#1

448 9 0
                                    

#1. The Way I Loved You

- - - x

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Totoo nga ba ang lahat ng ito? Hindi ba ito gawa ng imahinasyon ko? O baka naman naghahallucinate na ako sa sobrang stress?

“Mae.. Pakisampal nga ako,” utos ko sa kaibigan ko.

PAKK!

“Ouch! Sakit ‘ah!” –ako

“Ikaw kaya ang nagsabi na sampalin kita. Teka, bakit ka nga ba nagpapasampal ‘ah?” tanong niya sa akin.

Bumalik ang tingin ko taong y’on. Siya nga ba yan? Baka naman nagkakamali lang ako. Pero iba talaga ‘eh. Malakas ang pakiramdam ko na siya y’an. Nagbalik na nga ba siya? Apat na taon.. apat na taon ko siyang hindi nakita o nakausap.

Bigla akong natauhan ng napansin kong haharap na siya sa direksyon ko kaya naman agad kong hinila si Mae para makapagtago.

“Phew! Bakit mo ba ako hinatak agad?” –Mae

“S-si J-james...” Napahawak ako ng mahigpit sa aking dibdib. Sa pagkakataong ito, sigurado na ako dahil nasulyapan ko ang bracelet na binigay ko sa kanya apat na tao ng nakalipas.

Kasabay ng pagpatak ng ulan ay ang pagpatak ng mga luha ko. Bakit? Bakit nagbalik ka pa? Kung kailan tanggap ko na ang lahat.

“Uii.. El, tahan na.  Kung siya man si James na nangiwan sayo noon, hayaan mo uupakan natin y’un. Kaya tahan na..” pagkocomfort sa akin ni Mae.

Patuloy pa rin si Mae sa paghagod ng likod ko. Mabuti na lang at walang tao dito sa cafeteria dahil maulan. Hindi ko nga alam kung gaano ako katagal umiyak, basta na lang huminto ang pagtulo ng mga luha ko. Siguro kahit mismo ang mga mata ko napagod na sa kakaiyak. Sa apat na taon, wala ako ginawa kundi umiyak ng palihim gabi-gabi.

“Ano? Okay ka na?”

Nginitian ko si Mae. Ayaw ko naman na madamay pa siya sa kalungkutan ko.

“Oo, okay na ako. Maraming salamat ‘ah! Siguro kung wala ka, hindi ko alam kung anong gagawin ko..”

Niyakap lang ako ni Mae. Napakaswerte ko at nagkaroon ako ng kaibigan na tulad niya.

“Sus! Wala y’on. ‘Wag kang mag-alala, kapag nakita ko ang manlolokong y’un, nako! Malalagot siya sa akin ng bonggang bonga!”

“HAHAHAHAHA! Thanks ‘ah!”

Pag-uwi ko ng bahay sumalubong agad sa akin si Mama.

“Mano po ma,” Tiningnan ko ang bitbit na kahon ni mama. Mga lumang gamit namin ng kapatid ko. Idodonate yata sa mga bata na nasalanta ng bagyo.

“El, kailangan mo pa ba ‘to? Kasi kung hindi idodonate ko na ‘to, nasa cabinet mo lang ‘to ‘eh..”

Parang gusto na ulit tumulo ng mga luha ko.

PLEASE. ‘Wag ngayon. Ayaw kong makita ni mama na nasasaktan ako. Ginamit ko na ang buong lakas ko para magsalita.

“Aahh Ma, ano.. sayang naman po pag tinapon niyo ‘to. Kukunin ko na lang po,” Kahit hindi ko kaya, pinilit ko. Kinuha ko si Bimbi, ang higanteng teddy bear na bigay ni James. Ang baby daw namin. <///3

Aakyat na sana ako ng hagdan para pumasok sa kwarto ko kaso tinapik ni mama ang balikat ko. “Nak, minsan kailangan mo ring makalimot para mawala ang sakit dito,” Sabay turo sa dibdib niya.

