TL 24

272 9 5
                                    


Ally Pov

Nagising na lang ako dahil sa alarm clock na dinaig pa ang napakalakas na sound system dahil sa lakas ng tunog!

"What a wonderful morning!" Bulong ko na lang at bumangon na sa pagkakahiga..

Napabuntong hininga ako at tiningnan ang phone ko na may messages..

Three messages.. ang isa ay galing kay Mark, and the other one ay kay Ed at ang isa ay galing sa unknown number..

From: Mark

-I'm with Kyleigh now..

Kasama niya si Kyleigh? Hmm, Ito nga pala ang sinabi niya sa akin kagabi.. Good to hear that. Sana mag comeback na sila. Ang kaso, napaka imposible dahil may mga anak na si Kyleigh. Hays!

Binuksan ko naman ang message ni Ed..

From: Edhoney

-Good morning honey! Don't skip your breakfast mwuah!

Kahit kelan talaga, mahaliparot 'tong si Ed. Hays!

Napadako ako sa unknown number..

From: 09unknown

-can we talk?

Napakunot-noo ako ng mabasa 'yon.. Sino siya? Kaya naman agad kong nireplyan. Hindi ko na muna hinintay ang reply niya. Kaya agad akong pumunta sa bathroom para maligo..

Medyo nagtagal ako sa bathroom, at ng matapos ako napatingin ako sa phone ko na may new message..

From: 09unknown

-It's me Clyde.. I'll wait you at Destined Cafe.. eight am.

Eight am?

Napatingin ako sa orasan ko at nakita kong 7:45 na.. wait! Pero bakit naman siya makikipag kita sa akin?

Pupunta ba ako o hindi? Pero, baka maghintay siya 'don. Argghh! Hays! Bahala na nga!

Nag-ayos na ako at lumabas na sa kwarto ko.. mag-isa lang ako dito sa condo unit ko. Yes, I have own condo unit now.. umaasenso naman kahit papaano.

Nang nasa kusina na ako ay plano ko na sana magluto ng agahan ko ng mapatigil ako, Damn!

Nagbihis ako ng komportable at lumabas na ng unit ko.. pagkalabas ko ng building ay pumara agad ako ng taxi.. at nagpahatid sa Destined Cafe.

Agad akong pumasok sa Cafe at iginala ko ang paningin ko, nakita ko si Clyde sa dulo na seryosong nakatingin sa labas havang naka eyeglass.. wow! Ang gwapo niyang tingnan dahil 'don.

Huminga ako ng malalim at naglakad na palapit sa kanya.. at nakita ko ang paglingon niya sa akin.

Shems! Kailangan kong kontrolin ang puso ko!

"G-goodmorning.. I'm sorry. I'm late." Bungad ko sa kanya at umupo ako sa bakanteng upuan na kaharap lamang niya.

Ngumiti siya sa akin. "It's okay.. ahm, have you eaten your breakfast?" Tanong nito.

"Actually hindi pa."

"I'll order.. just wait me here." Sabi nito at tumayo na papunta sa counter, wow! Di man lang ako hinintay na sumagot pero, gentleman huh!

Tiningnan ko siya na seryosong umoorder, napangiwi ako. Mas lalong nag matured ang katawan niya. Ulam na ulam ang katawan. Pero sino kaya ang nakatuluyan niya? At bakit gusto niyang mag-usap kami?

Together Love (Sequel Of IFIFB)Where stories live. Discover now