Day 20

8.7K 253 18
                                    

Habang papalapit ang Valentines Day, araw araw naman nakakatanggap ng bulaklak at card si Deanna. Binabasa niya lang ang nakasulat sa card tapos bigla na lang niya itatapon sa garbage can na madadaanan niya pati ang bulaklak. Wala siyang pakialam sa taong nagbigay nito sa kanya, at mas lalong wala syang panahon sa prom na yan.

Hanggang ngayon hindi pa sila okay ng mga ka teammates niya, mas lalong tumindi ang away nila ng magkasagutan sila ni Bea sa dorm, pagkabalik niya galing ng Laguna, sinisisi sya ng mga ito sa punishments na binigay sa kanila ni Coach Oliver ng araw na wala sya dito sa Manila dahil nasa Laguna siya kasama ang mga CCS Players.

Papasok sya ng gym nang may nakita syang limang estudyante na nakaupo sa bench malayo sa kanya kinatatayuan niya, tahimik siyang umupo sa bench at inatupag ang kanyang cellphone

Nang bigla niyang narinig na kumanta ang mga ito

You're just too good to be true 🎵
I can't take my eyes off you 🎵
You'd be like heaven to touch 🎵
I wanna hold you so much 🎵
At long last love has arrived 🎵
And I thank God I'm alive 🎵
You're just too good to be true 🎵
Can't take my eyes off you 🎵

Pardon the way that I stare 🎵
There's nothing else to compare 🎵
The sight of you leaves me weak 🎵
There are no words left to speak 🎵
But if you feel like I feel 🎵
Please let me know that is real 🎵

" it would be too good to be true, if i went to Prom with you " 🎵

Naagaw nila ang atensyon ni Deanna dahil sa huling linya ng kanta nila kaya pinuntahan niya ang mga ito

" excuse me " pang iisturbo ni Deanna

" bakit miss? " tanong ng isang babae

" ahm.. yung kinanta nyo kasi " may pag alinlangan wika ni Deanna

" may problema po ba sa kinanta namin? " tanong naman ng isang lalakeng estudyante

" ahh wala naman, kasi yung huling line sa kinanta nyo parang familiar kasi sakin " paliwanag ni Deanna

Nagtinginan sa isat isa ang mga estudyante

" sikat ang kantang yun Miss, natural familiar sayo " dahilan naman ng lalake

" Okay... siguro nga " wika ni Deannna at pilit na ngumiti tsaka naglakad pabalik sa dati niyang pwesto

Pagbalik ni Deanna sa kanyang inupuan kanina ay nagtaka sya ng makita niya na may bulaklak at card na naman na nakapatong sa ibabaw ng bag niya, iginala niya ang tingin sa loob ng gym sa pag aakalang makikita niya ang taong naglagay nito dito,pero wala syang nakitang kahina hinala kaya kinuha niya ang bulaklak at binasa ang nakasulat sa card

" I can't draw a star, but I can draw your eyes "

"I can't draw a moon, but I can draw your smile "

" I can't draw a house, but I can take you home "

" I can't walk alone, so will you take my hands? "

Deanna Wong, Will You Date Me?

Habang ang atensyon ay nasa card ay bigla namang pumasok ang lady eagles sa loob ng gym, nag angat ng tingin si Deanna at nagkatitigan silang dalawa ni Bea, naunang umiwas ng tingin si Deanna at ibinaling ang atensyon sa card na hawak

" Mukhang may magseselsos na naman dyan " sita ng ka teammate niya

" hindi ko naman pinapansin to eh " walang ganang sagot ni Deanna

Be Nice to The Setter, The Queen is Pregnant -Book IIWhere stories live. Discover now