Day 37

5.9K 225 19
                                    

Laguna

Nakapasok sa loob ng bahay ng mga Galanza si Deanna dahil kay Charlene. at ngaun habang kumakain sila ay biglang nagsalita ang bata

" Gusto ko po bilhin ang bahay nyo.. ang ganda po kasi.. gusto kong tumira dito " nakangiting wika ni Charlene

Nabulunan si Deanna sa sinabi ng bata at nag alangang napatingin kay Jema

" Ano bang sinasabi mong bata ka, pwede ka namang dumalaw dito bukas ang bahay namin para sayo.. hindi mo kailangan bilhin" natutuwang wika ng Mama ni Jema, giliw na giliw sya kay Charlene kasi sobrang gandang bata

" 5 million pesos po, okay na po ba yun? " tanong ni Charlene na hindi nabubura ang ngiti sa mukha

Napatingin silang lahat kay Charlene

" 10 million? " inosenteng tanong ni Charlene

Napayuko si Deanna sa sinabi ni Charlene, nang biglang naramdaman nya na may sumipa sa paa nya, nag angat sya ng tingin at nakita nya si Jema na sumesenyas sa gawi ni Charlene

" Iha hindi magandang biro nyan, nasa harapan tayo ng pagkain " seryosong wika ng Papa ni Jema

" Hindi naman po ako nagbibiro Tito, sa katunayan po may dala po akong cheque book " kukuhanin nya na sana ang sinasabi nyang checque book

Nang bigla syang hinila patayo ni Deanna

" Sandali lang po kakausapin ko lang sya " at mabilis lumayo sa pamilya ni Jema

" Anong ginagawa mo? " tanong ni Deanna nang makapasok na sila sa banyo

" Binibili ko ang bahay nila " sagot ni Charlene

" Akala ko ba tutulungan mo ako? " tanong ni Deanna

" Tinutulungan na nga kita Ate " kaswal na sagot nya

" Mas lalong iinit ang ulo sakin ng Papa ni Margarett dahil sa gagawin mo " nag aalalang wika ni Deanna

Hinawakan ni Charlene ang balikat ni Deanna para pakalmahin

" Ganito po kasi yun, pag binili ko tong bahay nila wala na silang titirhan, then I will try to convince them na sa Manila na tumira para makasama nila si Mafe at Ikaw naman para makasama mo asawa mo " paliwanag ni Charlene

Napa isip naman si Deanna sa sinabi ng babaeng nasa harapan nya ngaun

" Mas madali para sayo makita ang mag ina mo Ate pag sa Manila na tumira ang pamilya ng asawa mo " dagdag pa ni Charlene

Nang biglang bumukas ang pinto ng banyo at naabutan sila ni Jema sa ganoon posisyon.. agad lumayo si Deanna at inalis naman ni Charlene ang kamay nya na nakahawak sa balikat ni Deanna

" Tapusin nyo daw yung pagkain nyo dun sabi ni Papa " at tinalikuran silang dalawa

Sumunod naman silang dalawa at umupo sa harap ng lamesa

" Ano nga ulit ang sinabi mo iha? " tanong ng Mama ni Jema

" Mama " tawag ni Jema sa ina

Sabay silang lahat napatingin kay Jema. Nakita nilang umiling ito pero hindi nila pinagtuunan ng pansin

" Gusto ko pong bilhin ang bahay nyo " nakangiting sagot ni Charlene

" Bakit gusto mong bilhin? " Boses ng Ama ni Jema

" Gusto ko po kasi magkaroon ng bahay dito sa laguna " pagsisinungaling ni Charlene

Be Nice to The Setter, The Queen is Pregnant -Book IIWhere stories live. Discover now