#2

177 5 2
                                    

#2. Acceptance

- - - x

“El! Dali na! May bago pa naman tayong classmate sa Foundation Studies,”

Naka-upo kasi ako sa may bench habang hinihintay ang text ni mama ng hilain ako ni Mae para daw pumunta na ng room.

“Ikaw talaga. Sumbong kita kay Ken..” pang-aasar ko sa kanya.

“> 3 < Hindi ko naman siya pinagtataksilan. Hihihi. Siya pa rin naman ang aking loves ‘eii.”

“HAHAHAHAHAHA! Tara na nga.”

Pagpasok namin sa room, naabutan ko ang mga classmate ko na nagpupulbo at naglalagay ng lipstick. Srsly?

“Talaga bang gwapo yang new student na sinasabi mo at todo effort ang classmates natin sa pagmemake-up?” tanong ko kay Mae na nakaupo na.

“Oo daw ‘eh. Why? Interested ka?” Ako? Interesatado? Malabo. Curious lang siguro.

“Just asking. Kailan ba tayo pupunta ng St. Bernard’s Hospital?” pag-iiba ko ng topic. ‘Di kasi ako makarelate.

“Next week yata,” Tagal naman. Excited na akong bisitahin ang mga bata sa hospital.

“Good Morning class. Mukhang alam niyo naman kung anong magandang balita ang sasabihin ko ‘di ba?” nagnod naman ang mga classmate ko. “May bago kayong magiging classmate sa subject na ‘to, he is an exchange student from Canada.. Please come in Mr. Yee,” Malabo. Nagkataon lang naman siguro. Tama. Masyado lang akong nag-oover think.

 Dahan dahang pumasok ang exchange student sa room namin. ‘Di ko siya gaanong makita kasi nasa likod ako at yung nasa harapan ko pa naman ‘eh 6’ footer. Hirap maging maliit.

“Psst. Mae, kita mo?” bulong ko kay Mae since magkatabi lang kami.

“Hindi ‘eh. Tangkad ko kasi!” Matangkad din kasi ang nasa harapan ni Mae kaya ‘di niya rin makita. Sayang naman. Curious ako kung sino ba yang si Mr. Yee.

“Ikaw?” tanong ni Mae.

“Hindi rin. 6’ footer kaya ‘tong sa harap ko..”

“Good Morning everyone. I am James Yee, exchange student from Canada.”

“El, kapangalan ng ex mo..”

Kaya pala. Kaya pala andito siya sa campus kahapon. Bakit ‘di ko nga ba naisip y’un? Tanga ko naman. Tiningan ko siya ng mabuti. Mula ulo hanggang paa. Siya nga, siyang siya nga. Bakit sa lahat ng pwedeng mangyari ito pa? Pinaglalaruan mo ba ako Tadhana?

“Huyy El. Okay ka lang? Natimang ka?” Tanong ni Mae habang kinukublit ako.

“Ms. Fernandez, why are you standing?” Hala! Nakatayo na pala ako. Nakakahiya naman.

“Sorry po. Magc-cr lang po sana ako.” palusot ko.

“Ahh gan’on ba. You may go.”

 Habang paalis ako ng room napansin kong sinundan ako ng tingin ni James. Baka guni-guni ko lang. Dali dali akong pumunta ng C.R., naghilamos ako at nagsuklay saglit. Naman. Sa lahat ng pwedeng mangyari? Bakit ito pa? Pinipilit ko na ngang magmove-on ‘di ba? At isa pa kakaiyak ko lang kagabi. Tadhana hindi ka na ba naawa sa akin? Nagdecide akong lumabas na ng C.R. medyo matagal na akong nasa loob ‘eh.

“Ellice..”

Speechless. Saglit na huminto ang pagtakbo ng oras.

“Sorry, may klase pa tayo.” Agad kong kinuha ang braso ko mula sa pagkakahawak niya at tumakbo papasok ng room.

Pumunta agad ako sa upuan ko at umupo.

“El, haggard ‘ah? What happened?” tanong ni Mae.

Sinubsob ko ang mukha ko sa upuan at tahimik na umiyak. Mabuti na lang at nasa likod ako. Salamat, kuyang 6’ footer at hindi ako nahalata ng prof ko.

