Day 23

6.1K 206 12
                                    

Habang nag aayos si Deanna sa counter ay biglang dumating si Fille

" Dean " tawag niya dito

" Hi ate "

" Ito calling card ng kakilala ni Lino. naghahanap yan ng magttrain sa kapatid niya na maglalaro ng volleyball " wika ni Fille sabay bigay ng calling card kay Deanna

" Hindi naman pp ako trainor Ate, player lang ako " may pag alinlangang sagot ni Deanna

" related pa rin sa volleyball yan Dean. hindi gaya dito sa cafe na Cashier ka hindi bagay sayo. at para hindi ka lagi mag aabsent " sabay tawa pa ni Fille

" Bawas naman po sa sweldo ko yun ah " depensa naman ni Deanna

" Anong bawas? FYI hindi ko yun binabawasan, nag uusap kami ni Lino tungkol sayo & we really want to help you kaya kung gusto mo ng malaking kita tawagan mo na yan " paliwanag ni Fille

" malaki po ba magpasweldo to? " pagbibirong tanong ni Deanna sabay basa ng hawak niyang calling card

" pano mo malalaman? eh hindi mo pa naman tinatawagan " sagot ni Fille

" sige Ate subukan ko, mamaya ko na tawagan after work " at akmang itatago sa bulsa ang calling card na hawak niya ng pigilan sya ng kausap

" tawagan mo na ngayon, wag ka na mag aksaya pa ng oras " pilit ni Fille sa kanya

Walang nagawa si Deanna, kundi kunin sa bulsa ang cellphone niya at dinial ang number ng nakikita niya sa calling card

" Hello is this Charles Chua? " Deanna

" Kuya ko po yun " boses ng batang babae

" Ahh.. pwede ko ba syang makausap? " Deanna

" girlfriend ka po ba nya? "

" No, hindi ako girlfriend ng kuya mo I'm-- " Deanna

" Charlene! pinapakialaman mo na naman ang phone ni kuya, finish your food " rinig ni Deanna sa kabilang linya

" strikto " sa isip ni Deanna

" Hello " boses na ni Charles

" Hi.. si Charles Chua na po ba kausap ko? " Deanna

" obvious ba? hindi ba halata sa boses ko? " Charles

" parang nagtatanong lang naman " komento ni Deanna

" ano sabi mo? " Charles

" ahmm.. i mean, may nagbigay kasi ng calling card mo sakin, kailangan mo daw ng magttrain ng volleyball sa kapatid mo, itatanong ko lang sana if available pa yung job na yun? " Deanna

" May i know your name? " Charles

"Deanna.... Deanna Wong " Deanna

Nagtaka siya na biglang tumahimik sa kabilang linya? akala niya binabaan na sya ng tawag ng kausap

" Hello Charles? still there? " Deanna

Narinig niyang napabuntong hininga ang nasa kabilang linya

" Okay Ms. Deanna Wong, available pa naman.. in fact ikaw pa lang ang unang tumawag sakin, so kelan mo balak magsimula? " Charles

" tanggap na ako? " Deanna

Be Nice to The Setter, The Queen is Pregnant -Book IIWhere stories live. Discover now