawang oras na ‘yun hindi ako umalis sa kinauupuan ko. Nangako ako sa kanya na hindi ko siya iiwan kaya tutuparin ko ‘yun.

Bahagya akong pumikit at nagdasal.

Lord alam kong pareho kaming nagkasala. Aaminin ko na nagalit ako sa kanya na sinisi ko sa kanya ang lahat ng sakit na naramdam ko. Lord I’m so sorry. Alam kong alam niyo po kung gaano siya kahalaga sa akin. Kayo ‘yung nandyan sa tabi sa tuwing umiiyak ako gabi-gabi. Alam niyo rin po ang paghihirap na naranasan namin pareho. Lord, I entrust to you everything. Alam kong mabubuhay siya. Alam kong bubuhayin niyo siya. Maarami pa po kaming hindi nagagawa. Hindi pa po ako nakahingi ng sorry at higit sa lahat hindi pa kami nakakapalipad ng red balloons... Lord.. Thank you. I love you...

Hinawakan ko ng mahigpit ang mga kamay ko at dahan-dahang tumulo ang luha ko. Pinipigilan kong umiyak dahil kailangan kong maging matatag para sa kanya. Kailangan ko lang magtiwala kay God. Tahimik akong humikbi at inalala ang bawat masasayang pangyayari naming dalawa.

“I love you, always and forever...”

“Walang iwanan kahit ano pa man ang mangyari...” “Pangako natin ‘yan sa isa’t-isa..”

“Alam kong masyado pang maaga pero... will you marry me?” “Sira ka talaga! Maghintay ka munang grumaduate ako ng nursing bago mo ‘yan tanungin..”

99 Red Balloons || Fin. ||Where stories live. Discover now