#5

135 5 0
                                    

#5. Uncertainty

- - -x

“El, ‘wag mong kalimutan dumaan sa grocery ‘ah. Wala na kasi tayog stock ng instant noodles, tag-ulan pa naman ngayon..”

“Sige po Ma. Alis na po ako!”

Pumunta na ako sa may sakayan ng tricycle sa subdivision namin. Umupo muna ako saglit sa may wooden bench, umuulan kasi kaya konti lang ang namamasada na tricycle ngayon. Habang naghihintay, biglang tumunog ang cellphone ko.

Beep!

From: Mae

Girl, absent ka 2day? Miss you na!:**

Umabsent kasi ako ngayon. Kung iniisip niyo na affected ako sa nangyari sa amin kahapon ni James, OO. Tama kayo. Bigla kasi akong nakonsensya kagabi ‘eh. Nasobrahan naman yata yung panunumbat ko sa kanya. Kahit naman kasi iniwan niya ako at sinaktan, ‘di ko pa rin maipagkakaila na naging best friend ko siya bago naging kami. Kaso, ayon! Nasayang tuloy ang friendship.

“Papuntang **** Mall! Sinong sasakay?!”

Sumakay na ako agad sa tricycle. Malapit lang naman kasi ang **** Mall sa subdivision namin. Pwede ngang lakarin ‘eh kaso umuulan kaya nagtricycle na lang ako. Nang maayos na akong nakaupo, tinext ko na si Mae. Baka magtampo ‘yun.

To: Mae

Yupp. :””> Miss you too!

Mga 10 minutes din bago ako nakarating sa mall. Pagdating ko dumiretso ako agad sa National BookStore, hindi ko kasi nabili yung libro na bibilhin ko nung isang araw. Tumingin tingin muna ako sa mga shelf, baka kasi may magustuhan akong libro. Nung medyo napagod na akom pumunta na ako sa may bandang dulo. Nakita ko naman agad ang librong gusto kong bilhin kaya agad na akong pumunta ng counter para bayaran.

Pagkatapos ko sa National BookStore, dumaan muna ako saglit sa DQ. Umorder ako ng Oreo blizzard yung pinakamalaki. Habang hinihintay ang order ko, umupo muna ako at pinagmasdan na lang ang mga tao.

“Miss El! Oreo blizzard!” Sabi nung.. waiter ba tawag sa kanila? Ewan. Basta kinuha  ko na lang agad. Habang kumakain, patingin-tingin lang ako sa mga tao ng makita ko si Tita Jena na palabas ng Bo’s Coffee. Gustuhin ko man siyang lapitan at kumustahin kaso naunahan ako ng hiya. Baka kasi hindi niya na ako nakikilala. Nagpatuloy na lang ako sa pagkain ng blizzard.

“One Oreo ice cream cake please. Take out..”

Kung hindi ako nagkakamali boses ‘yun ni Tita Jena. Sa kakaconcentrate kong kumain, hindi ko man lang napansin na nasa DQ na pala si Tita.

“El! I’m so glad to see you!” Niyakap ako ni Tita. Syempre shock ako kasi naaalala pa pala niya ako. Four years din kaya kaming hindi nagkita.

“Ako rin po Tita. Kumusta po?” Tanong ko.

“Well, still young isn’t? Hehehe! Just kidding...” Kahit kailan talaga ang gaan ng loob kay Tita.

“Maganda pa rin po kayo, Hehehe..” sagot ko.

“So, how’s Ella? Sa same company pa rin ba siya nagwowork ngayon? Tagal na pala naming hindi nagbonding.” Medyo close kasi si Mama at Tita Jena kaya hindi na ako nagtataka na kumustahin ni Tita si Mama.

“Okay naman po. Lumipat po si Mama ng company two years ago pero same boss pa rin naman.” Nailang naman ako bigla kay Tita Jena.

“Nagkita na ba kayo ni James?” Nagulat ako sa tanong ni  Tita Jena, kanina ko pag pinagdarasal na sana hindi namin mapag-usapan si James kayo mukhang malayo.

“Hindi pa po,” Mas pinili kong magsinungaling, alam kong masama pero ‘pag sinabi ko kasing nagkita kami baka tanungin pa ni Tita Jena kung paano kami nagkita. Mas mahirap naman ‘yun. Isa pa alam naman ni tita na break na kami.

“How sad. Simula kasi ng dumating kami ni James dito last month gusto ka na niya agad puntahan kaso he needs to attend his medical check-up and all..” ANO?!

“Po? Medical check-up?” Naguguluhang tanong ko kay Tita Jena at halata sa kanya ang pagkagulat sa tanong ko.

“You don’t know? Oh my gosh!” Bigla akong nakaramdam ng takot at kaba.

“Tita Jena please tell me, para saan ang check up ni James?”

“Four years ago, we left this city dahil sa work ng dad ni James. But one day, tumawag na lang ang school ni James at sinabing sinugod siya sa hospital. All we thought is baka nakipagbugbugan lang si James or something but naschock kami ng Tito Joven mo ng sinabi sa amin ng doctor na may butas ang heart ni James. At that time we don’t know what to do at ng magising si James, we talked to him and confide to him ang tunay niyang kalagayan.” Napatigil si Tita Jena saglit at huminga ng malalim.

“We decided to go abroad for his operation and look for his donor, before he left he badly wants to see you but he can’t dahil ayaw ka daw niya paasahin. Alam namin na 50-50 ang magiging result ng operation. Pwede siyang mabuhay or worst pwede siyang mamatay and with God’s help the operation went successful. Pero ‘di pa nagtatapos ang lahat d’yan. Though, okay na ang heart ni James, hindi pa rin namin masasabi na fully recovered na siya that is why he had undergone 3 years of therapies and medications..”

Parang sa isang saglit tumigil ang takbo ng oras pati na rin ng isip ko. Information overload. Hindi maabsorb ng utak ko ang lahat ng pangyayari. All these years.. ang akala ko ay iniwan niya lang ako sa ere pero ‘yun pala he was suffering. Hindi man lang ako gumawa ng paraan para makausap siya. Napakasama ko. Nagalit ako sa kanya at ang masakit ay ang pagsumbat ko sa kanya ng mga masasakit na salita. TT____TT~ Lahat, lahat ng ginawa niya ay para rin sa akin, kahit sa huling pagkakataon inisip pa rin niya ako.

“El, why are you crying?” Napatakip ako ng mukha ko at nagsimulang humagulgol.

“Tita, I’m sorry. I’m really sorry. I didn’t know the real story, he never told me about his condition. All I thought is iniwan niya ako four years ago pero isa ‘yung napakalaking pagkakamali. He was suffering pero wala ako sa tabi niya! At nung bumalik siya, I neglected him. Hindi lang ‘yun tita, sinumbatan ko pa siya. Tita Jena, I am so sorry, hindi ko po sinasadyang masaktan ang anak niyo.” With that, I cried harder.

Lumapit si Tita Jena sa akin at niyakap ako. “El, it’s not your fault. It was never your fault. So don’t blame yourself okay? It was his decision, you know him naman ‘di ba? Ayaw niyang masaktan ang taong mahal niya.”

James, I’m sorry. I’m really sorry.

“Tita Jena, where is he now?” tanong ko.

“I think nasa university siya ngayon.” Niyakap ko si Tita Jena and thanked her.

**

Pagkababa na pagkababa ko ng taxi agad akong tumawid para hanapin si James. And with God’s help sakto naman na nakita ko si James na tatawid papunta sa direksyon ko.

“JAMES YEE!” I shouted at the top of my  lungs.

PPPPRRRRRRRRRRTTTTTTTTTTT!

Iiiiiiikkkkkk!

“JAMESSSSSS!!!!”

99 Red Balloons || Fin. ||Where stories live. Discover now