Day 2

13.1K 276 34
                                    

Inalalayan ni Deanna si Jema papasok ng kotse, bago siya umupo sa driver seat. Pero bago pa niya paandarin ang sasakyan ay hinawakan sya sa kamay ni Jema, kaya napatingin tuloy si Deanna sa kasama.

" kanina ka pa hindi nagsasalita dyan " puna ni Jema dito

Imbes na sumagot ay nakatingin lang ito sa kanya

" Hubs " tawag pa ni Jema pa sa asawa

" may sinasabi ka? " wala sa sariling tanong ni Deanna

" okay ka lang ba? " nag aalalang tanong ni Jema

" Uhmmm... O-oo naman " d kumportable nyang sagot at pilit na ngumiti

" parang hindi naman, simula ng sinabi sayo ng doctor na buntis ako hindi ka na nagsasalita... natahimik ka na.. "

" hindi ka ba masaya? " pag usisa ni Jema

" Ano ka ba? siyempre happy ako " mabilis na sagot ni Deanna at hinawakan sa pisngi ang asawa

" bakit ang tahimik mo, kung tlagang masaya ka? " komento nya sa naging ugali ni Deanna

" ayoko lang kasi na magalit ka kapag sobrang happy ko o noisy dahil baka makasama sayo at sa baby " pag amin naman niya

" ano ka ba? okay lang na maging madaldal ka, masaya nga ako pag nakikita kitang masaya ehh " sagot naman ni Jema

" sigurado ka? " naninigurong tanong ni Deanna

" Oo naman " sabay tango ni Jema 

" Okay... but cover your ears with your hands first " utos nito sa asawa

" bakit ko naman yung gagawin? " naguguluhang tanong ni Jema

" sige na please " pakiusap ni Deanna sabay kuha ng kamay ni Jema at sya na mismo ang naglagay nito sa sariling tenga ng asawa

Huminga muna ng malalim si Deanna bago ito sumigaw ng sobrang lakas

" THANK YOU LORD!!!!!!! " sigaw niya sa loob ng kotse

Naiiling na sinamaan sya ng tingin ni Jema

" hindi mo naman kasi kelangan takpan ang tenga ko, naririnig ko naman sinabi mo " komento niya at biglang natawa 

" i shouted out loud kaya " depensa ni Deanna sa ginawa at tinanggal ang kamay niya na nakahawak sa kamay ni Jema

" gusto ko ng umuwi " pag iiba ni Jema sa usapan at umayos ng upo

" don't you want to eat first? maybe you're hungry na at si baby. after we eat let's buy baby's stuff " suggest ni Deanna

" Hubhub, 2 weeks pa lang akong buntis, at nakabili ka na ng mga damit ni baby dba? nung nag Japan kayo " pagpaalala ni Jema sa kausap

" iba naman dun, iba naman dito..  i chose the one i bought there, but the one we will buy here, i want the one you choose for our baby. para fair " paliwanag naman ni Deanna

" next time na okay? wag muna ngayon, at gusto ko palang sabihin sau na wag mo munang ipagsabi na buntis ako " paalala niya sa asawa

" at bakit? gusto ko nga malaman ng lahat na buntis kna eh " kunot noong wika ni Deanna

" kasi may pamahiin na hindi daw dapat ipagsabi yung buntis pag bago pa lang, masama daw " rason ni Jema

" ahh ganun ba? sayang naman excited pa naman ako " malungkot na sabi ni Deanna

Be Nice to The Setter, The Queen is Pregnant -Book IIWhere stories live. Discover now