"K-Kuya!"

Napailing ako para iwaglit ko sa isipan ko ang eksenang iyon. Dumiretso ako sa Testing Room at walang pasabing pumasok at kinuha si Althea. Tanong siya ng tanong pero wala akong planong sagutin iyon ngayon. Ang mahalaga ay mailayo namin sya dito dahil sigurado ako, hindi lang nag-iisa ang gunman na iyon kanina.

Ipinaubaya ko sya kay Luigi, mukhang tinawagan sya ni Athena kanina para ipaliwanagang gagawin. Dahil pagkarating namin sa Fire Exit, nandun na sya at may hawak pang baril.

Bago sila umalis ay sinadya kong tanggalin ang sunglasses ko na agad ginaya ni Athena. Alam kong nakita nya ang mga mata namin, pero alam ko rin na hindi nya iyon maaalala.

Nagkakagulo na sa loob ng hospital, may mga lalaking armado ang pumasok at paniguradong hinahanap nila ang kapatid ko.

Agad kaming nakipag-palitan ng putok ng baril. Ayokong may kung sinoman ang mananakit sa bunso kong kapatid.

I, Athena and Levi suffer too much and I don't want Althea to suffer the way we does.

Napakunot ang noo ko nang makita ko si Luigi dito at tinutulungan kami.

"Asan si Althea?" Inis kong tanong

"She's safe, don't worry! Nasa may eskinita sya." Sabi nya.

Tumango tango ako at nagpatuloy sa pakikipag-palitan ng putok ng baril.

"I heard them. They said our target was on a narrow street." Napalingon ako sa isang lalaki. Mukha siyang Filipino at trinanslate lang nya ang sinabi ni Luigi.

Nagkatinginan kaming tatlo. Mabilis kaming kumilos. Ngunit sandamakmak ang humarang sa amin. Mabuti na lamang at dumating na ang mga pulis kaya nakahanap kami ng paraan para makaalis.

I was too devastated and panic has eaten my system. Our Angel was in danger.

Halos sabihin ko na lahat ng mura na alam ko nang makita kong ipinasok sya ng lalaki sa isang kotse. Walang pag-aalilangan ko syang binaril nang dalawang ulit. Mabilis akong lumapit sa kotse at sinilip si Althea sa loob. Pa-sarado na ang mga mata nya.

"Althea, my angel!" Tawag ko sa kanya. "Althea, please hold on, n-nandito na si Kuya. Bumalik na si Kuya. Kasama ko pa si Ate."

Alam kong naguguluhan sya, pero dahil nanghihina sya ay pinikit na lang ang kanyang mga mata.

Binuhat ko sya at mabilis na dinala pabalik sa hospital. Kasunod ko lang ang walang imik na si Athena at Luigi.

Inasikaso sya ng mga nurse, naramdaman ko na lang na niyakap ni Athena ang braso ko.

"K-Kuya!"

Inakbayan ko sya at hinalikan sa gilid ng noo. "Our angel will be fine." Bulong ko sa kanya.

Naupo kami sa may waiting area. Ipinikit ko ang mga mata ko, hindi man sinasadya pero bumalik sa alaala ko ang mga bagay na pinag-uugatan ng galit at paghihiganti ko.

Flashback

Patakbo akong umakyat ng hagdan ng hindi ko maabutan si Athena sa baba. Sana mali ang nakakarating na balita sa akin, dahil kung hindi, makakapatay ako ng wala sa oras.

Hinawakan ko ang doorknob, nakapagtatakang hindi iyon naka-lock. Wala sa ugali nya iyon.

Marahas kong binuksan ang pinto. Halos mapaluhod ako sa nakita ko.

Si Athena! Nakasiksik sa gilid ng kama. Umiiyak. Walang saplot sa katawan.

"K-Kuya!"

Agad ko syang nilapitan. Hinubad ko ang tshirt ko at pilit isinuot sa kanya. Napamura uli ako nang makita kong nakatali pa ang mga kamay nya. Pinigilan kong hindi maluha sa harap nya.

Hiring: UGLY Secretary (PUBLISHED under IMMAC)Where stories live. Discover now