Day 22

7.8K 246 30
                                    

" Good Evening po " bati ni Deanna pagkabukas ng Ama ni Jema ng pinto

" akala ko sumuko ka na " walang emosyong wika ng matanda

" Papa naman " saway ni Jema sa Ama

Pilit na ngumiti si Deanna bago magalang na sumagot

" Late na po kasi natapos training namin "

" Sige umpisahan mo na maglinis, unahin mo ang sa kusina, at Jema ikaw na bahala sa asawa mo kung may kailangan kayo katukin mo lang ako sa kwarto " pagkasabi ng matanda ay umalis na ito sa harapan nina Jema at Deanna

" wifewife "

Agad niyakap nya ang asawa at hinalikan ito sa labi, ganun din ang ginawa niya sa tyan ni Jema hinalikan niya ito ng tatlong beses

" Hindi ka ba muna magpapahinga? " tanong nito kay Deanna matapos ito kumawala sa pagyakap sa kanya at naglakad na papuntang kusina

" kailangan ko matapos agad to wifewife " sagot ni Deanna

" magpalit ka muna ng damit mo "

" sandali kukuha lang ako ng pamalit sa kwarto " at umalis na si Jema

Samantalang si Deanna ay hinubad na ang suot na damit, at naiwan ang suot nyang sports bra. Pagkarating ni Jema ay hindi niya muna pinasuot ang dalang damit sa asawa, pinahiran muna niya ang pawisang likod ni Deanna bago niya ito pinasuot ng damit.

" sa ulit wag kang pupunta dito ng hindi ka pa nagpapalit ng damit, magkakasakit ka nyan ehh " sermon ni Jema sa asawa

" Opo Madam" natatawang sagot ni Deanna

Inirapan naman sya ni Jema

" sige na umupo kna dyan hayaan mo na ako dito magtrabaho " utos niya sa asawa

At nagsimula ng maglinis si Deanna ng kusina, inumpisahan niyang linisin ang lagayan ng pinggan, pagkatapos niyang linisin yun ay sinunod nya ang cabinet at ang mga maruming kaldero na nasa sink

Nakaupo lang si Jema habang pinanunod na naglilinis ang asawa

" hubhub " tawag niya sa asawa

" hmmm "

" alam ko wala ako sa lugar para mag demand sayo ngayon dahil alam ko namang pagod ka na " malumanay na wika ni Jema

" alam ko yun wifewife " nakangiting tugon ni Deanna

" alam mo na? " gulat na tanong ni Jema

" Oo, kahit busy naman ako at pagod hindi ko yun nakalimutan, tapusin ko muna to okay?  tapos ipapalam kita sa Papa mo " malambing na wika ni Deanna

" san tayo pupunta? " takang tanong ni Jema

" basta " sagot na lang ni Deanna

Pagkatapos linisin ang sink at hugasan ang mga natitirang pinggan ay nag mop pa ito ng sahig. Nang matapos na niyang linisin ang lahat ng madumi sa kusina ay umakyat sila sa kwarto ng Parents ni Jema

Kinatok ni Deanna ang kwarto ng magulang ng asawa. Ang Papa ni Jema ang nagbukas ng pinto

" Oh? may kailangan ka? " tanong ng Papa niya

" tapos na po si Deanna maglinis ng kusina Papa  " sagot ni Jema

" Ganun ba? Eh di pwede na syang umuwi " sagot naman ng matanda

Be Nice to The Setter, The Queen is Pregnant -Book IIDär berättelser lever. Upptäck nu