Day 41

5K 169 8
                                    

Nasa ganun silang pag uusap nang biglang naramdaman nilang parang may taong nanunuod sa kanila. Nang lingunin nila ito ay nakita nila si Cy na nakatingin sa kanilang dalawa

" Cy? " sambit ni Jema

" Jem...pinapasundo ka sakin ni Pa- ng Papa mo " mahinang wika ni Cy

" Bakit? Kaya ko naman pumuntang mag isa " balewalang sagot ni Jema

Nang biglang mag ring ang cellphone ng lalake

" Hello " sagot ni Cy sa kabilang linya

" Opo "

" Jem gusto ka kausapin ng Papa mo " at iniabot ang cellphone nya sa babae

Napatingin muna si Jema kay Deanna bago nito kinuha ang cellphone ni Cy para kausapin ang Ama

Lumayo si Jema sa dalawa para makausap ang Ama

Walang may gustong magsalita kina Cy at Deanna. Hanggang sa nakabalik na si Jema

" Sige po Papa " rinig ni Deanna

Pagkatapos makausap ang Ama ay binalik nya ang cellphone sa lalake

" Hubs " nag aalalang wika ni Jema

Mukhang alam na ni Deanna ang sasabihin ng asawa

" Okay lang " at pilit na ngumiti

Ngumiti si Jema at lumapit sa asawa

" Call me pag tapos na yung celebration ha? Wag iinom " malambing na saad ni Jema

Tumango si Deanna bilang sagot, bago umalis si Jema ay hinalikan muna nito sa labi ang asawa na ikinaiwas naman ng tingin ni Cy

Pagkatapos umalis ng dalawa ay sumakay na rin si Deanna sa loob ng kotse nya at nag drive papuntang restaurant kung san gaganapin ang celebration ng team

-

Nakailang miscalls na si Jema pero hindi pa rin ito sinasagot ng kanyang asawa, Hindi sya nakatulog ng maayos kagabi, naiisip nya ang malungkot na mukha ni Deanna. Kaya heto ngayon Hindi nya tinigilan ang pagtawag sa asawa, tanghali na pero wala pa rin syang natatanggap na sagot mula kay Deanna, dahilan para mag alala sya

Hindi nya rin matawagan ang ibang teammates nito kasi nahihiya sya lalo nat kakabati lang ng mga ito after kahapon matapos manalo

" Nasan kna ba hubs " sa isip ni Jema

Nang biglang bumukas ang pintuan ng kanyang kwarto

" Buti gising kna, halika kumain na tayo " wika ng Mama nya

" Ma mamaya na po " sagot ni Jema

" Masama sa buntis ang nalilipasan ng gutom kaya halika kna " pilit pa ng kanyang ina

Walang nagawa si Jema kundi sumunod, naabutan nya ang Ama sa lamesa na kumakain na

Umupo si Jema sa tabi ng Ina at nagsimula ng kumain

Habang kumakain napansin nya na parang may kulang

" Ma nasan po si Mafe? " tanong ni Jema

" Ngayon mo lang napansin na wala ang kapatid mo " malamig na wika na kanyang Ama

" Ano pong ibig sabihin nyo? " takang tanong ni Jema

" Jema kumain kna " wika ng Ina nya

" At ikaw naman ang aga aga nagsisimula ka na naman " saway nya sa asawa

" Pagsabihan mo yang ang anak mo, hindi lang si Deanna ang dapat na atupagin nya may pamilya sya... Tayo " galit na wika ng matanda

Be Nice to The Setter, The Queen is Pregnant -Book IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon