TL 13

731 33 7
                                    

Kyleigh's PoV

Isang linggo na ang nakalipas at hindi pa din mawala sa isip ko ang tungkol kay Mr. Larsen. Ano ba kasi talaga ang ginagawa niya sa kasal ni Chelsea at Larry?

"Kyleigh? Anong niluto mo?" Napatingin ako sa babaeng bagong pasok dito sa kusina.

"Menudo at Afritada.." Sagot ko sa kanya at inayos ko na sa lunch box ang mga niluto ko.

"Wow!! Pwede patikim?" Tuwang-tuwang sabi ni Cole. Tumingin naman ako sa kanya. At ayon, kumuha na. Mabuti na lang at nakapag-lagay na ako sa lunch box ng pagkain kung hindi baka naubis niya lahat ng niluto ko.

"Ang takaw huh!" Sabi ko kay Cole habang nilalagay ko na sa paper bag ang lunch box.

"Shori naman.." Sabi niya, habang ngumunguya.


Napailing na lang ako, ganito ba kapag buntis? Wala ng poise kung kumain. Akalain mo? Parang patay gutom itong si Cole kung kumain.

"Ang bilis kasing sundan si Baby Kyle ehh! Ayan, buntis ka na naman.."

"Grabi kasi yang Oppa mo eh! Hihihi, pero masarap naman eh kaya hindi ko matanggihan.." Sagot naman Cole. Pshh! Dami nilang alam.."-Ikaw Kyleigh! Ikaw na lang ang hindi kasal.. Ay mali! Si Clyde pa pala. Hahaha" dugtong pa na sabi nito.

Oo, kami na lang nila Clyde ang hindi pa naikakasal. Pero alam kong makakapag-antay naman ang kasal namin eh. At si Clyde at Ally? Alam kong sila ang magkakatuluyan sa huli, may Chemistry kaya silang dalawa.

"Our wedding can wait.." Simpleng sabi ko lang.

"Sabi mo eh. Pero ito, payo ko lang. Gwapo si Mark halos perfect na. Alam mo namang madaming malandi sa paligid at nagkalat ang mga ahas.." Sabi ni Cole at sumubo na ulit ng pagkain. Sarap na sarap sa luto ko?

"Aynako! Ang dami mong sinasabi Cole, Sige na Alis na ako.." Paalam ko sa kanya. Ngumiti naman siya sa 'kin at tumango.

Nilagay ko back seat ng kotse ko ang paper bag at pumunta na ako sa driver seat. Pupunta ako ngayon sa Office ni Mark. Tutal, Walang masyadong ginagawa sa Office, susurpresahin ko si Mark at dadalhan ko siya ng Lunch..

Pagdating ko sa company nila, nag park agad ako at pumasok na. May mga bumabati naman sa 'kin dahil alam nilang ako ang fiancee ng boss nila.

Nang nasa tapat na ako ng pinto ng office ni Bisugo, lumabas naman ang secretary niyang tibo.. Halata pa atang nagulat itong tomboy na ito ng makita niya ako, kaya napataas ang isa kong kilay.

"M-Miss. Kyleigh." Nauutal na banggit nito sa pangalan ko at halata talaga sa kanya ang gulat. Nasa harap ko pa din siya at nakahawak pa siya sa door knob ng pinto kaya hindi ako makapasok.


"Where's my Fiancee?" Mataray na tanong ko sa kanya. Unang kita ko pa lang talaga sa kanya. Naiirita na ako. Pshh!

"N-nasa loob po. P-pero po, bawal po daw siyang istorbohin.." Sabi nito na mas lalo kong ipinagtaka. Bawal istorbohin? Tss.


"I'm his Fiancee.. Kaya umusod ka!" Mataray na sabi ko dito at tiningnan siya ng masama.


"Pe-pero-"


Hindi ko siya pinatapos magsalita at pwersahan akong pumasok sa office ng fiancee ko. Nakita ko siyang tulog sa sofa. Pagod ba siya?

"M-miss Kyleigh.." Tawag sa 'kin ni Nica ang Tomboy na secretary. Pssh! Alam kong may landi yang taglay. Naamoy ko kaya.


Together Love (Sequel Of IFIFB)Where stories live. Discover now