Aksidenteng napatingin ako ulit sa kinaroroonan ni Stanley kanina. At ang nakita ko ay ang impaktang Bianca na nakatingin ngayon sa akin habang may mapang-asar na ngiti sa mukha.

Teka--bago lang ba siya dyan? Di ko siya napansin kanina. Sabagay, ano bang paki ko sa kanya? B1tch.

Kinuha ko nalang ang cellphone ko at tinawagan si Pepay.

"Nasaan ka na?" tanong ko nang sagutin niya ang tawag.

Napatingin ulit ako kay Stanley at ngayon ay nakatingin na siya sa akin. Pero nakaigting ang panga niya't ang talim masyado ng tingin niya sa akin! Ang maliit niyang mga mata ay mas lalong lumiit pa habang nakatingin sa akin!

WHAT THE HELL?! ANONG PROBLEMA NIYA?! Kanina parang hindi niya ako kilala pero ngayon heto siya't pinapakita sa akin ang galit niyang mukha!

"Hello?! Nandyan kapa ba?! Megesh! Papunta na ako! Buh-bye!" at pinatay ng bakla ang linya na hindi pa ako nakakapagsalita!

Anak ng---! Magsama kayong lahat! Leche!

Padabog kong inilagay ang cellphone ko sa bag nang may biglang umupo sa tabi ko. Nanlaki ng husto ang mga mata ko at halos lumuwa na ito.

WHAT.THE.PAKING.TAPE!

"Hi!" anang lalaki at inilahad ang kamay niya sa harap ko. Sobrang ngiting ngiti siya sa akin na nagpairita sa akin pero hindi nito naialis ang gulat na nararamdaman ko ngayon.

WHAT THE HELL?! Siya ang lalaki kahapon sa mall na nabangga ko! ANAK NG--! Anong ginagawa niya dito?! At sa tabi ko pa talaga siya! At ngayon magkaharap na kami!

Nakita ko kung paano tumahimik ang gym. At halos lahat sila ay nakatingin at nakatuon na ang atensyon sa amin! At hindi imposibleng hindi nakatingin ngayon si Stanley! Ayokong tumingin sa kanya! Dahil paniguradong pamatay tingin nanaman ang ipinupukol niya sa akin!

"Ikaw nanaman?!" iritang sabi ko sa kanya. Hindi ko tinanggap ang kamay niya.

Mas lalong lumaki ang ngiting nasa mukha niya. "Natatandaan mo ako!" sobrang sayang aniya.

What the pak?! Ngayon lang ako nakasalamuha ng ganitong lalaki! 'Yung tipong sobrang inosente!

"Malamang! Anong akala mo sakin?! Matanda na para makalimot agad?! At sino ka ba?! Lumayo ka nga sa akin!" sigaw ko sa kanya at umusog palayo.

Leche! Ano bang nangyayari sa araw ko ngayon! Nasaan na ba kasi si Pepay at nang makaalis na ako dito!

"Gusto lang naman kitang makilala." yumuko siya at parang nagdrama na nasaktan ko siya.

"Leche! Ako hindi! Kaya pwede ba umalis ka!" mataray na sigaw ko sa kanya.

Maya maya pa ay may narinig akong pumalakpak. At ang impaktang Bianca ang naki-eksena.

"ANO?!" sigaw ko sa kanya. Napatayo ako. Ganun narin yung lecheng lalaki. Natigil siya sa pagpalakpak at nagulat sa sigaw ko sa kanya. Mataray niya akong tinignan. Impakta talaga.

"What?! Ikaw ba ha?! Kapal mo! Nandito ako para puntahan ang kaibigan ng boyfriend ko!"

ANOOOOO?!

"Yes! Kaibigan siya ni Stan. And siya si---"

"I'm Gavin." inilahad ulit ng walang hiyang lalaki ang kamay niya sa harap ko at masayang ngumiti. "And you are?"

Bubulyawan ko na sana siya ulit nang may biglang tumabi sa akin.

"Her name is not available."

WHAT THE PAK?!

Pagkalingon ko si Stanley ang nakatayo mismo sa tabi ko. Konti nalang magdidikit na kami. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Naalala ko ang huling nangyari noong may nagtangkang kausapin ako at nauwi sa matinding gulo.

Ngumisi ang lalaki at napatingin kay Stan. "Woah! Bro!" sabi ni Gavin at akmang makikipaghigh five kay Stanley pero nakita ko kung paano madilim niyang tinignan ang kamay ng kaibigan na ngayon ay nabitin sa ere.

"Stay away from her Gavin." malamig na sabi ni Stanley.

Napalunok ako sa uri ng pagkakatitig ni Stanley sa kaibigan. Kahit si Bianca ay nakitaan ko ng takot ang mukha habang nakatingin kay Stanley.

Napangisi ulit si Gavin at ngayon ay napatingin sa akin at kay Stanley, sa akin kay Stanley at balik sa akin at kay Stanley. Hanggang sa napatango tango siya.

"Mukhang alam ko na kung anong meron dito." sabi ni Gavin. Hindi parin naiaalis ang ngisi.

Walang may nagsalita. Hanggang sa hinila ako ni Stanley sa kung saan. Dinala niya ako sa likod ng gym. At isinandal sa pader nito. Nanlalaki ang mga mata ko. Ang kaninang mabilis na tibok ng puso ko ay triple na ngayon.

"WHAT THE HELL STANLEY?!" sigaw ko sa kanya. Hindi maitago ang gulat sa mata.

Bigla niyang inilapit ang labi niya sa tenga ko. "Listen to me." bulong niya.

Tumindig ang balahibo ko.

"Tandaan mo 'to.. You.are.not.available. Hanggat akin ka." then he left me hanging.

Hindi ko parin maiproseso ang lahat. Anong nangyari?!

----

-NnahJanexz

IntricateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon