Day 29

7.3K 240 70
                                    

Restaurant

" Anong gusto mo? " tanong ni Deanna ng makaupo na si Jema sa harapan ng table

" wala " walang ganang sagot ni Jema

" Look, kailangan mong kumain, anong oras na " wika ni Deanna habang may kinakalikot sa phone nya, hinahanap na sya ni Coach O sa training nila

" Chicken & Chips " sagot ni Jema

Natigil sa kanyang ginagawa si Deanna at tiningnan ng seryoso si Jema. Binaba nya ang hawak na phone, at huminga ng malalim bago nagsalita ulit

" Mag veggie ka na lang, order kita " malamig na wika niya

" tinatanong mo ako kung ano gusto ko pagkatapos ikaw rin pla mamimili " reklamo ni Jema

" pwede, just once tigilan mo muna ang kakareklamo mo? kanina ka pa sa hospital " pakiusap ni Deanna sa kausap

" eh d sana hindi mo na ako pinilit dito kung sawa ka na sa kakareklamo ko " mataray na sagot ni Jema

" so ano gusto mo ha? gusto mong umuwi?! " tumaas na ang boses ni Deanna

" wag mo kasi ako pilitin sa isang bagay na ikaw lang naman ang may gusto  " may diin na pagkakasabi ni Jema

Napahimas si Deanna sa kanyang noo

" ano na naman ba ang problema? " mahinahong nyang tanong

" wala, umalis ka na. umorder  ka na dun " at ibinaling ang tingin sa ibang mga taong kumakain sa loob ng restaurant

" pwede paki explain sakin kung bat ka nagkakaganyan? "

" umalis ka na nga " pagpapaalis ni Jema sa kausap

" bakit nga kasi?" mahinahong tanong ni Deanna

" gutom na ako "

Hindi na kumibo si Deanna at umalis na lang para mag order. Habang naghihintay na bumalik si Deanna sa table nila ay biglang nag ring ang phone ni Jema

" Kamusta ka? " Cy

" Okay lang, ikaw? " Jema

" Nag aalala ako sayo, okay lang ba? " Cy

" Oo okay lang ako, Pasensya kna kanina ha? " Jema

" ayos lang yun, okay lang ba kayo ni Deanna? " Cy

" siguro " Jema

" inaway ka nya? " Cy

" hindi naman.. hindi lang kami magkaintidhan " Jema

" kumain ka na ba? " Cy

" Hindi pa, pero nag order na si Deanna " Jema

" uuwi  ka ba ngayon sa laguna? " Cy

Sasagot pa sana si Jema nang biglang may humablot ng phone nya hindi nya namalayan na nasa tabi nya na pala ang asawa

" nawala lang ako sandali, kung sino na kinakausap mo " wika ni Deanna sabay tago ng phone ni Jema sa pocket nya

" Ano ba! ibalik mo nga phone ko " tumayo na si Jema at pilit na binabawi ang kanyang cellphone 

" alam mo ba bawal na sayo gumamit ng cellphone? radiation yan, makakasama kay baby " sermon ni Deanna at umupo sa tabi nito

" ngayon lang nga ako ulit humawak ng phone ko " sagot naman ni Jema

" kahit na " sagot na lang ni Deanna

Be Nice to The Setter, The Queen is Pregnant -Book IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon