TL 7

853 49 9
                                    

Chelsea's PoV

"MABUHAY ANG BAGONG KASAL.." Sigaw ng mga tao dito sa reception sa kasal nila Kaye at Charles.

Napatingin ako kay Asong Ulol na nakabusangot habang kumakain. Jusme! Bakit ang panget niya? Pero panget naman talaga siya eh!

"Any problem?" Tanong ko dito at uminom ako ng wine na nasa lamesa namin.

""Bandaya kasi ni Charles, Akalain mo 'yon. Naunahan pa ako. Aba'y matinde!" Parang sira ulong sabi nito. "-Putaragis naman Vasquez, bakit ka ba nambabato ng pagkain?" Inis na tanong ni Larry kay Ryan. Alam mo 'yung feeling na gusto kong humalagpak ng tawa dahil sa parang isip bata itong Fiance ko!

"Ulol! Ilang araw lang naman kasal nadin ninyo ni Chelsea. Huwag ka ngang madrama dyan. Hindi bagay! Imbis na nakakaiyak, Comedy ang lumalabas sayo" sagot ni Ryan kay Asong Larry.

"Ihh! Kahit na.." Binatukan ko naman siya kaya napa aww siya. Tiningnan ko naman siya ng masama. "-sabi ko nga tatahimik na ako." Bulong nito sa hangin pero rinig ko naman. Ang drama-drama eh. Hindi naman bagay! Mas bagay pa sakanyang Comedy! Or clown!

"Wait! Cr lang ako.." Paalam ko at tumayo.

"Samahan na kita?" Alok ni Larry tumanggi naman ako with hand gesture pa.

"No need. Baka silipan mo pa ako.." Sabi ko at napatawa ang buong barkada.

"Manyak ka pala Larry ehh" panunukso at tawang-tawang sabi ni Ryan.

"Ahh! Masama yan Larry.." Rinig ko namang nang-aasar din na sabi ni Mark. Napapailing na lang ako. Nakita ko ang samang tingin ni Larry sa mga nang-aasar sakanya.  Haynako! Maka-ihi na nga ehh!! Naaalibadbaran ako sa pagmumuka ni Larry eh! Syempre joke lang 'yon!

Paglabas ko ng Cr, pabalik na sana ako ng may nakita akong lalaki na nakasandal sa pader. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. A-anong ginagawa niya dito? Bakit siya nandito? Kelan pa? Bakit ngayon pa? Ang daming tanong sa isip ko..

Dahan-dahan kong hinakbang ang mga paa ko, palapit sa kinatatayuan ng lalaking 'yon..

"Rence?" Banggit ko sa pangalan niya. Napalingon naman ito sa 'kin na may gulat. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko! I was shock! Hindi ko expected na mangyayari ito, na makikita ko ulit siya!

"Che?" Paniniguradong tanong nito sa 'kin. Siya nga! Siya nga si Rence!!

Hindi ko alam basta yinakap ko siya... Yinakap ko siya sabay tulo ng mga luha ko. It's him! He's already here!

"I miss you.." Sabi ko habang yakap ko padin siya ng sobrang higpit.

"I miss you too..". Rinig kong sabi nito. Kumalas ako sa yakap at tiningnan ko siya ng mata sa mata, hinawakan naman niya ang dalawang pisnge ko at pinunasan niya ang mga luha ko gamit ang thumb niya.

"I love you Che... I Still Love you." Sabi nito sa 'kin ng nakatingin siya sa mata ko. Nagsasabi nga siya ng totoo!! I know him!

"I---" hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil biglang pumasok sa isip ko si Larry, This is wrong! Mali ito.. "-I need to go Rence, I'm Sorry.." Sabi ko at tinalikuran ko na siya pero hinawakan niya ang braso ko.

"Hinintay mo ba ako?" Tanong nito sa 'kin. Hinintay ko ba siya? Yes! Hinintay ko siya pero nang dumating si Larry sa buhay ko, nakalimutan ko na ang pangako namin sa isa't-isa..

"I--I'm Sorry Mr. Rence Carter, I-I need to go.." Naiyak na sabi ko sakanya. Kinalimutan ko na siya eh! Mali ito!!

Lumapit naman siya sa 'kin. At naramdaman kong hinalikan niya ako sa noo. "-Always remember this Che, I Love you.. Promise, You and Me, Still Together" sabi nito at umalis na. May plano ba siya?

Together Love (Sequel Of IFIFB)Where stories live. Discover now