-*-*-*-*-*-

Pagkatapos ng klase ko agad akong hinila ni Mae papuntang C.R. sa may third floor.

“Ilabas mo lang..” Sabi ni Mae habang yakap yakap ako.

Hindi ko na napigilan pa ang mga luha ko. Bumalik kasi bigla ang sakit.

“Bakit? Bakit bumalik ka pa? Kung kailan naman sinubukan kong magmove-on saka ka pa nagpakita sa akin! Ano bang gusto mo hah? Ang makita kung gaano ako ka-miserable simula nung iniwan mo ako?! HOY PARA SABIHIN KO SAYO JAMES YEE ISA KANG WALANG KWENTANG LALAKE!! WALANG KWENTANG LALAKE NA MINAHAL KO NG SOBRA SOBRA KAYA KAHIT FOUR YEARS NA ANG NAKALIPAS ‘DI KO PA RIN MAGAWANG KALIMUTAN ANG SAKIT!!!” 

Nagmukha na akong baliw sa kakasigaw ko. Halos inangkin ko na nga ang buong comfort room dahil sa pagdadrama ko. Mahigit isang oras din kami ni Mae sa C.R., mabuti na nga lang at wala kaming klase sa hapon. Absent daw ang prof namin.

“Insan, oh!” Kinuha ko ang yogurt  na bigay sa akin ni Ken, pinsan ko at boyfriend ni Mae. Mabuti pa sila, almost three years na rin ang dalawang yan. Going strong.

“Salamat Insan!” Sabay kain ng yogurt.

Mukha na akong zombie. Kulang na nga sa tulog tapos mugto pa ang mata ko kakaiyak. Mabuti na lang at dinala ako ni Mae sa soccer field para gumaan ang loob ko. Hindi ko maiwasang mag-isip kung bakit niya ako sinundan at hinintay sa labas ng comfort room.

Alam niya bang dito ako nag-aaral? Bumalik ba siya para mag-sorry sa akin? Hindi ko alam na nursing din pala ang course niya. Makalipas ang apat na taon nagkita na ulit kami sa ‘di ko inaasahang pagkakataon. Tadhana nga naman.  Aaminin ko, pilit kong hinanda ang sarili ko sa sitwasyon na ‘to kaso kahit apat na taon na ang nakalipas ‘eh hindi pa rin ako handa. Kitang-kita naman kanina hindi ba? Hindi ko siya nagawang sumbatan kasi bigla akong pinanghinaan ng loob. Hayy.

“Space out ka na naman.” Nag-aalalang saad ni Mae sa akin umupo siya sa tabi ko.

“Nag-iisip lang.  Four years din bago kami magkita,” Pinilit kong ngumiti. Tiningnan ko na lang ang mga estudyante na naglalaro ng soccer. Ang buhay nga naman parang bola. Hindi mo mahuhulaan ang bawat mangyayari kaya dapat maging handa ka sa lahat. Dapat handa kang umiyak, tumawa at higit sa lahat masaktan.

“Tibay mo rin El. Siguro kung ako ang nasa kalagayan mo naging bitter na ako at siguro kung ako yung nasa sitwasyon mo kanina malamang nasampal ko na ng bonggang bongga yang si James!”

“Wala rin namang silbi kung magiging bitter ako. Bakit kapag naging bitter ba ako at kamuhian ko siya, babalik pa siya sa piling ko? Mamahalin niya ba ako ulit? Masasayang lang ang galit ko.” Mahinahong sagot ko.

“Kyaahh~ Ikaw na talaga El! Ang bait mo talaga!” Niyakap ako ni Mae. Maswerte talaga si Insan sa kanya.

“Itong tatandaan mo, kapag pina-iyak ka ulit niyang si James sisirain ko talaga ang gwapo niyang mukha. PROMISE!” Dagdag ni Mae na naka-pinky promise pa ang kamay.

“Thank you Mae.”

Tatanggapin ko na lang ang lahat. Pagod na rin kasi akong umiyak at masaktan. Alam kong hindi gan'on kadali ang makalimot sa sakit pero okay lang, gagawin ko ang lahat. Makamove-on lang. Tanggap kong hindi ka na babalik pa sa akin.

If it's meant to be it will be.. 

99 Red Balloons || Fin. ||Where stories live. Discover now