Day 6

10.5K 240 16
                                    

Nasa labas ng apartment si Mafe para magtapon ng basura nang makita niya si Deanna

" kanina ka pa dito sa labas? " tanong ni Mafe

" hindi naman masyado "sagot ni Deanna

" bakit hindi ka kumatok? o pumasok na lang sa loob may susi ka naman ng pinto " wika ni Mafe at iniwan ang basurang bitbit niya sa gilid ng kanilang apartment kasi bukas kukunin naman ito ng garbage collector

" Si Margarett? " tanong ni Deanna

" nasa kwarto niya " sagot ni Mafe

" kumain na ba siya? "

" Oo kanina pagdating ko, teka kahapon pla pinapunta ka dito pero bakit ngayon ka lang pumunta? " usisa ni Mafe

" she's mad at me, ayokong salubungin ang galit niya. magsasagutan lang kami pag pumunta pa ako dito kahapon " dahilan ni Deanna

Sabay pumasok sila sa loob ng Apartment. Imbes na umakyat sa taas ay sinundan ni Deanna si Mafe sa kitchen na nagsisimula ng maghugas ng pinggan

" Oh bat nakasunod kpa rin sakin? puntahan mo na asawa mo dun " pagtaboy ni Mafe sa kanya

" Eiii... samahan mo ako " parang batang wika ni Deanna

" ang lakas mong tampororot kahapon, tapos ikaw rin pala ang unang titiklop " sermon sa kanya ni Mafe

" kahapon mo pa ako sinesermonan, sayo pa lang ang dami ko ng naririnig what more kung kay Margarett pa? " nakangusong reklamo ni Deanna

" dun mas matakot ka, iba magalit yung asawa mo ehh, sakin warm up pa lang to sa kanya tlagang may kalalagyan ka " banta pa ni Mafe

" Tulungan mo na kasi ako " ungot niya dito

Naglakad si Mafe at umakyat sa hagdan nakasunod naman sa likod niya si Deanna

Kumatok si Mafe sa labas ng pintuan ni Jema

" Nagpapahinga ako Mafe " sagot ng babaeng nasa loob ng kwarto

" Nandito ang asawa mo, ano gusto mong gawin ko sa kanya? " pagbibiro ni Mafe

Pinandilatan sya ng mata ni Deanna, pero pinagtawanan lang naman siya nito

Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ni Jema

Napatakip ng kanyang mukha si Deanna nang magkasalubong ang tingin nilang dalawa ni Jema

" ano ba yan Kuya Ate para kang bata na ayaw ipakita ang mukha sa magulang niya " natatawang wika ni Mafe

" Sige na Mafe, iwanan mo na kami dito " nasa boses ni Jema ang pagiging seryoso

Kaya mas kinabahan si Deanna

" Uy! Andyan na ang Reyna mo ayusin mo ang isasagot mo ha" asar ni Mafe sa kanya

Nang makaalis na ang kapatid ay itinuon naman ni Jema ang tingin sa babaeng nakayuko habang nakatakip ang dalawang kamay sa kanyang mukha

" Bakit ka nandito? " malamig na tanong ni Jema

" Ehhh... kasi... " kinakabahang sagot ni Deanna

" Ganyan ka ba makipag usap sa asawa mo? tanggalin mo nga yang kamay mo sa mukha mo " at hinawakan ang kamay ni Deanna

" Ganito na lang kasi " umiwas naman ito sa asawa

" anong ganito na lang? " kunot noong tanong ni Jema

Be Nice to The Setter, The Queen is Pregnant -Book IIWhere stories live. Discover now