Day 19

8.1K 271 31
                                    

Ateneo Gym

" Tinawagan mo na ba si Deanna? " tanong ni Coach Oliver kay Bea

" Yes Coach, pero hindi po sya ma contact " kabadong sagot niya sa bagong dating na coach

" wala bang nakakaalam sa inyo kung san nagpunta si Deanna? " tanong pa ulit ni Coach Oliver sa mga players niya, at tiningnan ang mga ito. Nang walang sumagot ay binalik niya ang tingin sa kausap.

" Bea! " tawag niya sa Team Captain ng Ale na sa hawak nitong phone ang atensyon

Inalis ni Bea ang tingin sa hawak na cell phone at buntong hiningang umiling

" magkasama kayo sa dorm tapos wala kayong alam? " galit na tanong ni coach

" hindi naman po kasi namin sya kinakausap coach " boses ni Ponggay

" hindi nyo kinakausap? for what reason? " at si Ponggay naman ang kanyang binalingan

" dahil po sa pregnancy ni Jema " kagat labing sagot ni Jules at yumuko

Napasinghap si Coach Oliver sa narinig niyang sagot

" dahil lang dun? ginawa nyo yun kay Deanna? " seryosong tanong nito sa mga ito

" Coach tinatawagan na po namin sya " sabat naman ni Kat na nakadikit na ang phone sa tenga nito

" oh ano? sumagot naman ba? " sarkistong tanong ng Coach

" Hindi po Coach.. unattended po " may kabang sagot naman ni Kim na naka hawak na rin sa phone nito

" natural! hindi nyo kinausap tapos ini expect nyo na sasagutin yung tawag nyo!!! " sigaw ni coach oliver

Napapikit silang mga players dahil sa biglang pagtaas ng boses nito

" pag hindi pa nyo nahanap si Deanna ngayon, all of you will face punishment! " banta nito at iniwanan ang lady eagles

Napahilamos ng kanyang mukha si Bea

" Captain " biglang lapit sa kaniya ni Dani

" wala ba tlagang alam sa inyo kung sya nagpunta? " si Bea naman ang nagtanong sa mga teammates niya

" kasalanan nyo naman kasi eh, hindi nyo hinayaan na mag explain yung tao basta na lang kayo nagagalit " paninisi ni Jules sa mga kasama

" normal na maramdaman namin yun " tanggol naman ni Ponggay

" pero may maganda bang naidulot yun satin? tingnan nyo! may possibility pa na maparusahan tayo " galit na tugon ni Jules

" kasalanan naman kasi to ni Deanna ehh.. kung- "

" lagi na lang si Deanna yung sinisisi nyo, hindi niya kasalanan na nilihim nya yung pregnancy ni Jema,it's her choice damn it!!! intidihin nyo naman yung tao " pagputol ni Jules sa sinabi ni Ponggay

" tama na pwede! hanapin nyo na lang si Deanna..
at hindi kayo titigil hanggat hindi nyo sya nakikita " maawtoridad na wika ni Bea

" Captain san ka pupunta? " tanong ni Dani ng makita itong naglakad palayo sa kanila

Hindi sya sinagot ni Bea at diretsong naglakad palabas ng gym

-
Laguna

Paiyak na sana si Mich nang biglang tumunog ang cellphone ni Risa. Masama naman syang tiningnan ng mga kasama

" alam mo namumuro ka na talaga sakin " asar na wika ni Mich at bigla na lang dinaganan si Risa

" anong nangyayari dun? " tanong ni Jema ng mahimasmasan na sya

Be Nice to The Setter, The Queen is Pregnant -Book IIWhere stories live. Discover now