TL 25

407 12 19
                                    


KYLEIGH

"Damn it! Walang signal!" Inis na sambit ko habang nakataas ang mga kamay ko na naghahanap ng signal. Bwiset! Kanina pa ako naghahanap, hapon na at hindi ko pa nakokontak sila Terrence.

"Kyleigh. You should—"

"Shut the fuck up!" Galit na sigaw ko kay Mark na nasa hambana ng pintuan. Kanina pa niya ako sinasabihan na pumasok sa loob! Bwiset! Wala siyang naitutulong!

Hindi niya alam ang pakiramdam na malayo sa anak at walang balita! I missed my children!

"Damn it! Bakit ba walang signal dito!" Naluluhang sambit ko. Pinang gigigila ko na ang screen ng phone ko! I am desperate to communicate them! I am worried!

Napaupo na lang ako at nawawalan na ng pag-asang makahanap pa ng signal..

my babies!

"I—I missed my babies." Naluluhang sambit ko. Mahirap na ngang malayo sa kanila, nawalan pa ng signal para ma communicate ko sila. Damn!

Bilang isang ina, hindi madaling malayo sa anak!

Maya-maya ay may naramdaman akong pumatong sa balikat ko—jacket. Kaya naman tumingala ako at nakita ko si Mark na nasa gilid ko. Hindi ako pwedeng magkamali sa nakita ko sa mga mata niya. Nag-aalala at nasasaktan.

B-bakit!?

"Malamig na dito sa labas. Get inside, ako na maghahanap ng signal.." mahinang sambit niya at hinawakan ako sa magkabilang braso para alalayang tumayo. Hindi na ako tumutol o nagpabebe pa dahil wala ako sa mood na gumanyon.

"But—"

"No buts, Kyleigh. Get inside and eat. I made a dinner for you." Sambit nito. Nilabas niya ang phone niya mula sa bulsa niya at ngumiti siyang pinakita 'yon sa 'kin. "Maghahanap ako ng signal para sayo, at kapag may nahanap ako. Babalik agad ako." Nakangiting sambit nito.

Napatitig ako sa mukha niya. Hindi ko alam pero pakiramdam ko may nagbago. Para siyang maputla na hindi ko maintindihan. At ang mata niya na bakas ang kalungkutan kahit na ngumiti siya. A-Anong nangyari sa kanya?

Dahan-dahan akong naglakad patalikod sa kanya. Humakbang ako palayo, pero sumusulyap pa ako sa kanya na nakatingin sa 'kin ng may pilit na ngiti.

"Lock the door, Kyleigh. Don't open when someone knocking. I have my own key." Paalala niya. I slowly nodded. At nang makarating ako sa pinto ay dahan-dahan kong sinara hanggang sa tuluyan ko ng sinara ito..

Nagtataka pa 'rin ako sa nangyayari, at sa nangyari sa kanya. Bakit ganon si Mark? Pakiramdam ko talaga na may mali sa kanya e!

Napatingin ako sa lamesa at may pagkain na doon. Dahil gutom na 'rin ako, agad akong naupo at naglagay ng pagkain sa plato.. Susubo na sana ako ng maalala ko si Mark.

Kumain na kaya siya? Damn! Dapat wala na akong pakielam sa kanya! Tama! Tama!

Iniwan at pinagmukha ka niyang tanga Kyleigh kaya nararapat na mawalan ka ng pake sa kanya!

Mabilis kong tinapos ang pagkain ko, masarap ang luto niya. Hindi ko maipagkakaila iyon. Tinalo pa niya ang luto ko!

Hinugasan ko kaagad ang pinag kainan ko at naupo sa sofa sa sala.. Napatingin ako sa orasan ng mapagtanto kong mahigit isang oras na atang hindi nabalik si Mark!?

Damn. Dapat hindi na siya umalis e! Tumayo ako at hindi mapakali. Pabalik-balik ako sa paglalakad. Hindi ko iwasang hindi mag-alala kay Mark!

Hindi ko na napansin ang oras sa pagmumuni-muni ko ng mapagtantong dalawang oras na siyang wala!

Together Love (Sequel Of IFIFB)Where stories live. Discover now