Kahit kailan talaga kilalang-kilala ako ni mama. Alam na alam niya kung may problema ako o dinaramdam. Nagpapasalamat ako sa Diyos at mayroon akong mama na tulad niya.

Pumasok na ako sa kwarto. Dumiretso ako sa kama at umupo. Ayaw ko man magpaka-emo pero hindi ko maiwasan. Normal lang naman kasi ‘to ‘di ba? Mas mabuting pang iiyak ko ‘to kesa maging bitter. Mas okay na ‘to. Kinuha ko ang picture namin ni James sa dresser ko. Ang saya namin dito sa picture na ‘to. Malinaw pa rin sa akin ang mga alaala naming dalawa..

~ FLASHBACK ~

“Walang iwanan ha? Kahit anong mangyari, tayo pa rin sa isa’t isa.” Sabi ni James habang nakayakap sa akin mula sa likod.

“Hindi ba masyado pang maaga para diyan? Third year pa lang kaya tayo tapos yan na agad ang iniisip natin,” Humarap ako sa kanya at tiningnan siya sa mata.

“Wala akong pakialam. Basta, for better or for worst, tayo pa rin. Walang iwanan.” Mariing sabi niya sabay yakap ng mahigpit.

“Sabi mo ‘eh. Dapat tuparin mo ‘yan ‘ah. Walang iwanan. I love you.” Hiniwakan ko ang pisngi niya. HAHAHA! Ang cute talaga ng boyfriend ko este gwapo.

“I love you, forever and always.” Sabi niya at hinalikan niya ako sa cheeks.

May usapan kasi kami na wala munang kiss sa lips kasi gusto ko na ang first kiss ko ay sa simbahan at sa lalaking mapapangasawa ko. Sana nga siya na.

“Hoy! Kayong lovebirds d’yan, tama na ang PDA! Mag-uumpisa na ang klase!”

“Istorbo ka talaga Tey!”

“Tara na kasi! Kulit ‘eh..” At hinila ko na siya papuntang classroom. Instant holding hands agad. Para-paraan. :”””>

~ END OF FLASHBACK ~

Naaalala ko pa ang sakit ng nakaraan. Naging okay naman ang lahat hanggang sa mag-fourth year kami. Lumipat kasi ng school si James at sa malayong lugar. Noong una, okay lang naman. May communication at dumadalaw din siya sa school at madalas pa nga ‘eh nagvivideo chat kami. Kaso makalipas ang ilang buwan, nawala bigla ang communication namin sa isa’t-isa. Walang tawagan, video chat o kahit isang text man lang. Nakita ko na lang ang relationship status niya sa FB, SINGLE. </3 Ouch. Wala ngang closure na nangyari ‘eh.

Plip. Plop. Plip. Plop.

Sa bawat pagpatak ng ulan sa tapat ng bintana ko, unti-unting pumapatak ang mga luha ko. Nasaan na? Ang pangako natin sa isa’t-isa? Nasaan na ang forever and always? Bakit mo ako iniwan ng walang paalam? May nahanap ka na bang iba? Sana man lang nagpaalam ka sa akin hindi yung iniwan mo lang ako sa ere..

T^T~

-*-*-*-*-

Eit's NOTE:

Gusto mo magpaka-emo kaya ito ang outcome result. Isang madramang story. HAHAHAXD! Short story lang 'to.. ^O^v Mga Five chapters lang siguro. Nainspired bigla sa kanta ni Taylor Swift 'eh. Yung mga characters nga pala is based on real life. Hehehe~

Support pwede? JK. Basta based on real life ang story. Sana magutuhan niyo. Walang permanent date kung kelan ako mag-uupdate dito pero estimated is every two days. Estimated lang.

PLEASE SUPPORT and COMMENT.

:)) #GodSpeed <3

99 Red Balloons || Fin. ||Where stories live. Discover now