Day 21

8.2K 259 28
                                    

" wifewife " malambing na tawag ni Deanna habang nakasandal ang ulo niya sa dibdib ng asawa

" hmmmm " wika ni Jema habang hinahaplos ang buhok ni Deanna

" payag ka ba kung itatanan kita? " tanong ni Deanna habang hinahaplos ang tyan ng asawa

Nakatikim tuloy sya batok kay Jema

" wifewife masakit yun ahh " reklamo ni Deanna

" ehh pano kasi kung ano ano sinasabi mo " masungit na wika ni Jema

" gusto ko na kasi kayong makasama ni Baby " nakangusong wika ni Deanna

" magkasama naman tayo ngayon ahh " balewalang sagot niya dito

" gusto ko na pagtapos ng training kayo agad makikita ko ni baby " pagpaintindi ni Deanna

" pumupunta ka naman dito sa laguna dba? " sabi naman ni Jema

" pano kung magiging busy na ako " parang batang tanong ni Deanna

" at san ka naman magiging busy? " taas kilay na tanong sa asawa

" wifewife malapit na UAAP, alam mo naman si Coach O " buntong hiningang sabi ni Deanna

" alam ko naman yun ehh.. okay lang naman sakin kung hindi ka makakauwi dito sa laguna makikita naman kita sa tv " paliwanag niya sa asawa

" hindi ka manunuod ng live? " tanong ni Deanna

" depende kay Papa kung papayagan niya akong pumunta ng Manila " malungkot na sagot ni Jema

" wifewife " tawag niya ulit kay Jema

" hmmmm.. "

" hindi pa rin kami okay nina Captain Bea " sumbong ni Deanna

" akala ko ba kakausapin mo na sila? " may pag alalang tanong ni Jema

" binigyan sila ng punishments ni Coach nung time na nandito ako kasama nina Ate Ly " kwento ni Deanna

" bakit kasi hindi ka nagpaalam? " usisa ni Jema

" Hindi nga kami okay wifewife pano ako magpapaalam? " giit pa ni Deanna

" Okay man kayo o hindi dapat magpaalam ka " pangaral sa kanya ni Jema

" wifewife " tawag ulit ni Deanna sa asawa

" kanina ka pa wifewife ng wifewife ano na naman yun? " parang na bbwesit na tanong ni Jema

Nangiti si Deanna sa sinabi ng asawa, alam niyang naiinis na naman ito sa kanya

" kung mamanyakin kita ngaun papayag ka ba? " tanong ni Deanna

" Deanna buntis ako " seryosong sagot ni Jema

" kung buntis ka pala eh di sana hindi ka na pumayag na halikan kita kanina " reklamo ni Deanna

" ano naman ang koneksyon ng halik kanina? " kunot noong tanong ni Jema

" alam mo naman kasi yung halik mo ang kahinaan ko eh " banat ni Deanna

" kasalanan ko ba kung nanghihina ka sa halik ko? " at inirapan ng asawa

" yabang mo naman " nakangusong wika ni Deanna

" so ako pa ang mayabang ngayon? " mataray na tanong ni Jema

Sumimangot si Deanna dahil sa sinabi ng asawa

" wala ka bang planong umuwi? " pag iiba ni Jema sa usapan

Be Nice to The Setter, The Queen is Pregnant -Book IIWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu